Chapter 23: False Alarm

39 2 0
                                    

Nang sapitin nila ang kanilang tutuluyan ay agad na niyang inasikaso ang pagsasaayos ng gamit niya. Matapos iyon ay humiga muna siya sa kama at tinitigan ang kisame. Naalala niya ang naganap kanina sa restaurant kung saan pansin niyang inaasikaso siya nito gaya ng dati.

Naalala pa niya na kung gaano ito kaasikaso sa kanya nang di pa ito nasisilaw sa kasikatan. Naalala din niya kung gaano nito pinahalagahan nung siya pa ang mahalaga dito. Ngayong medyo kalmado siya ay baka malaman din niya one of these days ang reason nito kung bakit siya basta iniwan para lang sa pangarap nito. Nasa ganoon siyang posisyon nang tawagin siya ni Tyrone habang kumakatok ito sa pinto ng kwarto niya.

Paglabas niya ay nakita niya si Tyrone halata sa mukha nito ang pag aalala.

"Bakit? May problema ba?" Aniya dito.

"Di daw ngayon makakapunta ang mga staff mo at ang team nila Celine dahil daw may emergency kina Celine." Anito.

"H-huh? Eh paano yan? Ibig sabihin tayo lang dalawa dito? Si Eun Hee?" Suno sunod niyang tanong.

"Nagdecide siya na di muna pumunta dahil wala pa naman daw sina Celine." Wika nito.

"Eh di tayo at bumalik na tayo sa Manila." Aniya.

"Naisip ko na yan kaso tingnan mo ang dagat. Malakas ang alon mukhang walang bibiyahe niya sa palagay ko." Pahayag nito.

Napaupo siya sa kama niya dahil ang ibig sabihin sa mga nangyayari ay matatrap sila ni Tyrone sa lugar nang sila lang. Silang dalawa lang. Tapos wala pa siyang cellphone. Kaya hinilot niya ang sentido niya dahil parang sumakit ito. Kaya nagdesisyon siya na matutulog muna kung kayat si Tyrone ay bumalik na sa kwarto nito.

Nang magising siya ay gabi na. Ang haba ng tulog niya. Dahil siguro sa pagod ng mga nakaraan at aa biyahe na rin kaya ang haba ng naging tulog niya. Lumabas siya ng kwarto niya upang magpahangin sa labas. Actually hindi hotel ang inuupahan nila, isa itong ancestral house na pinauupahan ng may ari sa mga turista na pumupunta dito sa Puerto Galera. Mula sa kinatatayuan niya ay tanaw niya ang dagat, mukhang may paparating na malakas na ulan kayat ang dagat ay nag aalburoto, malakas ang alon.

Nasa ganoong siyang pagkakatayo nang may lumapit sa kanya at nagsalita.

"Gising ka na pala. Ang haba ng naging tulog mo. Nagluto ako ng hapunan natin, nandun sa kusina. Tara, kain na tayo." Anyaya nito.

"Sige." Pagpayag niya. Nang sapitin nila ang kusina ng inuupahan nila ay nakita niya ang mga niluto nito. May pinirito itong mga tuyong isda, at may niluto itong putahae na may sabaw, nilagang baboy iyon.

"Aba at marunong ka na palang mag luto." Kantiyaw niya dito. Ewan ba niya kung bakit parang nagbago bigla ang ihip ng hangin at naging maganda ang pakikitungo niya dito.

"Ah. Natuto lang ako. Nung nasa Korea kasi ako bumukod ako sa mga magulang ko. Gusto ko kasing matutunan kung paano maging independent. Nakakahiya naman kasi na kalalaki kong tao di ako marunong mamuhay ng mag isa." Mahabang litanya nito.

"Ah. Good for you. Bakit pinoy style ang niluto mo? Di ba sa Korea ka namuhay, eh di dapat pang Korean ang niluto mo ngayon." Sabi niya dito.

"Ah. Actually nito ko lang naman natutunan kung pano magluto ng pinoy food." Anito sa kanya.

Masarap ang naging hapunan nila. Habang kumakain ay nagkukwentuhan sila. Hindi parin nito nabanggit ang sagot sa mga tanong niya. Nahihiya naman siyang itanong iyon dito at baka sabihing naghahabol pa siya. Kahit papaano naman ay may pride pa naman siya sa katawan niya.

Nang matapos ang hapunan ay nagdesisyon siyang tumambay muna sa terrace ng inupahan nila. Sakto kasi may duyan doon. Habang nasa duyan siya ay ramdam na ramdam niya ang malamig na hangin na nanggagaling sa karagatan. Nasa ganoong siyang posisyon nang lumapit si Tyrone sa kanya.

"Gabi na ah. Malamig na dito." Anito.

"Wala eh. Masarap damhin ang hangin dito. Nakakarelax." Aniya.

"Alam mo dapat lagi kang nakangiti. Kasi kapag nakangiti ka mahahawa mo ang iba na ngumiti din. Nakakagood vibes kasi yang smile mo." Anito.

"Sus. Bola." Aniya sabay tawa.

"Ayan. Ganyan nga." Nangingiti nitong sabi.

Biglang namayani ang katahimikan sa pagitan nila ngunit siguro ay di ito nakatiis kayat binasag nito ang katahimikan.

"Anndrei. I'm sorry. I'm sorry sa lahat ng nagawa ko sayo from the past." Anito sa seryosong mukha.

Napalingon siya dito. Alam niya ang gusto nitong mangyari. Ang pag usapan ang tungkol sa nakaraan nila. Well ayos na sa kanya iyon, kalmado na ang kanyang sarili. Handa na siyang makinig sa mga sasabihin nito.

"Bakit?" Tanon niya na tila naguluhan ito.

"Bakit mo ako iniwan?" Pag hahabol niya sa tanong.

Napayuko ito at bumuntong hininga muna dahil siguro ang bigat ng dinadala nito.

"Anndrei wala akong ibang masasabi kundi tanga ako. Naging makasarili ako. Aaminin kong hindi valid ang reason ko kung bakit kita iniwan. Nung before ng anniversary natin, tatawagan sana kita kaso sinabihan ako ni Mr. Kang yung manager namin ngayon na agad agarang dadalhin kami sa Korea dahil need na naming magtrain ng matindihan dahil may binigay ng petsa sa kanya kung kailan kami magdedebut." Anito saka huminga ulit pero nanatili siyang tahimik para pakinggan ito.

"Nalungkot ako dahil di ako makakarating sa anniversary natin. Tatawagan sana kita na di ako makakapunta. Oo, nabasa ko texts mo kaso kinuha ni Mr. Kang ang cellphone ko. Nang gabing iyon pinalipad na kami papuntang Korea. Habang nasa eroplano kami nalaman kong illegal pala ang agency. Hindi totoong gagawin kaming boyband group. Dadalhin kami doon para ibenta sa mga Hapon na siguro miyembro ng sindikato at dadalhin kami sa Japan. Nalaman kaagad iyon nina Mama at Papa kaya sila ay pumunta ng Korea kinabukasan." Nakita niya na nangilid ang luha nito.

"Tanga ko. Bobo ko. Dahil sa sariling ambisyo ko napahamak ako pati ang magulang ko. Ginawa nina Mama at Papa ay ibinenta ang mga ari arian namin matubos lang ako sa sindikato. Di pa nga iyon buo yung bayad ngunit nakiusap ang mga magulang ko na kung pwede ay hulug hulugan. Pumayag naman. Bigla ay naghirap kami. Buti na lang at may mga kamag anak si Papa doon. Namuhay kami ng simple." Pagkasabi nun ay tumingin ito sa kanya.

"Walang araw at gabi na di kita naiisip." Anito.

"B-bakit di mo ako tinawagan?" Garalgal niyang sabi dito.

"Alam mo kahit maraming way para macontact ka, di ko na ginawa. Wala eh, nahihiya ako sayo. Sa sobrang taas kong mangarap di ko alam na nakatapak parin ako sa lupa. Matayog ako nun, kaya nung bumagsak masakit. Saka ko narealize ng mga panahong iyon kung gaano kita nasaktan dahil alam ko sa sarili ko nung tayo pa hindi ko naiintindi ang mga gusto mo. Yung puro akin lang ang nasusunod pero wala kang reklamo. Kaya lalo tuloy akong nanliit. Nagsikap ako sa bansang iyon. Nakapagtapos. Hanggang sa may makilala akong babae si Eun Hee." Anito na siyang dahilan para manibugho siya sa babaeng mapapangasawa nito.

"Tinulungan ako ni Eun Hee. Mayaman sila. Yung Papa niya ay may ari ng isang talent agency. Sinubukan kong mag audition. Nakapasa naman ako hanggang sa naging trainee nila ako. Bawat araw sinusuportahan ako ni Eun Hee, lagi itong nandoon para sakin. Pero alam mo, ginagawa ko at tinutupad ko ang pangarap ko para sayo." Anito.

"P-para sa akin?" Tanong niya.

"Oo. Lahat ng meron ako ngayon ay ginawa ko para sa iyo." Ani pa nito.

"Bakit?" Wala sa isip na naitanong niya.

"Dahil mahal parin kita." Anito sabay halik sa kanya.

I Don't Wanna Miss A Thing (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon