Past Repeat Itself

73 7 0
                                    

Richard’s POV

Maaga akong pumasok sa school dahil ayaw kong makita si Rheycef. Magkaharap lang kasi ang bahay 

namin. Palakad-lakad lang ako sa paligid hanggang sa napagdesisyunan ko nang pumwesto sa puno sa 

oval.

RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!!!

Tumayo na ako dahil magsisimula na ang klase. Dumaan na ako sa likuran ng hall para short cut.

BOGSH!

Napaharap ako sa likuran ko. Sino ba ang nambabangga?! Sa likuran ko pa! isang babae na umiiyak? 

Anyare sa kanya?

Tumayo siya na parang nagmamadali pero nakayuko ayaw atang ipakita yung mukha niya.

“are you okay?”tanong ko.

Tumingin sakin yung babae. Si Rheycef pala… bakit naman ganito itsura niya?

“bat ka… umiiyak?”tanong ko.

“ikaw! Kasalanan mo lahat! Ikaw ang gumawa nito sakin!”umiiyak na sigaw niya at tumakbo palayo.

Natulala nalang ako. Yung pangyayaring yon…. Naulit…ulit???

~FLASHBACK~

Naglalakad lang ako sa corridor habang naka headset kasi boring. First week ko pa ditto sa school kaso 

marami nang masasamang nangyare tulad nung pagpapakita ulit ng Jessa na yun. nakakairita siya!

BOGSH!

At sino naman tong bumangga sa likuran ko?! nagpapapansin nanaman ba?! Hinarap ko siya. Umiiyak 

pala.. dali-dali siyang tumayo pero umiiyak parin.

“are you okay?”tanong ko.

Tumingin sakin yung babae. Si Jessa pala… bakit naman ganito hitsura niya? anyare?

“bakit ka… umiiyak?”tanong ko.

“ikaw! Kasalanan mo lahat! Ikaw ang gumawa nito sakin!”umiiyak na sigaw niya sakin at tinulak ako 

bago tumakbo palayo.

Problema nun? Pano ko naman nagging kasalanan na umiiyak siya? Wala nga akong ginagawa eh. Baliw 

na ata yun eh!

~END OF FLASHBACK~

Ang dahilan pala na umiiyak siya dun kasi sinaktan siya nung mga babaeng habol ng habol sakin. 

Nakatulala parin ako dun. Si Jessa nanaman ang iniisip ko.

Nothing Like UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon