COLLEGE DAYS
"Sigurado ka bang Accountancy ay kukunin mong kurso?" Tanong ni Tyrone sa kanya habang naglalakad sila sa Campus ng bagong eskwelahan na papasukan nila. Ang De La Salle University. Napagdesisyunan kasi nila na doon pumasok sa university na iyon. Tanging si Margaux lang ang napahiwalay ang school dahil sa UP Diliman ito papasok. Nung sila ay nagtapos ng high school ay naging Valedictorian nila ito kaya ang laki ng tiyansa nito talaga na makapasok sa university na iyon.
Maya maya lamang ay humiwalay na sa kanila si Sophia. Meron daw kasi itong dadaanan. Gusto nila itong ihatid pero talagang nagpumilit ito na siya na lamang. Kalaunan ay silang dalawa na lang ang naiwan.
"Babe. Kain tayo sa labas." Anyaya sa kanya ni Tyrone sabay kiss sa kanya sa pisngi.
"Ikaw, napaka mo. May makakita sa atin." Saway niua dito.
"Pero gusto mo naman." Panunukso nito. Kaya naman napilitan siya na pumayag sa gusto nito na kumain sila sa labas.
Lumilipas ang mga araw ay talagang mas nagiging masaya ang relasyon nila ni Tyrone. Nariyan ang pumupunta siya sa bawat gig na pupuntahan nito dahil nadiscover ito sa university nila na marunong kumanta. Kung kaya't hinilayat niyang sumali ito para naman ma-expose ang talent nito.
Masaya siya mga natatamasa ni Tyrone sa buhay nito. Ngayon lang niya nakita ito na nagkaroon ng tiwala sa sariling kakayahan nito. Alam niyang matalino ito at doon lang ito confident. But when it comes to his talent he's not sure. Kaya nga napakasaya nitong tingnan na unti unti ay naoover come na nito ang hiya sa katawan.
"Babe. Ayos ka lang diyan?" Tanong sa kanya ni Tyrone nang lumapit ito sa kanya after nitong kumanta.
"Oo naman. Ang galing mo nga eh." Sabi niya dito.
Maya maya lamang ay tinawag na ito ng kasamahan para tumugtog ulit. Minsan sinasabi ng iba na napakaswerte daw nila sa isa't isa. Perfect couple ika nga. Sa katunayan hindi naman sila nagkakaroon ng away ng matagal. Ayaw kasi nila na matatapos ang araw ng di sila nagkakabati. Kaya kapag may sumasama ang loob o may nagtatampo ay dapat aluin o amuin ng isa. Kadalasan sa kanilang dalawa siya ang umaamo dito. Siya ang naglalambing dito. Ewan ba niya pero mas gusto niyang siya ang gumagabay at sumusuporta dito. Siguro dahil nasanay siya sa pagiging independent.
Isang araw ay nalaman niya nang ibalita sa kanya ni Tyrone na natanggap daw ito sa audition nito sa isang sikat na entertainment group. Tuwang tuwa siya para dito. Nakiusap ito na kung pwede ay samahan niya ito roon. Medyo nag alangan siya dahil exam niya ng oras na iyon. Pero dahil sa mahal niya ito ay sinamahan niya ito. Di siya nakapag take ng exam. Bahala na may special exam naman wika niya.
Nang araw ding iyon ay pasok ito sa unang bahagi ng audition pinababalik ito kinabukasan. Kaya muli na naman itong nakiusap pero sabi niya ay may exam pa siya. Nalungkot ito pero para mapawi ang lungkot nito ay sinabi niyang hahabol siya. Sumaya naman ang mukha nito.
Nang nag eexam na siya nang para sa ikalawang araw ay minadali niya ang pag sagot para humabol sa audition nito. Yes. Nakahabol siya, kaya laking tuwa nito nang makita siya. Kalaunan ay pasok ito sa ikalawang bahagi. Galing talaga ng boyfriend niya. Inabisuhan ang mga ito na babalik sila sa iaannounce na petsa para sa huling bahagi ng audition. Excited siya para dito dahil unti unti ay naaachieve na nito ang pangarap nila sa buhay. Isa kasi yun sa mga relationship goal nila, ang maahieve ang dreams nila.
Lumipas ang isang linggo ay napagpasyahan niyang sumali sa isang Photography Contest. Masaya niyang ibabalita sa boyfriend niya na qualified siya para sumali nang inunahan siya nitong mag salita dahil mukhang may sasabihin din ito sa kanya.
"Babe, sa huwebes na ang huling bahagi ng audition. Samahan mo ulit ako." Masayang wika nito.
"Kasi babe may---" di na niya nasabi ang balak sana niyanh ibalita dito nang nakiusap ito sa kanya.
"Please." Pagsusumamo nito.
"Ok sige na nga." Pag payag niya. Masaya naman siya para dito ngunit nanghihinayang siya sa sinalihan din niyang contest. Pagkakataon na sana niya iyon para mas makilala pa siya bilang isang magaling na photographer.
Di nag laon ay pasok ito sa huling bahagi ng audition. Walang patid ang saya na nadarama niya para dito. Pero naisip niya na parang ang layo na nito sa kanya. Parang sa dami na naachieve nito sa buhay ay eto siya at ganun parin, walang napapatunayan. Di niya maiwasan ang malungkot para sa sarili ngunit dagli nawala iyon nang lumapit sa kanya ang boyfriend niya.
"Magcelebrate tayo dahil wala nang makakapigil sa pagtupad ng pangarap ko." Sabi nito sa kanya.
Napagdesisyunan nila na kumain sa isang restaurant. Habang kumakain ay walang patid ang kwento nito at balakin sa buhay. Puno nang pangarap ito. Lahat parang gusto nito matupad. Ang taas ng pangarap nito. Napansin niyang parang naging matayog ito. Ngunit eto siya bilang girlfriend ay sinusuportahan ito dahil mahal niya ito. Hindi man niya ipahalata ay medyo nasaktan siya dahil ni isa sa dami ng sinabi nito pangarap ay parang wala siya sa mga iyon. Parang di siya kasama sa pangarap nito.
"Next month babe, madalas na ako magtetrain. Di na tayo magkikita every Saturday. Weekdays na lang tayo magkikita. Wika nito.
"Eh di sa Sunday." Nakangiting sabi niya.
"Pagod ako nun babe, saka family day yun." Anito.
"So, sa school na lang tayo magkikita ganun ba?" Aniya dito.
"Parang ganoon na nga." Anito.
Napabuntong hininga siya hudyat para hawakan nito ang kamay niya.
"Pero di ba may chat naman, may tawag naman so kahit madalang na tayo magkita ay magkakausap pa din tayo. Saka kapag monthsary natin pipilitin ko na magkita tayo." Nakangiting pahayag nito sa kanya.
Nang matapos kumain ay napagpasyahan nila na maglakad lakad sa isang parke habang magkahawak ang kanilang kamay. Panay talaga ang kwento nito sa mga bagay na gusto nitong mangyari na kanina pa niya napapansin ay parang wala talaga siya sa plano nito.
Wala ba itong plano para sa kanila? Kasi kung ako ang tatanungin marami. Isa ito sa mga plano niya. Pangarap kasi niya makasama ito habang buhay. Ngunit parang di sumagi sa isip nito ang para sa kanilang dalawa.
Patuloy sila sa pamamasyal hanggang sa ihatid siya nito kanilang bahay. Pagkatapos ay nauna na ito. Nang mawala na ito sa paningin niya ay nalungkot siya dahil di na nito nagawang halikan siya sa noo bago umalis na dati ay lagi nitong ginagawa sa kanya. Naisip niya baka nalimutan lang nito.
Pagpasok niya sa loob ng bahay ay biglang may humampas sa mukha na mga papel. Nagulat siya dahil pawang kopya iyon ng mga grades niya sa mga subjects niya. Galit na galit ang kanyang ama dahil puro tres ang nakukuha niya at may isa siyang singko na nakuha hudyat na itetake niya uli ang subject na iyon.
Pawang masasakit na salita ang binitiwan ng kanyang ama sa kanya. Ngunit kasalanan niya dahil lately ay napapabayaan niya ang kanyang pag aaral dahil sa pagsuporta niya sa boyfriend niya. Wala siyang nasabi kundi sorry sa kanyang ama. Talagang napakahirap naman kasi ng kursong ipinakuha sa kanya. Dahil sa pangyagaring iyon ay mas lalong dumalang ang pagkikita nila ni Tyrone. Di naman ito nakakalimot tumawag ngunit habang tumatagal ramdam na niya ang paglayo nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/219202721-288-k243208.jpg)
BINABASA MO ANG
I Don't Wanna Miss A Thing (Series 1)
RomanceAng sideline ni Anndrei ay ang pagiging isang photographer. Bata pa lamang siya ay ito na ang kanyang nakahiligan. Kaya kahit iba ang natapos niyang kurso ay ipinagpatuloy niya ang kanyang hobby. Nagkaroon siya ng isang malaking raket na reto ng kan...