Chapter 29: Anndrei Kimberly Cha

47 5 0
                                    

"You may now kiss the bride." Ani ng pari na nagkasal sa kanilang dalawa. Napuno ng palakpakan ang loob ng simbahan nang halikan siya ni Tyrone na ngayon ay asawa na niya. Matapos ang tagpong iyon ay tumakbo silang mag asawa palabas ng simabahan habang sinasabuyan sila ng mga bulaklak paglabas nila.

Agad na nagpaalam sila sa mga ito na mauuna na sila sa reception at susunod na ang mga ito. Nang sapitin nila ang reception ay nandoon na kaagad ang iba nilang bisita. Naroon na ang mga kasamahan niya sa Digital Studio na sina Boss Ian, Macy, Obet, at iba pa. Habang ang nandoon din ang manager ni Tyrone sa Korea at mga kasamahan nito sa boy group na talagang pinagkakaguluhan ng mga babae doon. Nagulat din siya dahil nandoon si Eun Hee at kinamayan siya nito. Naalala niya pa na selos na selos siya dito yun pala walang namamagitan dito at kay Tyrone.

Napagpasyahan nilang maupo sa tapat ng gitna ng table. Katabi ni Tyrone ang mga magulang nito at siya naman ang mga magulang niya. Madaling nagkapalagayan ng loob ang kani kanilang mga magulang. Hanggang sa dumating na iba pang mga bisita. Nang dumting si Margaux ay niyakap niya ito. Isa kasi ito sa mga abay niya gayun din si Sophia at Zoe. Sa wakas at napilit niyang mapauwi sa Pilipinas ang dalawa. Dahil tinakot niya ang mga ito na itatakwil niya ang dalawa kapag di ito dumalo sa kasal niya.

Sa di kalayuan ay nakita niya ang kanyang kuya na titig na titig ito kay Sophia. Kaya naman nilapitan niya ang kanyang kapatid para i-cheer ito na lumapit kay Sophia. Nasa ganoon siyang pwesto nang yakapin siya mula sa likod ni Tyrone.

"I love you." Anito.

"I love you too." Aniya naman niya.

"Inom lang kami ng mga kaibigan ko." Paalam nito sa kanya na siyang ikinatawa niya dahil nag papaalam ito sa kanya na iinom ito kasama mga kaibigan nito.

"Basta wag pakakalasing." Aniya dito.

"Oo naman. Magtutuos pa tayo mamaya eh." At binigayan siya nito ng nakakalokong ngiti sabay kindat. Saka ito pumunta sa mga kaibigan. Kinabahan siya para mamaya. Pero excited din siya dahil first time niyang makakatabi si Tyrone. Kaya para mawala ang kaba ay nakipag kwentuhan siya sa mga kaibigan niya.

"Akala ko talaga di kayo sisipot sa kasal ko. Buti na lang kahapon kayo dumating." Aniya sa mga kaibigan.

"Sus. Kami pa?" Ani ni Sophia.

"Naku! Magtigil ka nga. Kundi pa namin kayo kinulit di talaga kayo uuwi." Ani naman ni Margaux.

"Wait. Ako uuwi talaga ako." Pagdepensa ni Zoe.

"Aba eh dapat lang nu. Ilang taon kang nawala." Aniya dito.

"Isa lang naman kasi yung walang balak umuwi dito. Mukha kasing may iniiwasan." Panunukso naman ni Margaux kay Sophia.

Napalingon siya sa gawi ng kuya niya. Hayon at may kausap na kaibigan pero panay ang lingon sa pwesto nila.

"Tumigil nga kayo." Ani ni Sophia.

Nang matapos ang kasiyahan ay nagsipag uwi na ang mga bisita sa kani kanilang mga bahay. Nilapitan sila ni Tyrone ng kani kanilang mga magulang at nagbigay ng paalala ang mga ito. Maya maya lamang ay nag paalaman na sila. Sumakay sila ni Tyrone sa bridal car at inihatid sila sa condo unit ni Tyrone sa Makati. Habang papasok sila sa kwarto ay buhat buhat siya ng kanyang asawa.

"Humanda ka ngayon Mrs. Anndrei Kimberly Cha. Matitikaman mo ang bagsik ko ngayon." Anito sa kanya na siya namang ikinapula ng mukha niya.

Hindi talaga siya makapaniwala na kasal na sila ng taong mahal niya. Nang sapitin na nila ang tapat ng kwarto ay mas lalong kumabog ang dibdib niya.

"Oh no. Eto na po." Aniya sa isip.

Pagkapasok nila sa loob ay isinara na nito ang pinto gamit ang paa dahil buhat buhat siya nito. Pagkatapos ay inihiga siya sa kama. Mas lalo siyang kinabahan nang i-lock nito ang pinto
Pagkatapos ay humarap sa kanya ito at binigyan siya nang nakakalokong ngiti. Lumapit ito sa kanya habang nasayaw sayaw pa sabay sa pag tanggal nito ng damit pang itaas. Napapikit siya dahil makikita niya itong hubad. Nang nakaboxer na lamang ito ay pinatay na nito ang ilaw at pinuntahan siya nito sa kama na siyang ikinatili niya.

"Wag diyan! May kiliti ako diyan!" Tili niya.

Kinabukasan ay nagising siya sa sikat ng araw na tumatama sa mukha niya. Paglingon niya sa katabi niya ay nandoon ito at tinititigan siya.

"Good morning mahal." Anito.

"Good morning din mahal." Aniya saka hinalikan siya nito.

"Tara, kain tayo. May niluto akong almusal. Napangiti siya dahil ginagampanan na nito agad ang pagiging asawa sa kanya. Nariyan ang sinusubuan siya nito. Tapos hahawakan nito ang kamay niya. Sasabihin sa kanga ang mga katagang I love you na siya namang ikinakikilig niya.

Nasa kalagitnaan sila ng pagkain nang sabihin nitong sa Europe sila maghahoneymoon. Nakaready na daw ang passport nila. Inihanda na pala nito iyon one week before ang kanilang kasal. Kaya bukas na bukas ay lilipad na sila patungong Europe.

Pagakatapos kumain ay umupo sila sa terrace ng condo. Mula sa kinauupuan ay tanaw na tanaw nila ang kabuuan ng lungsod. Habang nakaupo doon ay may tinanong ang kanyang asawa.

"Ilan ang gusto mong maging anak?" Anito.

"Ikaw muna. Ilan ba gusto mo?" Aniya dito.

"Gusto ko kasi sana isang buong basketball team." Anito na ikinagulat niya.

"Ang dami nun ah!" Sabay tampal niya dito sa braso.

"Hindi. Joke lang. Kung ilan ang ibigay sa atin ng Diyos ay ok lang sa akin. " Anito saka niyakap siya.

"Napakasaya ko dahil ikaw ang napangasawa ko. Wala na akong maihihiling pa." Anito sa kanya.

"Ako din naman Tyrone. Walang pasidlan ang kasiyahan ko dahil sa wakas makakasama kiya habangbuhay." Sabi niya dito.

"Sana maging aral sa atin ang mga nangayari sa atin sa nakaraan upang sa hinaharap mas lalong tumibay pa ang ating pagsasama." Habol pa niya dito.

"Ikaw ang pinakasalan ko. Sayong sayo lang ako. Wala nang iba pang makakakuha nito maliban sayo." Sabay halik sa kanya at binuhat siya pabalik sa higaan. Mukhang mapapalaban na naman sila sa isang digmaan.

I Don't Wanna Miss A Thing (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon