Marizz’s POV
Next day…
Andito lang ako sa room hinihintay si JK kahit na alam kong magkasama nanaman sila ni Audrea. Gaya
nga nang iniisip ko ayan papalapit na sila at magkahawak kamay nanaman. Siguro nagkabalikan na nga
sila. Pero hindipa rin ako susuko…Sabi niya sakin sa birthday ko ILOVEYOU kaya hindi lang ako basta basta titigil!
Pinadaan ko sila sa pinto at umupo na rin ako sa upuan kong katabi ni JK. Magkahawak kamay pa rin sila
habang magkaupo.Hindi ba kayo magbibitawan?!!! O baka naman gusto niyong lagariin ko pa yang kamay niyo!!! Pasalamat
kayo wala akong dalang lagare pero promise bukas magdadala na ako!!!Nilabas ko ang notebook ko sa math at nagreview pero ang totoo si JK ang tinitignan ko.
“Jade sabi nila pag magkahaba daw ang ring finger sila daw magkakatuyan try nga natin..”sabi ni Audrea
at pinagparehas nga ang ring finger nila.Hindi sana magkahaba please lang!! kami lang ang dapat magkahaba!!!
“ay hindi magkahaba?!!”--- Audrea
Totoo ba tong nakikita ko? Medyo napangiti si JK?!
“whatever di na ako maniniwala dun! Hindi naman yun totoo eh!”--- Audrea
Hindi mo lang kasi matanggap na hindi kayo ang para sa isa’t isa at kami.
“Jade tara ulit sa ice cream shop mamaya hah.. ang sarap ng ice cream nila dun!”--- Audrea
Nagpaparinig ba siya?! Kanina pa malakas ang boses eh! Kainis!“masarap ba? Pwede ba akong sumama?”--- ako
“p-pwede naman..”--- Audrea
Sa boses palang halata nang napilitan lang siya sa sinabi niya!
“sige ba sasama ako mamaya heha”--- ako
“isama mo na rin si Raul..”--- Audrea
Aba at talagang pinasama pa si RJ! Ano yung para pares pares at si JK ang kapares niya?!! kainis!!
Nag time na kaya pumasok na lahat ng classmate naming. Himala late sina Steve at Shawyne. Ang
pinakanakakabigla eh umupo si Steve sa dati niyang upuan at di sila nagpalit ni Jauze ng upuan yun tuloy
kawawa si Jauze hindi kaupo si Janz.Tahimik lang si Sahwyne. Tinignan ko si Daim at dati rati parin nakatingin sa book na binabasa niya pero
binabasa niya nga ba? Eh paminsan minsang tumitingin kay Jonuel eh! Haaay love nga naman…Buti nalang dumating ang teacher kaya binitawan na ni Audrea si JK! Salamat naman! Nakakalahati na
kami ng discussion pero hindi ko pa rin maalis ang tingin ko sa kamay ni JK. Miss ko nang hawakan ang
kamay niya.Miss ko na ang pakiramdam pag kasama ko siya. Miss ko na ang mahawakan ang kamay niya. miss his
KISS??? I miss all of him…Pasimleng umurong ako palapit sa kanya kaya nagkadikit ang balikat namin.
Marizz ano naman tong ginagawa mo?! Ikaw na ang gumagawa sa moves ng mga guy hah! Dati rati sayo
ginagawa ang mga yan ngayon ikaw naman ang gumagawa!Nakatulog naman siya diba? Kaya pwedeng pwede mo na rin siyang hawakan! Di niya rin naman
malalaman eh! Sige na! gawin mo! Miss mo na rin naman siya eh! Go na! kaya mo yan! Eh ano naman
ngayon kong ikaw ang gumagawa ng ganyan?!Paki ba nila?!!
Tama nga naman… medyo gumalaw siya kaya nahulog ang kamay niya.
*lunok*
![](https://img.wattpad.com/cover/27903389-288-k772053.jpg)
BINABASA MO ANG
Nothing Like Us
RomanceHer life were once miserable and then he came. She learned to accept and forgive. After those trials she went through , she was born again--- the braver but silent one. What will she do when the time comes that truth is hunting her? will she forgive...