"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Anndrei kay Tyrone.
Nasa Music Room sila. Nakagawian nila na tambayan ang naturang silid. Natutuwa siya dahil close na sila ng bago niyang kaibigan.
"Eto? Wala nagpapractice akong tumugtog ng ibang instrument." Wika nito.
"Bukod sa violin ano pa ba ang kaya mong tugtugin?" Muli niyang tanong dito.
"Piano saka saxophone." Nakangiting saad nito.
"Wow naman! Tugtugan mo naman ako ng piano at saxophone. Violin kasi ang lagi kong nakikitang ginagamit mo." Sabi niya dito.
"Ayoko nga." Natatawang saad nito.
"Ay. Ang daya mo naman." Nakasimangot na sabi niya.
"Pag may time na lang." Wika nito.
"Maiba ako Tyrone. Pure Korean ka ba o half lang?" Naitanong niya dito dahil curious siya dito.
"Half German Half Shepherd ako." Seryoso nitong sagot.
"Huh? May lahi kang German?" Nagulat niyang tanong.
Natatawa ito sa di malaman niyang dahilan.
"Bakit ka natawa? Malay ko ba na may lahi kang German. Kasi pang Korean ang surname mo kaya." Nakangusong paliwanag niya dito.
Lalong lumakas ang tawa nito na lalong ikinainis niya. Pero in fairness nakakahawa ang tawa nito. Kaya naman kahit anong inis niya natatawa na din siya.
"You know what Anndrei. You made my day." Tapos pinipigilan nito na bumulanghit ng tawa.
"Sige tawa pa. Saya ba? Napasaya na kita ha?" Sabay pisil sa pisngi nito.
"Aray! Aray! Masakit!" Sabi naman nito na nasasaktan sa ginagawa niya.
"Kainis ka!" At humalukipkip siya patalikod dito.
Kainis talaga itong lalaking ito. Walang araw na di siya nito binubuwiset. Pero di ko maitatanggi na masaya itong kasama. Minsan nga pag wala ito sa tabi niya hinahanap hanap niya ito. Pag nakita niya ito lalo na pag papalapit sa kanya bumibilis ang tibok ng puso niya. Ewan ba niya kung bakit ganon ang nararamdaman niya. Kahit anong inis niya rito. Nalulusaw bigla.
Nasa ganoon siyang pagmumuni muni nang may narinig siyang tumugtog. Gitara yun base sa pagkakarinig niya at may narinig siyang kumakanta.
"Sorry na. Kung nagalit ka. Di naman, sinasadya. Kung may nasabi man ako init lang ng ulo...."
Nagulat siya dahil marunong pala itong kumanta. Napaharap tuloy siya. Naggigitara nga ito. Nakaharap sa kanya at inaawit ang kanta ng isang sikat na banda.
"Sorry na talaga, kung ako:y medyo tanga. Di ako nag iisip, nauunahan ng galit. Sorry na talaga, sa aking nagawa. Tanggap ko nang mali ako, please wag nang magtampo, sorry na...."
"Sorry na." Seryosong sabi nito sa kanya.
Napangiti na siya dahil napaka sweet nito. Pero teka bakit parang kinikilig ako? Ano tong nararamdaman ko. Para akong tanga. Kainis. Ano ba Anndrei. Bakit ka ganyan?
"Uy. Anndrei. Bati na tayo. Nakakatawa kasi talaga yung tanong mo eh. You look so innocent. Di ko naman alam na di mo alam yung lahing German Shepherd eh. Actually breed yun ng aso. Ginamit ko as joke." Mahabang paliwanag nito.
"Uy. Bati na tayo. Sorry na. Please." At nagpacute pa ito sa kanya.
Wala na. Finish na. Nadala siya ng cutie face nito. Naforgive na agad niya. Pero ang di niya maforgive ay ang feelings niya. Nagkakagusto na ba siya dito? Kung oo, pano? Kailan?
"Annd----" pinutol niya ang sasabihin nito.
"Oo na. Bati na tayo. Ok na?" Seryosong sabi niya dito.
"Yes!" Natutuwang sambit nito sabay lapit sa kanya at niyakap siya.
Oh my God! Ano ba itong nararamdaman ko. Parang di ako makahinga. Napakabilis ng tibok ng puso ko.
Maya maya lamang ay nakaramdam sila pareho ng awkwardness. Kaya naman bumitaw sa pagkakayakap si Tyrone.
"Nasabi ko na sayo at nadala kita sa kinahihiligan ko which is Music. Ikaw naman." Sabi nito sa kanya.
"Sige. Pero sa susunod na lang." Nakangiting saad niya dito.
Maya maya lamang ay umalis na sila sa Music Room. Naglakad lakad sila sa campus ng magkasama. Ewan ba niya at bentang benta dito ang mga jokes niya na kung minsan corny na para sa kanya.
Nakasalubong nila sina Margaux, Zoe, at Sophia. Kaya naman agad na nagpaalam si Tyrone para naman may time siya na makasama ang tatlo niyang kaibigan.
"Girl. Hinay hinay lang. Baka kapag nahulog ka at walang sumalo masaktan ka." Biro sa kanya ni Sophia.
"Bakit Sophia, sa tingin mo in love na ba itong kaibigan natin?" Panggagatong pa ni Zoe.
"Oy. Kayo mga malisyoso kayo. Kaibigan ko lang si Tyrone. Magkaibigan kami." Pagdidiin niya sa mga ito.
"Magkaibigan o magka IBIGAN?" Natatawang tanong ni Margaux.
"Pati ba naman ikaw Margaux?" Tanong niya sa kaibigan.
Bigla ay nagtawanan ang mga kaibigan niya.
"Kasi naman. Sino ba ang di magbibigay ng malisya kung lagi kayo magkasama. Unless kung nanliligaw siya sayo." Mahabang litanya ni Sophia.
"Sino nanliligaw kay Anndrei?" Tanong ng isang lalaki sa kanila.
Napalingon sila. Napagtanto niyang si Phytos ito. Magkasalubong ang mga kilay nito.
"Nililigawan ka ni Tyrone?" Tanong sa kanya nito.
"Hindi. Saka isa pa. Kung oo man, eh ano naman sa iyo? Hindi mo naman ako girlfriend." Tanong niya dito.
"Correction. Magiging girlfriend kita." Sabay kindat nito sa kanya.
"Mabuti nga at nagkagusto ako sayo. Maraming nagkakandarapa sa akin. Pero ikaw pinansin ko." Pagmamayabang nito.
"At utang na loob ko pa ah. FYI wala akong gusto sa iyo. Ngayon pa lang sasabihin ko sayo wala kang pag asa sakin." Naiinis na wika niya dito.
"Ouch!" Animo ay parang nasaktan ito, pero nakangiti ito.
"One day, lulunukin mo yang sinabi mo." Kinindatan ulit siya nito at umalis na.
"Ang yabang talaga nun." Naiinis na wika ni Sophia.
"Diyan tayo magkakasundo Sophia. Totoo ang sinasabi mo." Iiling iling na sagot naman ni Margaux.
Pag lingon niya sa mga kaibigan ay napansin niya ang kaibigang si Zoe. Tila may hinahabol itong tingin. Sinundan niya iyon. Napagtanto niyang hinabol nito ng tingin ang umalis na si Phytos.
"Zoe, ok ka lang?" Tanong niya dito.
"Uy Zoe." Tawag at inalog ito ni Sophia.
"Huh? Oo. Ano nga ulit pinag uusapan natin?" Tanong nito.
"Ay. Si Ate naman. Lutang." Natatawang biro ni Sophia.
Maya maya lamang ay umuwi na sila dahil hapon naman na. Muli niyang naalala si Tyrone. Di niya talaga malimutan ang nangyari sa Music Room. Di niya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman para sa lalaki. Bigla itong umusbong. Sa haba ng kanyang pag iisip di niya namalayan na nasa bahay na siya. Kung ano man yung nararamdaman niya para kay Tyrone, bahala na. Basta ang mahalaga ay ang pagkakaibigan na meron sila.
BINABASA MO ANG
I Don't Wanna Miss A Thing (Series 1)
Roman d'amourAng sideline ni Anndrei ay ang pagiging isang photographer. Bata pa lamang siya ay ito na ang kanyang nakahiligan. Kaya kahit iba ang natapos niyang kurso ay ipinagpatuloy niya ang kanyang hobby. Nagkaroon siya ng isang malaking raket na reto ng kan...