Chapter 26: The Truth

42 3 1
                                    

Kinabukasan ay abalang abala si Anndrei sa kanyang trabaho dahil gusto na niya itong matapos. Masakit kasi sa mata kapag nakikita niya picture ni Tyrone at Eun Hee na magkatitigan ang dalawa. Napabuntong hininga siya dahil ano ba ang ginagawa niya sa sarili? Para kasing lumalabas na nang aagaw siya ng fiancé ng iba. Mula sa pagkakasubsob ay may tumawag sa kanya. Si Macy.

"Anndrei. May bisita ka." Anito.

"Makapagsalita naman ito kala mong nasa kulungan ako ah." Aniya na siyang ikinatawa nito. Paglabas niya sa dark room ay nakita niya si Tyrone. Bihis na bihis ito. Di agad siya nito napansin dahil nakikipagkwentuhan ito sa mga staff niya na nakasalamuha nito noon. Kahit saang anggulo ang gwapo nito.

"O ayan na pala si Anndrei." Ani ni Obet.

"H-hi. Anndrei." Anito.

"Maaga pa ah. Wala pang seven. Six pa lang." Aniya dito.

"Ok lang. Mas maiging maaga." Anito sabay ngiti.

"Ok sige. Mag hintay ka diyan." Aniya sabay talikod at bumalik sa dark room. Hindi niya mapigil ang ngiti. Parang kinikilig siya.

"Aysus! Parang ngayon lang nagdadalaga ang lola mo!" Ani ni Macy.

"Oy! Di ako kinikilig." Aniya.

"Deny pa siya. Paalala ko lang, ikakasal na iyon." Anito na siyang ikinatahimik niya.

"Alam ko naman yun. Di ko nakakalimutan. Kliyente natin siya remember?" Aniya dito

Matapos ang trabaho at pagsapit ng seven ng gabi ay lumabas na siya. Nakita niya si Tyrone. Tulog ito. Nakatulog habang hinihintay siya.

"Anndrei. Nakatulog. Pagod ata." Ani ni Obet.

"Ay. Kawawa naman." Dagdag pa ni Macy.

"Sige ako na bahala." Aniya sa mga ito at nauna nang umalis ang mga kasamahan niya.

Nilapitan niya iti at tinitigan. Hanggang ngayon ay napakacute nitong matulog. Napaka amo ng mukha. Ang kinis, ang puti, singkit ang mata at napakakisig at bango nito. Habang tinititigan niya ito ay bigla itong naalimpungatan.

"Good morning." Biro niya dito.

"S-sorry nakatulog ako dito." Hinging paumanhin nito at pupungas pungas pa ito.

"Aalis na tayo." Anito sa kanya.

"Oo." Aniya dito at tumayo siya.

"Tara na." Anito.

"Teka mag ayos ka muna ng sarili mo habang pinapatay ko mga ilaw at isasara ang pinto nitong shop." Aniya dito at iyon naman ang ginawa nito.

Matapos itong makapag ayos at siya ay makapag sara ay sumakay na sila ng kotse at dinala na siya nito sa kung saang lugar. Napansin niyang pumunta sila sa school nila nung sila pa ay highschool.

"T-teka. School natin ito dati ah." Aniya dito.

"Yes." Nakangiting sabi nito.

"Anong gagawin natin dito?" Naguguluhan niyang wika dito.

"Basta. Malalaman mo." Anito sa kanya.

Maya maya lamang ay pumasok na sila sa school. Saglit nitong kinausap ang guard at dumeretso na sila sa loob.

"Buti na lang pumayag si kuya guard at ang maintenance dito." Nakangiting sabi nito.

"Ano ba kasing meron dito at dito mo ako dinala?" Tanong niya dito.

"Madami. Maraming meron dito." Anito sa kanya.

Maya maya lamang ay napansin niyang ang daang tinatahak nila ay patungo sa Music Room. Bigla ay naalala niya ang mga panahong bata pa sila ni Tyrone. Saksi ang lugar na ito kung paano sila nagkakilala nito. Mula sa pagiging magkaaway, magkaibigan, hanggang sa naging MU sila sa isa't isa, hanggang sa naging malamig ang pakikitungo nito sa kanya, at hanggang sa naging sila. Saksi ito kung paano nabuo dati ang love story nila ng lalaking minsan niyang minahal.

I Don't Wanna Miss A Thing (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon