Chapter 7: True Colors

67 4 0
                                    

Kinabukasan ay agad na hinanap ni Anndrei si Tyrone. Di kasi ito nagpakita sa kanya ng last pedriod. Nag hintay pa man din siya. Ni text o tawag ay walang dumating sa kanya mula dito. Maski nung nasa bahay na siya hanggang sa mag umaga na at pumasok siya. Walang paramdam ito.

Sa katunayan dapat ay magdiwang siya dahil mukhang tinigil na nito yung usapan nila pero parang may nag sasabi sa isip niya na dapat ay tulungan niya ito sa kung anong problemang meron ito.

Habang nag hahanap siya dito ay may humarang sa dinadaanan niya. Kilala niya ang mga babaeng ito. Kilala din itong mga ito sa larangan ng cheerleading. Ito ay si Juliana Daquis kasama ang mga alipores nito na sina Lei at Gyn.

"Hi Anndrei." Bati sa kanya ni Juliana.

Mukhang di maganda ang pakay nito sa kanya. Masama kasi kutob niya dito. Alam niya kasing marami na itong nakabanggang mga kapwa nila estudyante. Kaya hanggat maaari ay iniiwasan ito. Kilala din ang pamilya nito. Laging nasa pahayagan o balita ang mga magulang nito.

"Mukhang may hinahanap ka." Pagsisimula nito.

"Ah oo. So kung maaari padaanin niyo ako. Talagang nagmamadali ako." Pakiusap niya dito at tangkang lulusot siya sa mga ito. Ngunit hinarang ng mga ito ang dadaanan niya.

"Oh common girl. We are willing to help you. Ano ba hinahanap mo?" Tanong naman sa kanya ni Lei.

"Sabihin mo lang baka makatulong kami." Sabi naman no Gyn.

"Ah. Salamat na lang pero nagmamadali talaga ako." Sabi niya dito.

Tinangka niyang makalusot sa mga ito pero muling humarang si Juliana.

"Ano ba kasi hinahanap mo. Or baka naman SINO ang hinahanap mo?" Nakangising sabi nito.

"Sa tingin mo ba di ko nahahalata ang mga pabebeng gawain mo?" Dagdag pa nito

"H-hindi kita maintindihan? Ano atraso ko sayo?" Naguguluhang tanong niya dito.

"At nagmamaang maangan ka pa." Bulyaw nito sa kanya.

"Girl, sabihin mo na kaya. Mukha kasing di nagana ang isip ni ate girl." Sabi naman ni Gyn.

"Oo nga. Sa nakikita ko wala siyang pinagkaiba sa slow na internet ng public school." Pambubiwisit pa ni Lei.

"Si Phytos. Layuan mo siya. Di kayo bagay. I heard na sinabi niya na ikaw daw ang future girlfriend niya. So if I were you, back off." Pandidilat nitong sinabi at umalis na ito sa harapan niya.

Nagulat man pero iiling iling siya sa nangyari. Bakit ako sinisisi nito. Si Phytos ang kausapin nito hindi ako. Dahil di ko naman gusto ang lalaking yun.

Muli ay naalala niya si Tyrone. Hinanap niya ito. Buti na lang dalawang vacant ang meron sila sa araw na iyon at magkasunod pa. Sa basketball court, canteen, at classroom ay wala ito. Maski sa library nag baka sakali siya na nandun ito. Kaso wala.  Habang lulugo lugong naglalakad ay bigla siyang may naalala. Baka nasa Music Room ito. Dali dali siyang bumalik sa pinanggalingan at hinanap ang Music Room.

Pinuntahan niya ang mismo at eksaktong lugar kung saan siya pinapunta nito dati. Yun nga at tumpak. Nandito nga si Tyrone. Hawak na naman nito ang violin. Tinutugtog nito ang awiting na tinugtog niya dati nang minsang makita niya ito doon.

Maya maya lamang ay natapos ito. Halatang di pa siya napapansin nito kaya naman pumalakpak siya para kunin ang atensyon nito. Nagulat pa ito nang makita siya doon.

"Anong ginagwa mo dito." Tanong nito sa kanya.

"Ano pa nga ba? Eh di gagawin ko yung usapan natin." Sagot naman niya dito.

"Kalimutan mo na yun." Malamig nitong sagot.

Nagtaka man siya ay tiningnan niya ito nang maigi.

"May problema ka ba? Kung meron man baka makatulong ako." Sabi niya dito.

Napatingin ito sa kanya at iiling iling na inililigpit ang violin nito.

"Alam mo bakit di ka sa Music and Theater Club sumali. Malay mo dun ka mas matanggap." Encourage niya dito.

"Sinasabi mo ba na di ako pwede sa Basketball?" Tanong nito sa kanya.

"Hindi naman sa ganun. Teka nga wag mo ngang masamain ang sinasabi ko. Sinasabi ko lang kung saan ka siguro pwede mag exel. Since marunong ka naman tumugtog. Bakit di mo i-try.?" Mahabang litanya niya dito.

"Ayoko. Di naman ako kagalingang tumugtog." Sabi nito.

"Oy hindi ah. Galing mo kaya. Sa totoo nga eh gusto ko nga laging makinig ng tugtog mo eh." Nakangiting sabi niya dito.

Napalingon ito sa kanya at tila inaarok nito ang mga sinabi niya.

"Saka alam ko naman na mabait kang tao. Medyo masungit pero alam kong di ka masama. Kaya kung ako sayo sumali ka na sa Music and Theater Club." Pag eenganyo niya dito.

Iiling iling ito sa kanya at tila parang natatawa sa mga sinabi niya.

"Ayan! Ngumiti ka rin sa wakas!" Natutuwang saad niya dito.

"Tyrone." Tawag niya dito.

"Bakit?" Lumingon ito sa kanya.

"Ahm. Pwede ba kitang makilala pa? Let's just be friends? F-friends?" Nahihiyang tanong niya dito.

Napatingin ito sa kamay niyang nakalahad at tinitigan nito iyon.

"Don't worry wala akong germs. Malinis yan." Pagbibiro niya dito.

Nakangiting kinamayan din siya nito. Sabay silang lumabas ng Music Room. Habang naglalakad ay nagkwentuhan sila. Minsan napapangiti niya ito at napapatawa. Sarap pakinggan ang tawa nito. Gumugwapo tuloy ito lalo sa paningin niya. Napapailing at natatawa siya sa sarili. Napatunayan niya lang na mabait ito ay di naman sobrang sungit kung anu-anong naiisip niya dito.

Sa buong araw na iyon ay mas nakilala niya si Tyrone Cha. Bagay talaga dito ang nakangiti. Para itong artista sa sobrang kinis at puti nito dahil siguro rin na nanggaling ito sa Korea.

Lumilipas ang mga araw at mas lalong naging matatag ang kanilang pagkakaibigan. Medyo may alam na ito sa kanya at siya naman meron din naman kahit papaano. Minsan isinasama niya ito sa lakad ng mga kaibigan niya. Kaso ito rin ang nagkusa di sumama. Puro mga babae kasi mga kaibigan niya. Oo nga naman mao-OP ito dahil pano kapag nag girl talk sila. Hindi ito makakarelate.

Kaya minsan iba lakad niya kapag kasama mga kaibigan niyang babae at iba rin ang lakad niya kapag ito ang kasama niya. Minsan nga gusto niya itong ipakilala sa Mommy niya at Kuya niya para naman malaman ng mga ito na may bago siyang kaibigan tulad ni Tyrone Cha.

I Don't Wanna Miss A Thing (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon