FREE UP TRUTH

43 6 1
                                    

Marizz’s POV

*pug*  *pam*  *pag*

Aray naman… natutulog lang nahulog pa sa kama… mukhang maaga pa eh…

Ang aga namang manggising ng tadhana!

Anong oras na ba?napatingin ako sa orasan at sa calendar ko. Nakita kong ang minarkahan kong date na birth day sana ni Angel para gugulatin ko sana siya pero mukhang di na matutuloy.

Maaga pa naman kaya bibisitahin ko nalang sina tita. Siguro naman makakabalik na ako ditto bago pa magising si JK eh. Naligo na ako at nagbihis.

Ginamit ko nalang ang kotse ko dahil hindi pa ako trusted sa mga strangers sa ganitong kaaga. Mamaya meron pang masasamang taong aali-aligid diyan!

I’ve had enough in JK’s island.

Nakarating na ako sa bahay nina Angel. Wala daw sina tita nasa ibang bansa. Pinapasok naman ako ng mga katulong dahil kilala na nila ako.

Kinumusta ko lang sila at tumuloy na ako sa kwarto ni Angel.

Humiga ako sa kama. Ditto ako lagging natutulog pag hindi ako makatulog sa bahay eh… name-miss ko tuloy si Angel.

Nakita ko ang disc sa taas ng apparador niya kaya hinila ko yun. Yun ang favorite song naming simula nung mga bata pa kami.

TWO IS BETTER THAN ONE

Kaya nga yun yung ringtone ko eh… ganun rin ringtone ni Angel. Magkapareho lang kami.

Saktong paghila ko ng disc nahulog ang isang hindi kalakihang kahon at lumabas dun ang mga gamit ni Angel.

Sinimulan ko munang ayusin bago i-play ang disc.


O.O


t-teka….

s-si J-JK ba to?!

Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang picture at tinitigan ng maayos ang lalaking kasama ni Angel sa picture.

Halatang hindi masaya si JK sa picture pero si Angel sobrang saya.


IF I CAN’T HAVE HIM I BETTER DIE THAN LOSE HIM!
I LOVE HIM SO MUCH!
I GIVE ALL MY LOVE BUT WHAT HE GAVE ME BACK IN RETURN?!
A SIMPLE I DON’T LOVE YOU!
I LOVE HIM SO MUCH AND I CAN’T HANDLE MYSELF IF I LOSE HIM!
SORRY MOM AND DAD… TITO… TITA…
MARIZZ… HE LOVE YOU SO DON’T BE CONFUSE… SORRY…


Biglang nagsisiunahang tumulo ang mga luha ko at binitawan ang mga picture nila ni JK.

Bakit si Angel pa JK?! Bakit ang pinsan ko pa?!


“Angel sorry…”sabi ko habang umiiyak.

10 MONTHS HAVE PASSED

Rheycef’s POV

“Ano nanamang nangyare diyan?!”tanong k okay Rich.

Eh pano ba naman kasi eh lasing ulit tong si Karl! Bakit sa tingin niya pagmaglalasing nalang siya palagi babalik si Marizz sa kanya?!

Pero asan ka na ba Marizz? Bakit ba bigla ka nalang nawala?

“why did she left me?”sabi ni JK ng mahina habang inaakay siya ni Rich papasok ng gate niya.

Tinulungan ko nalang siya. Wala ring mangyayare kung sesermonan ko tong si Karl eh… hindi siya sakin nakkikinig kundi kay Marizz lang.

Tinanong ko naa ang mga parents niya tungkol kay Marizz pero ang sabi nila nasa iabg bansa na daw. Pagtatanungin ko kung saang bansa ang palaging sinasabi nila sakin kailangan daw ni Marizz na mapag-isa.

Nothing Like UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon