Chapter 28: Lucky Guy

43 3 1
                                    

Matapos ang ilang araw ay napagdesisyunan ni Anndrei na kausapin si Lucio. Sinabi niya dito na ang tanging maibibigay niya lang dito ay pakikipagkaibigan lang. Tinanggap naman nito ang naging desisyon niya. Halata naman daw kasi na mahal pa daw niya si Tyrone kaya hindi rin daw masyadong umasa ito.

Ngayong wala na siyang suliranin sa dalawa ay pinagplanuhan niya ang pagsagot ng oo kay Tyrone. Gusto niyang tumbasan ang ginagawa nitong effort makuha lang siya nito. Kaya naman mag eeffort din siya para sa pagsagot niya dito. O di ba? Ang swerte naman ng lalaking ito. San ka nakakita na nagpeprepare din ng pag sagot ng oo ang babae kundi siya lang ang gumawa nun.

Pagkagaling sa lugar kung saan siya nakipag usap kay Lucio ay dumeretso siya sa supermarket. Siyempre mag luluto siya ng favorite food ni Tyrone. Ang Pork Adobo ngunit maanghang. Mahilig kasi ito sa maanghang. Naluto naman niya kaagad ang pagkain dahil madali lang naman. Pagkatapos ay gumawa siya ng mga design na ilalagay niya sa garden para naman romantic mamaya ang mangyayari mamaya.

Abalang abala siya sa mga pinag gagagawa niya. Kahit napapagod ay sige lang. Nang matapos siyang magkagawa ng design ay agad niyang inayos ang set up sa garden. Nagpatulong siya kay Macy dahil pinapunta niya ito sa bahay. Kilig na kilig ito nang malamang sasagutin na niya ang binata. Nang matapos ang pag dedecor ng lugar ay nagpahinga siya habang si Macy ay nauna ng umuwi. Habang nag papahinga ay nag search siya ng mga ballad songs ni Tyrone sa youtube. Hanggang sa inaral niyang kantahin iyon. Di naman siya sintunado pero hindi rin naman siya kagalingan kumanta. Tama lang ba.

Sa una ay nahirapan siyang bigkasin ang mga salita. Pero kalaunan ay nakaya niya. Nakakasabay na siya sa tono ng kanta. Habang kinakabisa ang kanta ay naalala niya ang tawag dati dito ni Sophia. Mr. Oppa. Naiiling siya dahil sa lahat ng mga babae na naghahangad na magkaroon ng Oppa. Eto siya at nahanap na niya ang kanya. Wala na siyang maihihiling pa kundi ang gabay ng Panginoon mula sa langit. Nagpapasalamat siya sa Diyos dahil sa mga pag subok na ibinigay nito sa kanya. Dahil doon ay naging matatag siya at nakilala niya kung sino talaga siya. Nagpapasalamat din siya dahil may pamilya siyang masasandalan at higit sa lahat nagpapasalamat siya dahil ibinigay sa kanya si Tyrone. Ang lalaking pinakamamahal niya.

Nang lubusan na siyang makapagpahinga ay naligo na siya. Pagkatapos maligo ay nag ayos siya ng sarili. Ewan ba niya pero talagang napaka espesyal ng araw na iyon sa kanya. Pagkatapos mag ayos ay sinipat niya ang kanyang sarili sa salamin.

"Perfect." Aniya sa sarili.

Bago siya bumaba ay tinawagan niya si Tyrone upang papuntahin ito sa bahay nila. Nagtanong pa ito kung nandun si Lucio baka daw kasi sagabal sa kanilang dalawa ang huli. Nang matawagan niya ito at makausap ay inutos na niya kay Manang Emy na ilagay na ang mga pagkain sa garden. Pagpunta niya sa sala ay nakita niya ang kanyang Mommy, Daddy at Kuya na nanonood ng TV. Napansin siya ng kuya niya.

"Anndrei halika dito, nood tayo ng TV." Anyaya ng kuya niya kaya lumapit siya sa mga ito. Nakakatuwang tingnan dahil magkakatabi silang mag anak na nanonood ng TV. Ganito ang pinangarap niyang pamilya at ganito rin sana ang magiging pamilya niya.

Di naglaon ay may nagdoor bell kaya siya na mismo ang nagbukas ng pinto dito.

"Hi. Anndrei." Anito sabay yakap sa kanya at iniabot ang bulaklak.

"Bakit mo nga pala ako pinapunta dito?" Anito habang papasok sila sa loob ng bahay.

"Basta." Aniya. Nang nasa loob na sila ay bumati si Tyrone sa magulang niya at kapatid niya. Napansin niyang tumango ang kuya niya kay Tyrone at tumango din ang huli.

"Ano yun?" Takang tanong niya sa binata.

"Ah. Wala yun." Anito.

"Crush mo kuya ko nu?" Pabirong sabi niya dito.

"Sira ka talaga." Tatawa tawang anito sa kanya.

Nang sapitin nila ang garden ay nagulat ito. Halata sa mga mukha nito ang saya.

"Ginawa mo ito?" Tanong nito sa kanya.

"Oo." Sagot naman niya at niyaya niya ito sa lamesa kung saan nakahain ang mga paboritong pagkain nito.

"At talagang paborito ko ang nakahain ah. Hindi pa kita girlfriend niyan." Pabirong sabi nito sa kanya at nagsimula na silang kumain. Panay ang puri nito sa mga niluto niya. Nagbiro la ito na sabi ay pwede na daw na siyang ikinatawa niya.

Maya maya ay kinantahan niya ito ng sarili nitong kanta na Korean na inaral niya kanina. Tawa ito ng tawa dahil may mga ilang words siya na mali ang pronunciation. Pero wala lang sa kanya iyon. Ang mahalaga ay napasaya niya ito.

Habang nagsasayaw sila at tumutugtog ang isang malumanay na kanta ay may sinabi siya dito.

"Tyrone. Your bring me so much of happiness. Mula pagkabata ikaw na nakasama ko. Nawala ka sa tabi ko nang dahil sa isang pagkakamali. Kaya masayang masaya ako na muli ay nakasama kita." Aniya dito.

"Ako rin naman Anndrei. Labis ang pagsisi ko nun nung mawala ka sa buhay ko. Ang dami kong natamasa pero laging may kulang. Napagtanto ko na ikaw pala ang kulang sa buhay ko. Ikaw ang hinahanap hanap ko. Dahil magpahanggang ngayon, mahal parin kita. Anndrei. I love you so much and there's no power on Earth could take you out of my system." Anito.

"Salamat Tyrone." At hinalikan niya ito na siyang ikinabigla nito.

"Oo Tyrone. Sinasagot na kita. Payag na ako maging girlfriend mo." Aniya dito ngunit parang seryoso ito na ipinagtaka niya.

"Ayokong maging boyfriend mo." Anito.

"H-huh?" Naguguluhan niyang wika dito.

"Kasi kapag boyfriend mo lang ako at girlfriend kita, may expiration yun." Anito.

"Ano bang pinagsasasabi mo?" Aniya dito.

"Ayaw mo na ba sa akin?" Dagdag pa niya na parang kinakabahan na siya dahil baka nawala na ang feelings nito sa kanya.

"Ayokong maging boyfriend mo lang." Anito sabay may kinuha sa bulsa at lumuhod ito sa kanya na ikinakaba ng dibdib niya.

"Anndrei Kimberly Cabezas. I want you to be part of my life. I want you to be the mother of my child. I want to grow old with you until my last breath. So I asked you. Will you marry me?" Anito na labis niyang ikinatuwa. Akala niya kung ano na ang nangyari base sa mga sinabi nito nung una. Hanggang sa napansin niyang nadun na din pala sa garden ang mga magulang niya, kapatid niya at mga kasambahay nila.

"Yes. Yes Tyrone. I will marry you." Naluluhang sabi niya at saka isinuot nito sa daliri niya ang singsing saka tumayo ito at siniil siya ng halik. Walang pasidlan ang kanyang tuwa ng mga oras na iyon. Ito na yata ang pinakamagandang chapter sa buhay niya. Hindi. Meron pa pala yun ay ang ikasal siya sa lalaking mahal niya at makakasama niya habang buhay.

I Don't Wanna Miss A Thing (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon