Chapter 30: Tyrone Cha

79 5 0
                                    

Bago matapos ang kwentong ito. Di naman ako makakapayag na di ko mailabas ang side ko sa inyo.

Ako nga pala si Tyrone Cha. Isang Half Filipino Half Korean na nagtransfer sa Chair of St. Peter Academy. First of all kaya po ako suplado ay dahil nahihiya ako. Lalo pa at bago ako sa lugar na iyon. Kaya imbes na ipakita ko ang hiya ko ay idinadaan ko na lang sa pag susungit.

Nakilala ko si Anndrei di dahil sa mga una naming engkwentro nung high school kami. Actually bagong pasok pa lang ako sa school ay napansin ko na kaagad siya, lalo na nang lumingon ito sa gawi ko.

Math Class. Nung nagchekan na, natuwa ako dahil yung kay Anndrei ang napunta sakin. Napansin ko lang sa ESP nito nilagay iyon. Puro mali ang sagot nito. Nangopya lang siguro ito eh kaya ang ginawa ko, pinunit ko yung pahina at inilagay ko yung tamang sagot para di siya bagsak kasi kaya naman di ito nakagawa gawa ng hinabol ko ito para idelete ang picture ko sa kanya pero deep inside nun kilig na kilig ako. Nga pala hindi niya alam na binago ko sagot niya sa Math. Wag kayong maingay ah lagot ako kay commander.

Yung utos utos ko sa kanya na ibili niya ako ng pagkain nung nag try out ako. Way ko lang yun para makasama ko siya ng matagal. Sinadya ko talaga na samantalahin ang utang na loob niya sakin noon. Kaso may asungot. Ilang beses kaya ako nakipag suntukan noon kay Phytos. Oh. Wag niyong sasabihin ah. Sikretong malupit lang natin ito.

Nung lumaban si Anndrei sa Photography Contest kung saan mukha ko ang ginamit niyang piece natouch kaya ako dun. Oo tama kayo nang nababasa niyo. Nandoon kaya ako. Di niyo ako nakita problema niyo na yun. Bakit di ako nagparamdam sa kanya noon? Sorry na. Naconfine kaya ako ospital. Ikaw kaya madehydrate kaka-LBM.

Yung mga pagtambay namin sa benches at Music Room iyon mga panahon na iyon. Kilig na kilig kaya ako nun. Kayo kaya yung makasama mo ng solo ang crush mo.

Ah. Eto ang malupit. Nang sabihin sakin ni Phytos na wala na itong nararamdaman kay Anndrei dahil ang mahal na nito ay si Zoe ay nag lakas loob ako na mag confess sa kanya noon. Aminin niyo. Kinilig kayo don sa part na yun nu. Ako din eh. Lalo na ng sinagot ako ni Anndrei. Yes! Kami na sa wakas.

Sabay kami grumaduate, bumuo kami ng masasayang alaala. Hanggang sa dumating sa point na nagkasala ako sa ating bida. Alam niyo na yun. Ayokong ikwento dahil malungkot ang parteng iyon ng buhay ko. Pero promise never nagbago ang feelings ko kay Anndrei.

Hanggang sa umasenso ako sa Korea. Naging sikat ako. Alam niyo ba na nauwi ako ng Pilipinas para makita siya nang di niya nalalaman. Di ko na sinabi sa kanya yun. Bumabalik ako ng Pilipinas tuwing fourteen. Yung monthsary namin. Di ba di naman ako lubos na masama.

Alam niyo bang yamot na yamot ako kay Lucio? Kaasar kaya. Lalo na ng makita ko silang magkausap nun sa Puerto Galera. Wala ngang Phytos pero may Lucio naman. Kaasar. Pero sorry siya ako pinili.

Alam niyo ba guys, sinabi ko lang kay Anndrei na di masakit yung suntok ng kuya niya at Daddy niya pero ang totoo masakit talaga. Nung pumunta ako sa bahay nila. Tulog pa si Anndrei, natiyempuhan ako ni Kuya Eros sa labas kaya dinala ako sa loob at doon ay bigla akong sinuntok. Dumating ang Daddy niya akala ko aawatin kami, nakisali. Sinuntok din ako. Ilang suntok? Di ko alam eh. Basta ang tanda ko salitan sila. Pagkatapos nun, pwede ko na daw kausapin si Anndrei. Nag painit lang daw sila ng katawan. Exercise daw nila yun ang manuntok ng mananakit kay Anndrei.

Tapos share ko na din yung time na sasagutin ako ni Anndrei. Actually alam ko talaga that time na sasagutin niya ako. May pa surprise pang nalalaman ang mahal ko. Kaya ginawa ko, ako ang gumawa ng surprise, siyempre kinuntsaba ko Mommy at Daddy nito. Hiningi ko muna sa mga ito ang kamay ni Anndrei para ayain ng kasal. Pero may kapalit daw yung pagpayag ng Daddy ng mahal ko. Magiging construction worker ako sa itinatayong building ng Kuya ni mahal dahil nga engineer ito. Pero nakaya ko naman. Di ba ang galing ko? Pano ko nalaman na sasagutin na ako ni Anndrei? Sisihin niyo si Macy. Siya nagkwento sakin.

Tapos nung ikinasal na kami. Grabe kaba ko nun. Maluha luha ako habang nakikita ko si Anndrei papalapit sa akin. Legit mga pare, mare, bro and sis. Talagang tagos sa puso ang nararamdaman ko nung kasal namin lalo na nang sinabi ng pari ng you may now kiss the bride.

Siyempre di ko palalagpasin yung after ng kasal namin. Kung saan pasayaw sayaw pa ako sa harap ni mahal habang hinuhubad ko ang damit ko. Nang pinatay ko ang ilaw at tumabi ako sa kanya. Nakikiliti daw siya. Pambihira. Kada hahalikan ko, nakikiliti daw siya. Tawa ng tawa. Di ako makaconcentrate kung paano ko siya maangkin. Kaya ang ending ng gabing iyon. Wala. Walang nangayari.

Kailan may nangyari samin? Eh di nung binuhat ko siya pabalik sa kwarto after namin mag usap kung ilan ang gusto niyang anak namin.

As of now nasa Europe na kami sa Portugal. Eto ako katabi ang babaeng pinakamamahal ko na tulog na tulog. Napagod ko yata. Pero ok lang nasa tabi ko naman eh.

Maya maya lamang ay nagising ang babaeng bumuo sa pagkatao ni Tyrone.

"Hello mahal." Anito sa kanya.

"Hello. How's your feeling?" Tanong niya sa babaeng kanina pa niya tinititigan.

"I'm fine." Anito.

Muli ay tinabihan niya ito at siniil niya ulit ito ng halik.

"I love you." Aniya dito.

"Saranghae." Anito sa kanya at hinalikan siya nito.

Mukhang mapapalaban ako nito ah. Sige hanggang dito na lang. May honeymoon pa kami eh. Bye.

THE END

I Don't Wanna Miss A Thing (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon