Chapter 14: February 14

53 3 3
                                    

"Happy Valentines Day Mom, Kuya, D-dad." Bati niya sa mga ito.

Nagulat ang pamilya niya nang makita ang mga inihanda niyang almusal. Lahat nang iyon ay siya ang nagluto. Matagal na niyang pinageksperimentohan ang mga dish na yun na nakahain sa hapag kainan. Tuwang tuwa ang kuya niya at ang Mommy niya sa ginawa niya habang ang Daddy niya ay tahimik lamang.

Nagsimula na silang kumain. Panay ang puri ng Kuya niya at Mommy niya sa luto niya. Ang Daddy naman niya ay isang tipid na sagot ang isinagot sa tanong ng Mommy niya. Sabi nito. Ok lang daw. Medyo napabuntong hininga siya dahil kahit kailan ay kailangan niyang trabahuhin ang appreciation nito, ang papuri nito. Kaya bago pa siya malungkot ay sinabi niya na kain pa sila.

Habang nakain sila ay may itinanong ang kuya niya.

"Anndrei. Sophia is your friend right?" Tanong ng kuya niya.

"Oo bakit?" Takang tanong nito.

"Nothing. She's funny." Nakangiting sabi ng kuya niya.

"Why?" Balik tanong niya.

"Pumunta siya sa school last time just to give a gift. Nagdahilan pa siya. Pinabibigay daw ni Daddy." Iiling iling na sabi nito.

Si Sophia talaga. Talagang tinotoo nito ang pagkagusto nito sa Kuya niya.

Maya maya lamang ay nagtanong ang Mommy niya.

"Are you ready for your Prom tonight?" Nakangiti nitong sabi.

"Yes Mom. Sinukat ko na po ang gown kagabi." Sagot naman niya.

"Nagustuhan mo ba?" Nakangiting tanong ng Kuya niya.

"Yes. I love it. Ganda kaya." Tatawa tawang saad niya.

"Si Daddy pumili nun." Sabi ng kuya niya.

"Eros!" Saway ng Daddy niya.

Nagulat siya sa sinabi ng kuya niya. Si Daddy pala pumili ng gown niya. Napangiti siya dahil kahit papaano mahalaga siya dito.

"Salamat Dad." Nakangiting sabi niya dito.

"Kapag natapos ang Prom, uwi ka kaagad." Seryosong sabi nito.

"Yes Dad." Tugon niya dito.

"I have to go." Pagpaalam nito at umalis na.

"Si Daddy wala man lang pa-valentine kay Mommy." Sabi ng kuya niya.

"Hayaan niyo. Humanda sakin mamayang gabi ang Daddy niyo." Pagbibiro ng Mommy niya na siyang ikinatawa nilang magkapatid.

Seven in the evening nang matapos na siyang mag ayos sa sarili para sa Prom nila mamaya. Nakasuot siya ng ball gown na kulay dilaw na tila isa siya sa mga Disney Princesses. Pero dagli napawi ang kanyang kasiyahan nang maalalang di nga pala si Tyrone ang partner niya.

"Aattend kaya siya." Malungkot niyang tanong sa sarili. Ganumpaman ay inihanda na niya ang sarili dahil susunduin siya ng Escort niyang si Phytos para ihatid sa school na pagdadausan ng Prom.

Maya maya lamang ay dumating na ang binata. Habang bumababa siya sa hagdanan ay kitang kita niya ang pagkatulala nito. Manghang mangha ito sa kanya. Habang ang kanyang Mommy ay tuwang tuwa sa kanya.

"Anak, mag iingat ka ah." Paalala ng Mommy niya.

"Opo Mom. By the way where's Kuya?" Hanap niya sa kapatid.

"Umalis ang kuya mo. May date ata sila ng nililigawan niya." Sabi naman ng Mommy niya.

"Sige po Ma'am mauna na po kami." Pagpapaalam ni Phytos sa ina niya.

I Don't Wanna Miss A Thing (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon