Chapter 17: Be A Professional

47 2 0
                                    

Makalipas ang isang linggo hudyat na para magsimula ang big project niya na kailangan niya tutukan upang walang maging problema. Kailangan kasing matapos ito agad upang mawala na sa landas niya ang lalaking dumurog ng puso niya. Kaya kahit mahirap at nakakailang ang mga tingin nito ay pilit niya pinatatag ang sarili.

Kasalukuyan niyang inaayos ang mga gamit niya na gagamitin sa set ng photoshoot dahil halos kararating lamang nila sa site. Napagpasyahan kasi ni Celine na sa Boracay muna ang site nila since ang gusto daw ng bride ay beach ang theme ng nuptial. Kaya heto siya nasa Boracay kasama ang mga staff niya sa Digital Studio. Nakasuot siya na pang summer outfit since mainit naman ang panahon at nalalapit na ang summer.

Habang nag aayos ay may nag abot sa kanya ng bottled water. Akmang tatanggapin na niya sana kaso napag alaman niyang si Tyrone ang nag abot. Kaya binawi niya ang kamay at ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Don't worry malinis na tubig yan." Anito.

Di niya ito pinansin bagkus ay tinawag niya si Macy para mapansin nito na ayaw niya itong makausap.

"Macy, ayos na ba ang set doon sa site? Nakahanda na ba ang mga gagamiting camera at lightings? Yung isusuot ng mga client ready na ba? Dapat maayos na yan." Sunod sunod niyang tanong at paalala niya dito.

"Yes Anndrei. Don't worry ginawa na kaagad ng staff natin yun and according to Ms. Revedizo may three hours break tayo since galing tayo sa mahabang biyahe." Wika nito.

"Ok." Tipid niyang sagot.

"Wala ka bang jetlag? Tulog ka muna mamaya pa naman tayo mag tatrabaho." Anito.

"No. Thanks. I need to check the site. Mauna na ako." Wika niya.

Naglakad siya palayo para di siya gambalain ni Tyrone. Ginawa niya yun para ipahalata talaga dito na ayaw niyang makausap ito. Sino ba ito para harapin niya? Di nito deserve na makausap siya matapos ang lahat ng ginawa nito sa kanya.

Nang sapitin niya ang site ay maayos naman pagkakaset up. Dagli ay nilamon siya ng kalungkutan. Kung hindi ba siya iniwan basta ni Tyrone noon siya ba ang pakakasalan nito? Siya ba ang lilitratuhan sa magandang set up na ito at hindi siya ang magiging photographer? Ano kaya ang pakiramdam nang malapit kang ikasal lalo pa at alam mong mahal ka ng taong mahal mo.

Masuwerte ang babaeng pakakasalan nito dahil hindi siya iniwan ng binata. Bagkus ay inalok pa ito ng kasal na ang tanging ibig sabihin lang naman nun ay gusto siyang makasama habang buhay. Maya maya lamang ay humangin kaya napansin niyang may nalaglag na design sa set up kaya ang ginawa niya ay may kinuha siyang bangko at tumuntong doon para maibalik sa pagkakapwesto ang nalaglag na decor. Ngunit sadya talagang pinagkaitan siya ng height dahil kahit nakatuntong na siya sa bangko ay di pa niya masyadong abot. Kaya tumingkayad siya at pilit inilagay ang decor sa taas ng design na ginawa ng staff niya.

Ngunit sa kasamaang palad ay napasala ang pag tingkayad niya kaya naman ang bangko na nakatayo sa buhanginan ay bumaliko hudyat para siya ay malaglag. Yun nga ang nangyari nalaglag siya. Ngunit hindi balakang niya ang masakit kundi ang paa niya. Mukhang na-sprain dahil sa pagtingkayad niya masyado. Maya maya lamang ay biglang may lumapit sa kanya.

"Are you ok?" May pag aalalang tanong ni Tyrone.

Bakit ba mukhang concern ito? Sa isip isip niya.

"Yeah. I'm ok." Akmang tatayo siya ngunit ramdam niya ang sakit sa paa.

"No. You're not ok." Sabi nito at inalalayan siya nito ngunit binawi niya ang kamay dito na naging dahilan para ma-out of balance na naman siya. Ngunit sadyang mabilis ang galaw ni Tyrone kaya nasalo siya nito bago pa siya malaglag ulit sa ikalawang pagkakataon.

"I said you're not ok." Mariing sabi nito.

"Sino ka ba para sabihin mong di ako ok?" Pagtataray niya dito.

Ngunit di siya nito pinansin sa halip ay binuhat siya nito.

"Ano ba? Ibaba mo nga ako! Kaya ko ang sarili ko." Singhal niya dito.

"Pwede ba tumahimik ka? Nakakarindi ka eh." Anito na tila naiinis na.

"So ngayon ikaw pa may ganang magalit? Alam mo kasi---" naputol ang sasabihin niya nang magsalita ulit ito.

"Pag di ka pa tumigil sa kakatalak mo hahalikan kita?" Mariing sabi nito.

Natameme naman siya dahil seryoso na talaga ito at salubong na salubong ang kilay.

"Ano? Sasalita ka pa?" Pagsusungit nito.

Napailing na lang siya dahil ayaw niyang mahalikan ng baboy na ito. Ayaw niyang mahalikan nito dahil kapag nangyari yun. Baka biglang mawala ang mga hinanakit niya dito. Ayaw niyang mangyari yun dahil sobra ang ginawa nito sa kanya noon.

Nang sapitin nila ang cottage ay iniupo muna siya nito sa bangko na yari sa kawayan at pumasok ito sa loob ng cottage nito. Maya maya lamang ay bumalik na ito dala ang palanggana na may warm water at bimpo at may dala itong oil na pang hilot.

"Wag kang malikot at mamasahihin ko paa mo." Seryosong sabi nito.

"Bakit kasi ikaw pa ang gagawa? Pwede mo naman akong dalhin sa clinic para nurse na ang mag asikaso sakin. Bak---" di niya naituloy ang sasabihin dahil biglang lumapit ang mukha nito sa kanyang mukha.

"Di ka talaga titigil?" Sabi nito.

"Ikaw ---" natigil ulit ang sasabihin niya nang mas lumapit pa mukha nito sa mukha niya.

Di siya nakapagsalita dahil sobrang lapit na ng mukha nito sa kanya na para bang kahit hangin mahihirapang dumaan sa pagitan nila. Konting kilos lang niya ay tiyak tatama ang labi niya sa mapupulang labi nito. Nasamyo niya ang hininga nito na napakabango at cologne nito. Tila naaakit siya dahil sa pabangong gamit nito.

"Gusto mo yatang magpahalik eh kaya ka talak ng talak eh." Nakangising saad nito sa kanya.

Bigla ay naitulak niya ito palayo dahil sa sinabi nito.

"Kapal ng face mo. FYI ni sa panaginip ayoko kitang mahalikan nu. Kadiri." Sabi niya dito.

"Really?" Anito.

Maya maya lamang ay kinuha na nito ang paa niya at inumpisahang masahihin. Marunong ito mag masahe di niya alam kung saan nito natuto iyon dahil nung mga panahong sila pa ay hindi nito iyon nagawa sa kanya. Palibhasa sarili lang nito ang inuna. Napansin din niya na laki na ng pinagbago nito, lalo itong pumuti, kuminis dahil siguro sa klima ng bansa na pinuntahan nito at tinirahan.

Kapansin pansin din ang magandang hubog ng katawan nito. Halatang nag gym ito. Bumagay dito ang pagiging slim fit nito. Tama lamang ang laki ng mga biceps nito sa braso. Pero bakit ba niya ito inoobserbahan? Di ba iniwan siya nito ng walang dahilan remember? Kaya Anndrei stop na. Tama na ang katangahan.

"Baka matunaw ako niyan." Saad nito sabay ngisi sa kanya.

Napansin pala nito ang pagtitig niya sa kabuuan nito.

"Alam kong gwapo ako pero please wag mo namang ipahalata na naaattract ka sa akin." Wika pa nito sa kanya.

"Alam mo di ko alam kung saan ka humuhugot ng kakapalan ng mukha." Inis niyang saad dito na ikinatawa nito na lalong nagpainis sa kanya. Nakakaasar ang tawa nito ah.

Dalangin niya na sana matapos na ito at dumating ang staffs niya para mailayo na siya sa baboy na ito. Dahil ayaw niyang makasama ito ng sila lang dalawa. Maya maya lamang ay dumating si Macy upang sabihing malapit ng magsimula ang kanilang trabaho.

I Don't Wanna Miss A Thing (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon