Pinuntahan ni Anndrei ang sinasabing building ni Tyrone kung saan nila pag uusapan ang tungkol sa hinihingi nitong kapalit. Habang nag lalakad siya ay di niya lubos maisip na hahantong sila sa ganun sitwasyon nandahil lamang sa pinagtakpan siya nito at iiwas sa galit ni Mr. Romualdez.
Napansin niya na ang building na tinatahak niya ay Music Building. Napaisip siya kung ano ang pumasok sa utak nun at dito pa sa building na ito napili makipag usap. Pwede naman sa canteen o di kaya sa mga benches na nakalagay sa corridor. Bakit dito pa kaya. Habang papalapit siya sa room na sinabi nito ay di niya maiwasan na kabahan. Pano kung psychopath ito o di kaya matagal na itong may mental disorder pano na siya. Pano kung manyak pala ito. Eh di ang maagang mapapariwara ang buhay niya dahil dito.
Hanggang sa nasa tapat na siya ng room na sinasabi nito. Bubuksan pa lang niya sana ang pinto nang mapansin niya na medyo nakaawang ito.
"Bukas ang pinto." Sa isip niya.
Habang dahan dahan niyang binubuksan ang pinto narinig niya na may tumutugtog na instrumento. Nakita niya si Tyrone tumutugtog ng violin . Nakapikit pa ito habang tinutugtog ang instrumentong hawak nito.
Napansin niyang mas gwapo pala ito kapag hindi nakakunot ang noo. Maaliwalas tingnan. Alam niya kung anong awitin ang tinutugtog nito. Madalas niya iyon marinig sa mga radyo, mapakinggan sa internet at TV. Nakatayo lamang siya habang pinapanood ito. Animo'y hindi sila nagkainitan nito kahapon at kanina. Napakasarap panoorin nito. Dahil siguro sincere itong tumugtog ng isang awitin.
Hanggang sa mapansin niyang tapos na pala itong tumugtog.
"Kanina ka pa diyan?" Tanong nito sa kanya.
"Medyo. Marunong ka pala niyan." Nasambit niya dito.
"Di kita pinapunta dito para makipag kwentuhan lamang. Nandito ka para pag usapan yung kapalit ng pagtulong ko sa iyo." Masungit nitong sagot sa kanya.
Kahit kailan talaga walang magandang salita na lumalabas sa bibig nito. Sabagay, ano pa nga ba ang aasahan niya mula rito. Ipinaglihi ata ito sa sama ng loob.
"So ano nga yung kapalit?" Pagmamataray niyang sagot.
"Since, ginulo mo yung tahimik kong buhay at may utang na loob ka pa sa akin. Ang hinihingi ko ay--" tila nag iisip pa ito kung ano sasabihin.
"Ano?" Naiinip niyang tanong dito.
"Be my slave." Aniya nito.
Nanlaki ang kanyang mga mata. Slave? Seryoso ba ito? Ako gagawin niyang slave? May sapak ata itong lalaking ito.
"At sa tingin mo papayag ako?" Tanong niya rito.
"Oo. Wala ka namang magagawa eh" anito.
"Pano kung di ako pumayag?" Paghahamon niya dito.
"Eh di pasensyahan tayo. Sasabihin ko kay Mr. Romuladez na nandaya ka sa assignment na kumopya ka sa kaibigan mo para pagtakpan ang pagkakamali mo." Banta nito.
Nagulat man siya dahil alam nito kung nakakopya kay Sophia nun pero di siya nagpahalata
"Sa tingin mo natatakot ako?" Pagmamatapang pa niya.
"Ano? Tatanggapin mo ba o hindi?" Anito na gusto atang tapusin ang usapan.
"Ayoko." Pagmamatigas niya.
"Ok. I will go to Mr. Romualdez to report about---"
"Hep! Oo na!" Putol niya sa sinasabi nito.
"Oo na. Payag na ako."
Ngumisi ito.
"Deal?" Tanong muli nito?
"D-deal." Nabulol pa siya sa sagot dito.
"Ok bukas natin sisimulan ang task mo." Sabi nito.
"Teka lang hanggang kailan ito?" Tanong niya dito.
"Ahmm.. ilan yung question sa assignment sa Math?" Tanong nito.
"Ten. Ten questions." Aniya.
Ngumiti ito pagkatapos ay sinabi nito kung hanggang kailan.
"Ten? So tatagal ito nang ten weeks." Anito
Napanganga siya. What? Ten weeks? Mahigit dalawang buwan.
"T-ten weeks?" Pagkumpirma niya.
"Oo. Bakit? Reklamo ka?" Tanong muli nito.
"W-wala. Sabi ko nga. Ten weeks. Ten. Mabilis lang yun." Nanghihina niyang sambit.
"So, you may go now. Gusto kong mapag isa. Bukas nating simulan." Sabi nito.
Tinahak niya ang pintuan at lumabas siya dun. Ten weeks? Ten weeks siyang aalilain nito? Ten weeks siyang pahihirapan nito? Ang tagal nun. Maisip pa lamang niya kung ano ang mga ipapagawa nito ay parang gusto niyang mag laho.
Pero sa kabilang banda di siya natatakot dito. Kiber ko ba. Kung pahihirapan niya ako. Iinisin ko naman siya. Ako pa? Hahamunin niya. Iba to.
Maya maya lamang ay tumawag ang Mommy niya sa cellphone niya. Tinanong nito kung uuwi na daw ba siya. Sinabi niyang malapit na siyang umuwi. Sabi ng Mommy niya ay magmadali daw siya at may sasabihin daw ang Daddy niya. Parang kinabahan siya bigla. Isa lang ibig sabihin nun kaya gusto siya makausap ng Daddy niya. May hindi na naman siyang nagawa na maganda.
Para kasi sa Daddy niya. Failure siya dahil di siya nag mana dito ng katalinuhan. Unlike her brother. Ang kuya Eros niya. Napakatalino nito. From kinder to Highschool ay laging nangunguna sa klase. Valedictorian nung Elementary at Highschool. Salutatorian nung Kinder at ngayong nasa College ito. Deans lister naman ito. Di malayong maging Summa Cum Laude ito.
Bukod pa dun Accountancy pa ang kinuha nito. Kaya talagang ito lagi ang napapansin ng Daddy nila at napupuri. Pero sa kabilang banda. Kahit ganun at hindi patas ang pagtingin sa kanila ng Daddy nila, ay mahal siya ng kuya niya. Sweet ito sa kanya kaya di siya makapag tanim ng sama ng loob dito. Bukod pa dun ang napaka supportive na Mommy niya kaya kahit medyo malayo loob niya sa Daddy niya ay ayos lang dahil may kuya at Mommy siyang laging naka alalay sa kanya.
Muli ay tinahak na niya ang daan patungo sa harap ng school upang hintayin ang sundo niya. Bahala na si Batman kung ano ang mangyari sa bahay.
![](https://img.wattpad.com/cover/219202721-288-k243208.jpg)
BINABASA MO ANG
I Don't Wanna Miss A Thing (Series 1)
RomanceAng sideline ni Anndrei ay ang pagiging isang photographer. Bata pa lamang siya ay ito na ang kanyang nakahiligan. Kaya kahit iba ang natapos niyang kurso ay ipinagpatuloy niya ang kanyang hobby. Nagkaroon siya ng isang malaking raket na reto ng kan...