SPECIAL DAY!!!

85 6 0
                                    

Marizz’s POV

Nag umpisa na ang program. Kasama ko ng ngayon ang dabarkadz pati na sina Jauze, Steve at Jonuel.
Pati na rin sina RJ at Andie…. Nakakatawa pa rin talga si Steve pag meron si kuya Andie.

Pag aakbayan niya si Shawyne tititigan siya ni kuya Andie ng masama kaya matitigilan naman si Steve.
Pulang pula na nga ni Steve dahil sa pagpipigil ng galit eh hahaha….


Naka formal kaming lahat at kasama na rin sa program na to ang parents namin. Kaso wala sina mama at
papa. Nasa ibang bansa pa sila. Dadating lang sila pagdadalawin nila ako. Tahimik lang akong nakaupo sa
gilid ng mesang pabilog. Kaupo ko si RJ.

Napalingon ako kay RJ at nakitang kong kanina pa pala siyang nakatingin sakin.

“Marizz….”--- siya

“w-what?”---- ako

….

“hindi ko pa ba nasasabing ang ganda mo ngayong gabi?”---- siya

Nginitian ko siya…

“ano ka ba kanina mo pa yan sinasabi hah…. Paulit ulit na…”----- ako

“sarap kasing ulitin eh…”--- siya

…..

Oooow natahimik nalang ako…

HANUDAW????

….

Dapat ba akong maflatter o matakot? Ano ba dapat?

“RJ pare baka matunaw na yang si Marizz jan sa titig mo… hahaha!”---- Andie

“kaya nga hahaha!”---- Jauze

Mabilis nalang akong umiwas ng tingin kay RJ…. Parang nag iba ang aura niya ngayon…. Ibang iba kesa
dati…

Uhmmmm…. Ano ba dapat kong gawin?

“yow! Karl ditto!”sigaw ni Steve na nagpagulat sakin.

Mabilis nalang na ininom ko ang baso ng juice ko….

Ramdam ko ang paglapit niya…. I mean NILA….

Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa…. Magkahawak pa sila ng kamay…


Mibilis kong iniwas ang tingin ko dahil baka mahuli pa nila akong nakatingin sa kamay nilang parang
naka-glue na ayaw maghiwalay…

Sana nilagyan nalang nila ng mighty band para hindi na talaga maalis pa! panira sila ng moment! Kainis!


“ang gaganda niyo ngayon…”nakangiting sabi ni Audrea samin.

Nag fake nalang ng smile sina Shwyne at Janz dahil ayaw nilang masira ang moment nila. Si Daim naman
ayun tahimik pa rin na NAGBABASA ng libro niya!!!


Malinaw naman siguro sa kanya na program ang nagaganap ngayon diba? -___-

Pero kita ko ang reaksyon ni Daim.

Aha! Now I know!

Umiiwas lang talaga ng tingin si Daim kay Jonuel. Ano ba naman tong si Jonuel ayaw tigilan si Daim! Well
I can’t blame him kasi ang ganda ganda ni friendship ngayon…. Bagay sa kanya ang red dress niya…

Gusto ko mang kiligin sa kanila pero hindi ko kaya…. Masaya ako kay Daim at may Jonuel pala siya ng di


manlang niya alam….

Sana ako nalang ang na minor amnesia para makalimutan ko nalang ang mga alaalang nagdudulot ng
sakit sakin… sana nga…

Kaso hindi eh…. Eto na nga at buhay na buhay ang mga alaala oh! Kainis!!

Nothing Like UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon