Chapter 24: Forbidden Love

43 2 0
                                    

Matagal na naghinang ang kanilang mga labi. Nadarang siya sa halik nito kung kayat tumutugon siya sa bawat halik nito sa kanya. Naging malikot ang kamay nito, bawat haplos nito ay ramdam niya ang init ng katawan nito. Ang hininga nito na ramdam niyang napakabango na siyang bumubuhay sa kanyang pagkatao. Di niya alintana ang lamig ng hangin na nanggagaling sa karagatan. Akmang bubuhatin siya nito nang biglang nag sink in sa utak niya na ikakasal na ito, kaya dagli ay naitulak niya ito.

"What?" Tila naguluhan ito sa ginawa niyang pagtulak.

"Mali ito. Mali itong ginagawa natin." Aniya dito at tumayo siya para bumalik sa kwarto ngunit hinaltak nito ang kamay niya upang mapabalik dito. Muli ay siniil siya ng halik at pagkatapos nun ay niyakap siya nito.

"Matagal akong nangulila sayo. Ngayong nakita na kita di na kita pakakawalan pa." Anito sa kanya na siyang ikinagulat niya at itulak ito palayo.

"Mahal mo ako? Paano si Eun Hee? May masasaktan tayo." Aniya.

"Hindi ko itutuloy ang kasal. Wala akong pakialam kung masira ang career ko. Ang mahalaga makasama kita. I love you Anndrei. Sabihin mong mahal mo din ako." Anito sa kanya.

"Tyrone. Alam ko kung paano masaktan. Ayoko mangyari yun kay Eun Hee lalo pa at ako ang magiging dahilan ng paghihiwalay niyo. So please. Ituloy niyo na lang ang kasal niyo. Masaya na kayo eh. Masaya na din ako. Ok na ako." Naluluha niyang sabi dito.

"Hindi. Hindi. Ikaw ang gusto ko. Ikaw ang mahal ko. Lahat nang meron ako ginawa ko para sa iyo. Para pagdating ng panahon ay maipagmamalaki mo ako." Anito.

"Tyrone. Please. Ngayong nalaman ko na ang reason mo. Pinapatawad na kita. Malaya na ang puso ko sa galit. Pero hindi tayo pwedeng maging tayo. Dahil may kayo na." Aniya sabay halik dito sa labi at bumalik na sa kwarto. Naiwan niya itong tulala sa daang tinahak niya.

Kinabukasan ay kakaibang awkwardness ang namagitan sa kanila. Wala ni isa man sa kanila ibig mag salita. Natapos ang buong araw na iyon nang walang usapang nangyayari. Makalipas pa ng dalawang araw ay dumating na ang kanilang mga kasamahan.

"Kamusta?" Tanong ni Macy sa kanya.

"Ayos lang." Aniya.

"Nag usap kayo?" Tanong pa nito.

"Oo. Ok na kami. Napatawad ko na siya." Aniya at tumango tango lamang ito.

Nang makapagpahinga ang mga kasamahan nila ay agad na nilang inumpisahan ang photoshoot. Habang kinukuhanan niya ng litrato sina Tyrone at Eun Hee ay di niya maiwasang mainggit. Sana ay siya na lang nasa posisyon ni Eun Hee ngunit hindi na mangyayari iyon dahil kailanman ay wala nang pagakakataon na maibalik pa ang nakaraan. Hanggang alaala nalang ang mga iyon.

Nang matapos ang photoshoot nang araw na iyon ay naupo siya sa tabi ng niyog kung saan may upuan doon na yari sa kawayan. Tinitingnan niya si Tyrone na nakangiti habang kasama si Eun Hee. Para sa kanya sapat na nakikita niyang pinupunan ni Eun Hee ang mga bagay na dapat nagawa niya noon kay Tyrone. Nasa ganoong siyang posisyon nang may tumabi sa kanya.

"Hi. Pwedeng tumabi?" Tanong ng isang lalaki.

"Yeah. Sure." Pag payag niya at umisod siya para makaupo ito. Napansin niyang gwapo ito, moreno, medyo may tumutubong balbas sa mukha nito pero bumagay naman dito. Makapal ang kilay nito at maitim ang mata nito na talagang bumagay dito. Lalaking lalaki itong tignan.

"Gwapo ko nu?" Anito na siyang ikinagulat niya dagil napatagal pala ang pagtitig niya dito. Napahiya naman siya sa nangyari.

"I'm Lucio." Pagpapakilala nito sabay lahad ng kamay.

"Anndrei." Aniya.

"Wow. Very masculine yung pangalan. Pero unique." Anito.

