Chapter 2: High School Days

117 8 0
                                    

"Ok isa pa. Isa pa." Muling nilitratuhan niya ang mga kaibigang kuntodo ang pose na animo ay mga modelo.

"Ako, picturan mo ako." Aniya ng kaibigang si Sophia. Pumuwesto ito sa puno ng mangga at nagpose tila isang diyosa.

"Ok na." Pinakita niya sa mga kaibigan ang litrato nitong mga ito.

"Ang ganda ko naman dito." Aniya ni Sophia.

"At sino naman may sabing maganda ka? Sa pagkakaalam ko si Zoe ang pinakamaganda satin dahil siya ang panlaban ng ating section sa nalalapit na foundation." Mahabang litanya naman ng kaibigang si Margaux.

"Ay? KJ? Alam kong maganda si Zoe nu. Pero pinakamaganda ako. At!!! Wag ka nang kumontra pa dahil ang kumontra ay!!! Panget!!!" Sabay tawa ni Sophia.

"Whatever." Nabigkas na lamang ni Margaux.

"Nga pala Anndrei napag isipan mo na ba ang suggest namin sayo?" Tanong sa kanya ng kaibigang si Zoe.

"Sa tingin niyo ba talaga kaya ko?" Tanong niya sa mga kaibigan.

"Oo naman. Ikaw pa. Napakatalented mo kaya. Para siguradong manalo ka ako gawin mong subject sa Photography Contest." Biro ni Sophia.

"Wag ka na Anndrei sumali kapag yang kutong lupang yan ginawa mong subject." Pambabara naman ni Margaux kay Sophia.

"Eh ano ang gagawing kong subject? Tanong niya muli.

"Kung ako sayo sumali ka muna sa contest. Mag fill up ka muna ng form na proof na ikaw ay sasali. Saka mo pag isipan ang gagawin mong subject." Payo naman ni Zoe.

"Salamat sa suporta." Nakangiting sabi niya sa mga kaibigan.

Matapos ang kanilang kwentuhan dahil tapos na ang kanilang vacant period ay dumiretso na sila sa classroom nila hudyat na magsisimula na ang klase nila sa susunod nilang subject. Nakaupo na siya sa upuan nang pumasok ang kanilang adviser at guro nila sa Science. Napansin niyang di ito nag iisa.

"Ok class may bago tayong estudiyante from South Korea. But don't worry he is a Filipino. Hijo pakilala ka na." Mahabang pagpapakilala ni Ms. Octavio sa bagong estudiyante.

"I'm Tyrone Cha, sixteen years old from Seoul, South Korea. Thank you." Maikling pagpapakilala nito.

"Girl, ang gwapo naman." Banggit ni Sophia sa kanya.

"Ahm, wala ka na iba pang sasabihin Mr. Cha?" Tanong na kanilang guro dito.

"Nothing ma'am". Tipid na sagot nito.

"Ok pwede ka nang maupo doon sa row two pangatlo sa dulo." Utos ng kanilang adviser.

Sinundan niya ito ng tingin. Mukhang suplado base sa kanyang obserbasyon. Gwapo sana kaso mukhang di niya ito makakasundo.

"Girl naman, matunaw yan. Pag nawala yan kasalanan mo." Pabirong sabi sa kanya ni Sophia.

"Ewan ko sayo." Natatawang sabi niya.

Matapos ang kanilang last period ay dumiretso siya sa kuhaan ng form kung saan itutuloy na niya ang pagsali sa isang Photography Contest. Halos takbuhin niya ito dahil alam niyang mag sasara ito ng maaga. Nakahinga siya ng maluwag nang marating niya ang office ng isa sa mga guro na in charge sa nasabing contest.

Matapos ibalik ang form. Muli niyang kinuhanan ng litrato ang kalangitan. Natutuwa kasi siya kapag asul na asul ang kalawakan. Muli sana niyang kukuhanan ito habang nag lalakad nang may nabangga siya.

"Sorry sorry." Hingi agad niya ng paumanhin.

Napansin niya na natapunan ito ng pagkain na binili nito. Kitang kita niya ang pagkadumi ng uniform nito.

"Don't say sorry. Nangyari na. Hindi malilinis ng sorry mo yung mantsa." Masungit nitong sabi sa kanya.

Nakilala niya kung sino ito nang tingnan niya ang mukha nito. Ito pala si Tyrone Cha ang new classmate nila.

"But I have to say sorry kasi kasalanan ko." Paliwanag niya dito.

Nagkibit balikat lang ito at bumalik ito sa pianggalingan nito. Siguro ay pupunta ito ng CR.

"Napakasungit naman." Kumento niya dito.

Kinabukasan ay pumasok siya nang maaga para makapag isip siya nang magandang subject. Nagtingin tingin siya sa kapaligiran kung may makikita siyang gawing subject. Hanggang sa may nakita siyang isang lalaki. Nakilala niya ito si Tyrone. Lalapitan na niya sana ito kaso naalala niya pag susungit nito.

"Yabang." Naiinis na sambit niya.

Kaso habang tumatagal ang tingin niya dito ay lalong napapako ang atensyon niya dito. Kaya di niya namalayan ang sarili na kuhanan ito ng litrato. Nakailang shots siya dito. Kahit saang anggulo tingnan ito, gwapo ito.

"Oy ikaw!" Sigaw nito sa kanya

Nagulat siya sa sigaw nito. Kaya di niya namalayan na nakalapit agad ito sa kanya.

"Bakit mo ako kinunan ng litrato? Anong balak mo? Pag susungit nito.

"Bawal ba? Umagang umaga init ng ulo mo. Bahala ka magkakaroon ka kaagad ng high blood." Pananakot niya dito.

" At sa tingin mo natatakot ako? Burahin mo yan." Utos nito sa kanya.

"Ayoko nga. Sino ka para utusan ako. Hoy saka isa pa. Bago ka lang dito kaya wag mo akong utos utusan." Sabi niya dito.

"Wala kang pahintulot sakin na kunan mo ako ng picture." Ayaw paring patalo nitong sagot.

"Wala ka na dun. Kukunan ko yung gusto kong kunan ng picture. Nakataas na kilay na sagot niya dito.

Ngumisi ito na noon niya nakita. Bagay pala dito yung nakangiti. Kaso sa nangyayari nakakagago ang ngiti nito.

"So may gusto ka sakin?" Nakangising sagot nito.

Nagulat siya sa sinabi nito. Di niya akalaing may itinatagong kahanginan pala ang bago nilang kaklase.

"Ang yabang mo naman. Oy FYI wala akong gusto sayo. Di ko bet yung mga singkit na tulad mo. Diyan ka na nga." Inis na sagot niya dito

"Hoy! Burahin mo yan! Pasigaw na habol nito.

Hindi na niya pinansin ito at dali daling pumunta sa CR para di mahabol nito. Ewan ba niya pero kahit nakakainis pala ugali ni Tyrone ay di niya maiwasan na purihin ito dahil sa gwapong mukha nito. Muli niyang tiningnan ang litrato nito.

"Gwapo nga sungit naman." Nasabi na lang niya.

I Don't Wanna Miss A Thing (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon