Chapter 9: M U?

57 3 0
                                    

Mula sa kinatatayuan ni Anndrei, kitang kita niya si Tyrone na nakaupo sa isang bench habang ito ay abala sa pag susulat. Napakaseryoso ng mukha nito. Kitang kita niya ang napakakinis nitong balat. Napakaputi nito na animo ay talagang hindi ito nagbababad sa initan. Wala din itong tighiyawat sa mukha, napaka fresh nitong tingnan, na kahit nasa malayo ka alam mong napakabango nito.

Ang mga mata nito na singkit dahil may lahi itong Koreano ay nakadagdag ito sa angking kagwapuhan nito. Ang mga kilay nito na medyo makapal na talaga namang bumagay dito. Mapupula ang mga labi nito. Parang labi ng babae. Siguro kung naging babae ito mas maganda pa ito sa kanya. Ang tangos din ng ilong nito. Ang buhok nito na medyo mahaba at wavy ay bumagay dito. Kahit magusot o maayos yun at bagay na bagay parin dito. Para talaga itong artista.

Di niya maitatanggi na may mga ilan silang schoolmate na nagkakagusto dito. Nariyan ang bigla na lang lalapit dito para lang mag abot ng regalo. Naiinis siya sa part na iyon. Parang gusto niya siya lang ang lalapit dito. Siya lang dapat ang pansinin nito. Minsan kapag nasa CR siya ng mga babae ay may mga naririnig siyang patungkol sa kanya na kesyo ang swerte daw niya dahil siya lagi ang kasama ng binata. Siya ang kinakausap, na sana daw sila ay siya na lang daw.

May ilan ding pinaparinggan siya. Siguro inggit itong mga ito sa kanya. May ilan din na ginagawan siya ng issue, na kesyo inaakit daw niya sina Tyrone at Phytos. Well para sa kanya wala dapat siya ipaliwanag sa mga ito dahil malinis ang kunsensya niya. Paki ba niya kung may gusto sa kanya ang dalawa. Alam niya kung sino nagpapakalat ng balitang yun. Walang iba kundi si Juliana at ang mga alipores nito. Inis sa kanya naturang dalaga dahil siya ang pinapansin ni Phytos. Maka ilang beses niyang sinabi dito na wala siyang interes sa lalaking yun. Pero di ito naniniwala. Patunayan daw niya.

Wala kasi sa bokabularyo niya na sundin ang sinasabi nito dahil wala naman dapat siyang patunayan. Wala siyang pakialam kay Phytos, tapos. Mas higit na pinagtutuunan niya ng pansin ay ang nararamdaman niya para kay Tyrone. Alam niyang bata pa sila. Mga teenager pa. Baka nga puppy love lang to. Pero bakit ganun di niya maalis sa isip niya ang binata. Hanggang sa bago siya matulog ay ito ang iniisip niya, na bitbit niya hanggang panaginip. Nabubuang na ata siya.

Namalayan na lang niya na kinukuhanan niya ito ng litrato. Nakailang shots siya dito gamit ang camera niya.

"Ang gwapo talaga niya." Sabi niya sa isip.

Napaka photogenic nito. Kahit di ito nakangiti. Gwapo parin. Maya maya lamang ay napagdesisyunan niyang lumapit na dito.

"Pssst. Busy ka diyan ah." Saad niya dito.

Nagulat ito at nang nakahuma ay ngumiti ito sa kanya na lalong nakapagpasingkit sa mata nito.

"Ang gwapo talaga." Sabi niya sa isip.

"Tulala ka diyan. Crush mo ako nu." Pagbibiro nito.

Nagulat siya sa tinuran nito. Nahalata ba siya? Pero teka. Crush nga ba niya? Nagtatakang nakatitig lang siya dito.

"Joke lang." Nakangising saad nito sa kanya.

Umayos siya ng upo at tiningnan ang buong paligid ng campus. Sa puwesto kasi nilang iyon kitang kita mo ang buong paligid ng campus. Kita mo rin ang mga naglalakad na estudiyante.

"Kamusta naman ang sasalihan mong contest?" Tanong nito sa kanya.

"Ayun. Napagod ako sa mahabang lecture ng organizer. Sinabi din nila na dapat two types of picture ang ihahanda namin. Gagawing Photo Exhibit ang naturang kompetisyon tapos boboto ang mga estudiyante kung alin ang maganda. Yung vote nila half ng grado namin. Yung kalahati pa ay sa judge manggagaling." Mahabang paliwanag niya.

"Sana manalo ka. Naniniwala ako sa kakayahan mo." Sabi nito.

Napalingon siya dito. Nahuli niyang titig din ito sa kanya. Nagkatitigan sila. Tila nahipnotismo siya gwapo nitong mukha. Napansin niyang bumaba ang tingin nito sa mga labi niya. Para gusto siya nitong halikan. Pero bakit ganun? Parang kinikilig pa siya. Napansin niya na papalapit ang mukha nito. Parang hahalikan nga siya nito. Kaya sa sobrang kaba ang napapikit siya at hinihintay na lumapat sa labi niya ang mga labi nito.

Ilang segundo pa ay wala namang labing dumampi. Sa halip hangin pa nga ang naramdaman niya. Kaya naman napadilat siya. Nakita niyang nakatingin ito sa kanya animo pinipigil ang tawa. Napahiya naman siya kaya umayos siya ng upo. Pero narinig niya ang mahinang tawa nito.

"Ano nakakatawa?" Pagtataray niya para pagtakpan ang hiya niya.

"Ikaw kasi." Sabay tawa ulit nito na lalong lumakas.

"Sira ulo ka ba? Tawa ka nang tawa diyan." Naiinis niyang sambit.

"Ikaw kasi. Parang gusto mo kasi magpahalik." Natatawa paring saad nito.

"Eh bakit nga hindi mo ako hinalikan?" Naiinis niyang sabi. Pero nagulat siya. Ano ang kanyang sinabi dito? Nakakahiya. Parang umasta pa siyang atat na mahalikan nito.

Napansin niyang nagulat ito sa tinuran niya. Kapagdaka ay biniro na lamang siya nito.

"May panis na laway ka kasi kaya di kita hinalikan." Pagbibiro nito.

Naiinis na lumingon siya dito. Ako? May panis na laway sa bibig. Anong karapatan nitong sabihin na natuyuan siya ng laway bibig.

"Joke lang." Sabi nito.

Humalukipkip siya at umayos ulit ng upo. Nakikita niya sa gilid ng mata na nag aayos iti ng gamit. Kaya napatingin siya sa relo. Malapit na ang next subject nila kaya siguro nag liligpit ito. Maya maya lamang ay sabay silang umalis sa lugar na iyon pabalik sa classroom. Habang naglalakad sila ay may tinanong ito.

"Malapit na ang Prom natin. Aattend ka?" Tanong nito sa kanya.

"Hindi ko lang alam. Kapag siguro pumunta sina Margaux, Zoe, at Sophia. Baka pumunta ako. Bakit ikaw?" Saad niya at balik tanong niya dito.

"Ahm. Aattend ako kung aattend ka." Nahihiyang saad nito sa kanya.

Nagulat man siya ay natutuwa na din siya dahil siya pala ang hinihintay nito kung aattend ito o hindi.

"Sige aattend ako kahit di pumunta sila Margaux." Saad niya.

Biglang nagliwanag ang mukha nito at napatingin sa kanya. Bakas sa mukha nito ang kasiyahan. Di niya alam kung bakit natutuwa din siya na mahalata na masaya ito kapag pumunta siya sa naturang Prom.

"Isa pa. P-pwede bang ako ang Escort mo sa JS Prom?" Tanong muli nito sa kanya.

Nabigla siya sa tanong nito. May nararamdaman din ba ito para sa kanya? Parehas ba sila nang nararamdaman? Kung parehas man. Nagpapakiramdaman ba sila sa isa't-isa? Ito ba ang tinatawag na MU? Mutual Understanding. Madalas kasi niyang marinig yun sa iba nilang classmate o schoolmate.

"Ok lang naman kung hin---" naputol ang sasabihin nito dahil sinagot niya agad.

"Oo. Payag ako. Payag ako na ikaw ang aking Escort sa Prom." Nakangiting sagot niya dito.

Napakatamis ng ngiti nito nang marinig ang sagot mula sa kanya. Kaya naman habang papalapit sila sa classroom ay lalo siyang naexcite sa mangyayari sa Prom nila. Lalo pa at huling taon na nila sa Highschool.

I Don't Wanna Miss A Thing (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon