"Ang tahimik ng dagat ano? Pati iyongng mga bituin hindi na din kumikislap," mahinang saad ko habang isinasayaw sa hangin ang kamay. Pilit kong inaabot ang mga bituin na parang walang buhay ngunit makulay.
"Matagal-tagal na din nating hindi nagagawa 'to, ang mahiga sa gilid ng dagat habang nakatanaw sa langit," may halong kagalakan sa himig ko habang sinasabi iyon. Nakakamiss.
"Hoy, bakit hindi ka nagsasalita? Ayos ka lang?" nagtataka kong tanong sa kaniya. Nakatulala lang ito sa himpapawid tila malalim ang iniisip.
Agad akong naalarma nang makita kong may luha na unti-unting tumutulo sa mata nito papunta sa kaniyang pisngi.
"Bakit ka umiiyak? Ano bang problema? Tama na, oy Jino?" pupunasan ko na sana ang luha nito ng maunahan niya ako.
Umiiling lang ito habang pinupunasan ang mga luha na patuloy pa din sa pagtulo. Ang sakit, ang sakit makita na umiiyak siya. Gusto kong malaman kung anong problema pero paano? Ayaw niya akong kausapin.
"Jino? Pansinin mo naman ako. May kasalanan ba ako? Sabihin mo sa akin." Maski ako ay naiiyak na din dahil sa pagsasawalang-bahala niya sa presensya ko.
Ang kaninang mahinang hikbi ay napunta sa hagulgol, hindi ko siya matutulungan kung hindi niya sasabihin. Akma ko na siyang yayakapin nang tumayo ito at naglakad papalapit sa dagat. Anong gagawin niya?
"Jino? Anong balak mo? Umalis ka diyan, umuwi na lang tayo" sigaw ko dito ngunit tila ba wala itong naririnig.
Nilapitan ko ito para hilahin pabalik sa dalampasigan pero naunahan ako ng isang sigaw.
"Jino! Ano bang ginagawa mo diyang bata ka? Halika na nga! Umuwi na tayo. Gabing-gabi tapos mag isa kang nagga-gala" si Tita Esme, siya pala ang tumawag lay Jino.
Pero bakit hindi niya din ako pinansin? Galit ba sila sa akin? Ano bang problema nila?
"N-nandiyan na Ma" nag umpisang maglakad si Jino papunta sa direksiyon ni Tita Esme at nilagpasan lang ako.
Agad akong napayuko ng gawin ni Jino iyon, talagang galit nga siya. Napaiyak nalang ako sa aking puwesto. Ilang sandali ang lumipas ay nagdesisyon ako na sundan sila. Ayokong magalit sa akin si Jino, ayoko.
"Anak, hindi mo pa din ba siya makalimutan?" Rinig kong tanong ni Tita Esme kay Jino nang makalapit ako sa kanila.
"Hindi ko kaya Ma, mahal na mahal ko siya" agad akong napaiyak ng sabihin ni Jino iyon.
"Kakayanin mo iyan, konting panahon pa at matutunan mo din na kalimutan siya" isang tapik sa braso ang ginawa ni Tita kay Jino.
"Ayoko ma, ayokong kalimutan siya. Mahal ko yun Ma" agad na sumikip ang dibdib ko, ang sakit. Mahal din kita Jino.
"Wala na siya anak, patay na si Maru. Matuto kang kalimutan at palayain siya"
Patay? Patay na ako? Paanong? Hindi.
Kaya ba hindi nila ako nakikita? Kaya ba hindi ako kinakausap nila Jino? Kaya ba siya umiiyak?
Patay na pala ako.
______________________
Sorry for the typos and grammatical errors. I'm just an underrated write, I hope you'll give me a chance to lighten up my talent.
Please do critique some of my works if you want. I'll lend my heart to that♥️.

BINABASA MO ANG
One to Tale (II)
Ficção GeralIba't-ibang storya, Iba't-ibang genre, Iba't-ibang tauhan. Muling magbubukas para sa bagong tinipong storya na aking mailalahad sa inyo mga magiliw na mambabasa. Nanggaling ito sa aking Rp account kung saan naging undiscovered writer ako. Sana magk...