Tumagal pa ang kanilang relasyon ni Tyrone. Tatlong buwan, limang buwan, sampung buwan, isang taon, dalawang taon ngunit parang iisa parin ang takbo ng relasyon nila. Parang di lumalago, parang napaka plain.
Umaga iyon at anniversary nila ni Tyrone. Wala pa siyang natatanggap na text o tawag man lang dito. Nakakapagtaka na nakalimutan ata nito ang espesyal na araw sa kanilang dalawa. Siguro ay busy lamang ito sa training or nasa school ata ito. Wala siyang klase nang araw na iyon. Yun ang kagandahan dahil makakapagcelebrate sila ng monthsary nila, tatawagan o itetext na lamang na pumunta ito sa isang restaurant mamayang alas singko ng hapon.
Dahil wala naman siyang gagawin ay nagpunta siya sa parlor na kadalasang pinupuntahan ng Mommy niya. By the way alam ng mga magulang niya na may boyfriend siya kahit tutol ang kanyang ama ay pinaliwanagan nito ng kanyang ina.
Nasa parlor siya ng time na yun. Gusto niyang maging maganda sa paningin ni Tyrone para naman kahit paano kapag magkasama na sila mamaya ay malimutan muna nito saglit ang tungkol sa magandang takbo ng career nito, na walang ibang mahalaga sa araw na iyon kundi ang meron sila. Third anniversary ng kanilang relasyon ngayon. It is a Valentine's Day din. Ito rin ang araw kung saan naging sila.
Kaya naman gagawa siya nang paraan masorpresa lang ito. Pero naisip niya isang beses lang siya nito masorpresa nung unang taon nila bilang magboyfriend. Pero wala kaso sa kanya iyon. Matapos magpaayos ng buhok ay nagpamanicure at pedicure na din siya. After that nagpabody scrub na din siya para all out ang maging kagandahan niya.
Matapos sa parlor na iyon ay dumeretso naman siya sa mall upang mamili ng damit na susuotin mamaya. Talagang excited siya. Pumili siya ng bestidang pula. Since Valentine's Day naman magpupula siya. After niyang makapamili ng susuotin ay napag isipan niyang ibili ng regalo ang mga magulang niya, kuya niya at siyempre si Tyrone.
Pumunta siya sa section ng mga pambabae sa Department Store. Nakakita siya ng isang pares ng hikaw. Alam niyang mahilig sa Jade ang kanyang ina. Kaya ginamit niya ang credit card na regalo ng kuya niya sa kanya dahil nagtatrabaho na ito ngayon kaya siya nabigyan.
Pagkatapos nun ay sa Mens Section siya dumeretso. Pumili siya ng necktie para sa kanyang ama. Kulay aqua blue ang napili niya para dito. Alam niya kasing wala pang ganoong kulay na necktie ang kanyang Daddy. Kaya kinuja niya iyon. Pagkatapos ay naghanap naman siya ng para sa boyfriend niya. Ngunit wala siyang makita. Gusto niya kakaiba ang regalo para dito.
Sa kakaikot sa mall at napadpad siya sa isang bookstore. Pumasok siya doon, nakita ang isang notebook. Notebook na medyo may kalakihan. Para itong sulatan ng para sa mga nagkocompose ng kanta. Di niya alam kung ano ang tawag dito. Matagal na niyang di nakikita si Tyrone na nagsusulat ng kanta kaya ito ang napili niyang regalo para dito.
Matapo makapamili ay nagdesisyon na siyang umuwi at dumeretso sa kwarto. Mahirap na baka makita pa ng kanyang mga magulang binili niyanpara dito. Pagdating sa kwarto ay agad niyang binalot sa isang wrapper ang mga pinamili niyanh regalo. Naisip niya saka na niya bibigyan ng gift si Sophia at Margaux. Busy kasi ang mga ito sa pag aaral. Madalang na silang magkita kita.
Nang maibalot na niya ang mga regalo ay napagdesisyunan niyang maligo na para fresh siya mamaya. Bago pumasok sa banyo sinipat niya ang orasan. Nasa ala una y mediya na ng hapon. Pagkaligo niya at pagkabihis ay ibibigay na niya ang mga regalo sa mga ito. Pumasok na siya sa banyo at naligo na.
Pagkatapos maligo ay nag ayos na siya ng kanyang sarili. Mula sa make up, sa hairstyle niya, sa damit niya, hikaw, pulseras, hanggang sa heels niya ay ginayak na niya ang sarili. Gandang ganda siya nang pagmasdan niya ang kanyang repleksyon sa salamin. Matapos makapag ayos ay dinala na niya ang mga regalo. Sakto at nasa ibaba ang mga ito. Pagbaba niya ay bigla siyang humalil sa ama at ina niya at ibinigay niya ang kanyang regalo. Nagulat man ang mga ito ay binuksan nito iyon.
BINABASA MO ANG
I Don't Wanna Miss A Thing (Series 1)
Storie d'amoreAng sideline ni Anndrei ay ang pagiging isang photographer. Bata pa lamang siya ay ito na ang kanyang nakahiligan. Kaya kahit iba ang natapos niyang kurso ay ipinagpatuloy niya ang kanyang hobby. Nagkaroon siya ng isang malaking raket na reto ng kan...