Maya maya lamang ay nakagaanan na niya ng loob ito dahil sa mga joke nitong binibitawan. Makwela ito. Hindi na nila napapansin at napakalakas na ng mga tawa nila hanggang sa may bumasag ng mga sandaling iyon.

"Anndrei." Tawag sa kanya ni Tyrone. Kita niyang magkasalubong ang mga kilay nito animo ay di ito natutuwa sa mga nakikita.

"Pare. I'm Lucio nga pala." Nakangiting pagpapakilala ng katabi niya dito. Ngunit tiningnan lamang nito iyon at binalingan siya.

"Oras ng trabaho. Nandito tayo para sa trabaho hindi para makipagkwentuhan sa kung sino." Masungit nitong pahayag sabay alis.

"Oh. That's rude. Boyfriend mo? Mukhang nagselos." Natatawang sabi nito.

"Hindi ah. Client lang namin yan." Aniya.

"Oh. But I think I'm right. Nagseselos yun. May gusto yun sayo." Anito.

"O siya pano una na ako." Aniya.

"Wait. Can I get your number?" Anito.

"Ok. Eto." Aniya saka ibinigay ang numero dito. Matapos makapagbigayan ng number ay bumalik na siya sa site.

"Sino ba yun?" Ani ni Tyrone na talagang di ito natuwa sa nakita kanina.

"Ah. Bagong kakilala. Si Lucio." Aniya dito.

"Alam ko. Kasasabi niya kanina. Siya si Lucio. I mean, bakit mo siya kinakausap?" Anito.

"Eh bakit hindi? Mabait yung tao. Nakipag usap ng maayos. Nakipag kaibigan natural pakikisamahan ko ng maayos." Aniya dito.

"May gusto sa iyo yun. Interesado siya sa iyo." Naiinis nitong sabi.

"So? Eh ano naman kung may gusto siya o wala sakin? Single naman ako." Aniya dito.

"Single?" Naiinis nitong sabi.

"Oo. Single ako. B-bakit? May problema? Kung manligaw man siya eh di ieentertain ko." Aniya pa dito.

"Paano naman ako?" Sabi nito.

"Huh? Paano ka? Eh di ba may Eun Hee ka? Ikakasal ka naman pati." Sabi niya na siyang ikilukot pa lalo ng mukha nito.

"Di ba sabi ko sayo mahal kita? Handa ako---" naputol ang sasabihin nito nang biglang dumating si Eun Hee.

"Honey. Tara na at mag gayak na tayo." Anito sabay hila dito.

Nang makaalis ang mga ito ay nakahinga siya ng maluwag. Ang hirap pala magpanggap ng ok ka lang. Natutuwa siya sa kaalamang nag seselos ito dahil may lalaking lumalapit sa kanya pero alam naman niyang di pwedeng maging sila nito dahil ikakasal nga ito. Nang araw ding iyon ay nag gayak na siya ng mga gamit niya bilang pag hahanda sa muling pag babalik niya sa Manila. Namiss niya ang lungsod.

Nang nasa pantalan na sila ay sinadya niyang sumama sa mga staff niya para walang pagkakataon si Tyrone na makatabi siya para pagdating sa Batangas Port ay madali para sa kanya na mauna nang umuwi. Nang nasa Port na sila ay nakiusap si Macy na sabay na sila umalis at ipapasabi niya na lang kina Celine na nauna na sila ngunit si Macy ay nakaramdam ng tawag ng kailakasan kaya nagbanyo muna ito. Ok lang sa kanya dahil wala pa naman ang bangkang sinakyan nina Tyrone.

Habang naghihintay sa tapat ng CR ay biglang may humila sa kamay niya hinila siya papuntang parking area. Akala niya ay snatcher ito ngunit nakilala niyang si Tyrone ang humila sa kanya. Nagulat siya dahil alam niyang mas nauna silang dumating sa port kesa dito.

"T-teka. San mo ako dadalhin? Kasabay ko si Macy." Aniya ngunit di siya pinapansin nito. Tuloy parin ito sa paghila sa kanya.

"Ano ba? Masakit ah!" Naiinis na sabi dito. Ngunit bigla itong pumihit sa kanya upang tingnan ang kamay niya.

"Masakit ba?" Anito sabay halik sa kamay niya. Nagulat siya dahil parang nahipnotismo siya sa ginawa nito.

Nang sapitin nila ang kinapaparadahan ng kotse nito ay isinakay siya nito sa passenger seat at ito ay sa drivers seat. Takang taka siya kung bakit umaakto itong parang mag jowa sila samantalang may babaeng pakakasalan ito.

I Don't Wanna Miss A Thing (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon