Chapter 5: Cabezas Family

79 4 0
                                    

Ernesto Cabezas ang name ng Daddy niya. Isa itong successful na CPA sa lugar nila. Di naman sila kayamanan pero di naman kahirapan. Kaya lang nila makipag sabayan sa ibang tao sa lugar nila na pulos mayayaman. Ang Mommy naman niya ay si Beatrice Cabezas. Mapagmahal ito. Masipag at maalaga. Sa katunayan, Mommy niya talaga ang nakakaangat sa buhay hindi ang Daddy niya.

Anak kasi nang kilalang pamilya si Mommy. Isa kasing tanyag na Engineer ang Lolo Fernan ko. Dahil sa mahal na mahal ng Mommy ko ang Daddy ko, pinili nito ang simpleng buhay kasama si Daddy. Kaya walang nagawa pa ang Lolo Fernan ko. Unlike my Mom. Ang Daddy ko ay ulilang lubos. Sinikap nitong makaahon sa kahirapan. Lalo na nang makilala nito ang Mommy ko. Talagang di siya nagpadaig sa ibang mga lalaki na nagkakagusto sa Mommy niya. Sa hulinay nakamit nito ang matamis na oo. Kaya lalong nagsumikap ito at mahabang panahon nito pinagtrabahuhan ang pagtanggap ng Lolo ko.

Minsan sinisisi ko ang Lolo ko dahil siya ang dahilan kung bakit matigas ang puso ni Daddy. Lagi bang nasa isip ni Daddy na dapat kaming magkapatid ay magaling. Di nauunahan. Kaya nga madalas napapagalitan ako. Di gaya ng kuya ko. Magaling. Ika nga ni Daddy. No pain, no gain. Yun lagi madalas sabihin samin ni Kuya.

Si Kuya naman. Siya si Eros Kenneth Cabezas. Matangkad, moreno, gwapo, matalino, magaling mag basketball at higit sa lahat habulin ng mga babae. Minsan nga naririndi na siya sa mga babae na gustong makilala si kuya. Ewan ko ba kung ano nakita nila kay Kuya. Pero infairness nga naman talaga kay Kuya never siyang nagpaiyak ng mga babae.

Pagsapit niya sa bahay ay nakita niyang nakahain na ang hapunan nila. Ginabi kasi siya ng dating dahil trapik sa EDSA. Paniguradong lalong bad trip ang Daddy niya sa kanya.

"O anak, halika na dito. Kakain na tayo." Anyaya ng Mommy niya.

"Manang, pakitawag si Eros at kakain na kamo." Utos ng Mommy niya sa kasambahay nilang si Manang Emy.

Maya maya lamang ay nasa hapag na sina Daddy at Kuya Eros. Tahimik ang buong durasyon ng hapunan. Di nakatiis ang Mommy niya at binasag ang katahimikan.

"Honey. Naisip ko na magtayo ng negosyo para naman mag pinagkakaabalahan ako." Sambit ni Mommy kay Daddy.

"Anong negosyo?" Seryosong tanong ng kanyang ama.

"Coffee Shop. Alam mo kasi honey matagal ko na talaga gustong itayo yun. Kaso nga lang wala pa akong puhunan." Sagot naman ng Mommy niya.

"Bakit may capital ka na?" Tanong ng ama niya ulit.

"Oo honey." Nakangiting sagot ng Mommy niya.

"Ok. Ikaw bahala. Susuportahan kita." Sagot naman ng ama niya.

Nakangiting binalingan ng Mommy niya ang Kuya Eros niya.

"Anak. Kamusta na pag aaral mo? Nakakatampo ka dahil di ka na nagkukwento." Sambit ng ina niya sa kuya niya.

Nakangiting sumagot ang kuya niya na. "Ayos lang Mom, sa katunayan di naman ako nahihirapan sa mga lessons. Saka nasa Second year College 1st Sem na ako ngayon pa ba ako mahihirapan?" Pagbibida ng kuya niya.

"That's good." Sabi ng ina niya.

"Ikaw Anndrei how about your schooling?" Tanong sa kanya ng Mommy niya.

"Ahm. Ok naman po Mommy. Sa katunayan nga po sumali ako sa isang Photography Contest sa school sana nga palarin ako." Sagot niya sa ina.

"Di iyan ang gusto kong marinig." Sagot ng ama niya.

"Honey. Ok naman na sumali si Anndrei sa contest. Magagamit niya ang talent niya sa pagkuha ng litrato." Pagtanggol sa kanya ng ina niya.

"Beatrice, kahit sino kaya ang ginagawa niya. Ikaw, ako, si Eros kayang kumuha ng litrato. Kahit nga siguro si Manang Emy kaya siguro yun." Pangungutya ng kanyang ama.

Napatungo na lamang siya dahil medyo nasaktan siya sa sinabi ng ama. Kahit kailan di siya nito sinuportahan sa mga gusto niya although hinahayaan siya nito na sumali sa kung anong mga kumpetisyon na may kinalaman sa Photography.

"Anndrei ipakita mo kay Daddy yung ipinananalo mo nung nakaraang sumali ka." Anyaya ng kuya niya.

"Wag na. Masyado akong busy para pagkaabalahan na tingnan yun." Pambabara ng Daddy niya.

"Pero Dad---" pinutol ng Daddy nila ang sasabihin sana ng kuya niya.

"Anndrei I heard about your grades from your school na di nagiging maganda ang standing mo. Sinabi sa akin ng adviser mo na bumababa ang mga scores mo sa mga quizzes at tests. Lalo na sa subject ni Mr. Romuladez. Sa Math." Mahabang litanya ng ama niya.

"Di ba sinabi ko sayo na kailangan mong pataasin ang grado mo sa Math dahil ang kukunin mo sa College ay Accountancy?" Tanong ng ama niya

"Dad, ginagawa ko na naman po yung best ko para mapataas lalo yung grades ko kaso po sadya po talagang mahirap----" pinutol ng ama niya ang sinasabi niya.

"Lahat ng subject mahirap. Lahat yun ay pagpapaguran mo para maging magaling sa mga iyon. Lalo na sa Math. Now kung sinasabi mo na ginagawa mo yung best mo. Well, your best is not enough."

"Ernesto." Saway ng Mommy niya.

"I'm sorry Dad." Nasabi na lamang niya.

"Don't say sorry. Gawin mo yung mga sinasabi ko." Sagot nito.

Maagang tinapos ng Daddy niya ang hapunan at di na nito hinintay na matapos sila. Napansin niyang nakatingin sa kanya ang Kuya Eros niya.

"Gusto mo tulungan kita?" Nakangiting sambit sa kanya ng kuya niya sabay kindat.

"Salamat kuya." Napangiti na rin siya dahil nadala siya sa ngiti ng kuya niya.

"Mamaya Anndrei kwentuhan mo naman ako kung anong subject ang gagamitin mo sa contest." Nakangiting habol pa nito sa kanya.

"Sige kuya." Excited siyang i-share sa kapatid ang sasalihan niyang contest.

"O siya sige na tapusin niyo na yan. Anndrei, wag mo muna masyado pakaisipin ang mga sinabi ng Daddy mo. Unawain mo na lang. Tumatanda na ata." Biro ng kanyang ina.

"Sige po Mommy. Salamat po. " Nasabi na lamang niya sa ina.

Matapos ang hapunan ay pumanhik na siya sa kwarto kasama ang kuya niya. Nagpaturo siya dito sa Math at ibinahagi niya dito ang sasalihan niyang Photography Contest na gaganapin sa Foundation nila.

Kahit ganun ang Daddy niya. Alam naman niya na mahal siya nito at ginagawa lang naman nito kung ano ang nararapat sa kanya. Na kung minsan ay medyo nasasaktan siya sa mga sinasabi nito.

I Don't Wanna Miss A Thing (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon