Marizz’s POV
“Hoy kang babae ka! Kumakain ka nanaman! Tumataba ka na oh!”--- Rheycef.
Yan si Rheycef my loving friend. Siya rin ang pinaka ka close ko sa barakada.
“Hindi naman eh! May shape pa ako no! Sexy to teh!”--- Ako.
“Kung pwede lang sana noon pa kita pina salvage nung ipinanganak ka eh!”--- Rheycef.
Oh see? Loving na loving friend diba?
“Ouch! Bestfriend ba talaga kita? Sakit nun ah,”--- ako.
“Ouch ouch my ass! Amin na nga yan! Kain ka ng kain! Magdiet ka nga!”--- Rheycef.
Sinubukan niyang kunin sakin ang aking delicious favorite na tortillos pero mabilis akong tumakbo
papalayo sa kanya. Uwaaaa akin lang to no! AKIN LANG!!!
“Hoy at tumakbo ka pang bruha ka hah!”--- Rheycef.
Hinabol niya ko! Ako naman syempre lalong binilisan yung takbo ko.
“Hindi mo ako mahahabol! Softball player ata to no!”--- Ako.
“Ah ganun?!”--- Rheycef.
Naghahabulan kami nang bigla siyang tumigil kaya napatigil na rin ako no, malamang! Alangan namang
magtatatakbo pa ako na parang tanga no! Hindi pa ako baliw para gawin yun no!
May tinitignan siya at sinundan ko naman yung tingin niya. Nabitawan ko yung hawak kong tortillos.
Napako ang tingin ko dun sa dalawang taong magkasama. Si Richard na kaakbay ang new gf niya.
Nagtatawanan pa sila. Nung nawala sila sa tingin ko napayuko nalang ako.
Kinuha ni Rheycef yung tortillas ko sa sahig at tumingin sa akin na nakangiti.
“sa wakas nakuha ko narin! Wag ka nang kakain ng ganito next time hah!”--- Rheycef.
Alam ko namang sinabi niya lang yun para maalis yung sakit na nararamdaman ko pero waepek.
“Sayo nalang yan”--- ako.
Bumalik ako sa upuan naming magbabarkada at napansin naman nila yung pagbago ng mood ko.
“Anyare jan Rheycef? Parang namamatay? Ganyan na ba kaimportante ang tortillas sa kanya? Ibalik mo
na bago pa malagutan ng hininga!”--- Shawyne.
BINABASA MO ANG
Nothing Like Us
RomansaHer life were once miserable and then he came. She learned to accept and forgive. After those trials she went through , she was born again--- the braver but silent one. What will she do when the time comes that truth is hunting her? will she forgive...