Chapter 18: Can't Resist

53 3 1
                                    

Dahil sa nangyari sa paa niya ay nagdesisyon si Celine na mga staff na lamang niya ang kikilos para sa photoshoot. Mahirap na daw kasi at baka mamaga pa daw ang paa niya.

Mula sa pagkakaupo sa cottage ay tanaw niya ang mga kasamahan niya na nagsisimula na ng trabaho. Kita din niya mula sa kinauupuang pwesto si Tyrone na noon ay suot ang polong puti at puting pajama na siyang ginamit para sa photoshoot. Bumagay dito ang suot nito. Napaka clean nitong tingnan, ang mga singkit nitong mata ay lalong bumagay sa kanya.

Wala siyang nagawa kundi ang mag cellphone. Naisip niya na manood ng youtube. Hanggang sa wala sa loob na nasearch niya ang mga kanta na kinanta ng grupo nito. Kaya habang nandoon siya at wala pa ang mga ito malapit sa kanya ay pinanood niya ang isang music video ng grupo nito kung saan miyembro ito.

Manghang mangha siya dahil ang posisyon nito sa group ay Main Vocal at Lead Dancer ng grupo. Di niya akalain na nasayaw din pala ito. Ang alam lang niya kasi ay kumakanta lang ito pero di naman ganun kataas ang tono. Hanggang sa nawili siyang manood ng mga music videos nito. Di niya namalayan na may tao na pala sa likod niya.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong ni Tyrone sa kanya.

Sa gulat ay muntik na niyang mabitawan ang kanyang cellphone.

"Actually that video is my last appear in our group. Yan yung latest album namin." Nakangiting saad nito.

"Di ako interesado." Aniya dito.

"Pero pinapanood mo. So nacurious ka." Anito.

"Nacurious, oo. Pero interesado no." Sagot naman niya dito.

Napailing na lamang ito sa kanya at muli ay tiningnan siya nito na tila ba inaarok nito ang kanyang nasa isipan. Sa sobrang lagkit ng tingin nito ay binasag niya ang katahimikan sa pagitan nila.

"Bumalil ka na dun. Kailangan ka na dun." Pagtataboy niya dito.

"We need to talk later." Wika nito saka bumalik sa site.

Napabuntong hininga siya. Ano pa ba pag uusapan nila? Tapos naman na. Wala na yun. Bakit pa kailangan nitong ungkatin ang nakaraan nila? Ano bang mapapala nito? May mababago ba? Ikakasal na ito di ba? Bakit pa kailangang pag usapan yun?

Kinagabihan ay napagkasunduan ng lahat na gumawa ng bonfire habang kumakain at nagkukwentuhan. Lahat ay masaya dahil agad namang nagkagaanan ng loob. Maliban nga lang sa kanilang dalawa.

"Matanong ko lang Mr. Cha, nasan po yung mapapangasawa mo?" Tanong ni Obet isa sa mga staff niya.

"Well, she's still in Korea. May mga ilan lang siya na tinatapos doon. Kaya di pa makapunta agad dito." Sabi nito.

"Eh Sir Tyrone si Ms. Oh po ba ang first girlfriend niyo?" Tanong naman ni Macy dito.

Napansin niyang napatingin ito sa kanya. Mukhang sasabihin nito sa mga kasamahan niya na siya ang ex girlfriend nito. Pag nagkataon magtatanong ang mga ito sa kanya.

"Hindi. May nauna akong girlfriend" Sabi nito habang nakatitig sa kanya.

"Ano po nangyari at nagkahiwalay kayo?" Tanong naman ng isang staff ni Celine na si Tricia.

"Because I'm an idiot----- a self centered person." Malungkot nitong sabi.

Natahimik ang lahat sa sinabi nito. Maski siya ay di niya mawari kung bakit nito sinasabi ang mga katagang iyon.

"Ano pong pangalan ng ex---" naputol ang itatanong na sana ni Macy dito dahil sumabat siya.

"Tara kain na tayo. Baka lumamig ang pagkain." Sabi niya.

"Yes you're right." Pag sang ayon naman ni Celine.

Nang matapos ang kanilang katuwaan ay nagdesisyon na silang bumalik sa kani kanilang mga cottage. Habang naglalakad siya at akay ni Macy ay di niya namalayan na kasunod niya si Tyrone.

"Sir Tyrone may need po kayo?" Tanong dito ni Macy.

"Nothing. Gusto ko lang malaman if ok na si Anndrei." Anito sabay tingin sa kanya.

"Tara na Macy." Anyaya niya sa staff niya at di ito pinansin.

"Anndrei. Please. Kausapin mo naman ako." Pagsusumamo nito.

"Ano bang pinagsasasabi mo?" Inis niyang tanong dito.

"Excuse me. Pasok muna ako sa loob." Paalam ni Macy.

"Ano ba ang kailangan nating pag usapan?" Singhal niya dito ngunit di naman mataas ang boses.

"Tayo. Tungkol sa atin. Gusto ko humingi ng tawad. I'm sorry." Anito sa kanya.

"Sorry? Alam mo ba ang meaning ng salitang iyon? Ha? Alam mo ba?" Nanginginig niyang sabi dito.

"Hindi. Dahil kung alam mo yun sana noon mo pa sinabi sakin kung bakit mo ako iniwan." At may naramdaman siyang patak ng luha mula sa mga mata niya.

"Alam mo, araw araw kong tinatanong ang sarili ko kung bakit mo ako basta iniwan ng walang paalam. Kahit sulat, text message, chat o tawag. Wala. Wala akong nakuha mula sa iyo. Tinatanong ko ang sarili ko. Bakit? May mali ba sakin? May mali ba akong nagawa? Bakit?" Di niya mapigilan ang pagtulo ng luha niya na siya namang pinahid ng kamay niya.

"I'm sorry. I'm really really sorry." Sabi lamang nito.

"Tapos ngayon hihingi ka ng sorry sakin? For what? Para hindi ka maguilty once na ikasal ka? Tyrone ikakasal ka na." Aniya dito.

"Anndrei. Alam kong kulang ang salitang sorry sa lahat ng nagawa ko sa iyo. Walang salita ang makapagbibigay ng malinaw na dahilan kung bakit ko nagawa yun. Siguro sa kagustuhan kong may mapatunayan. Sa kagustuhan kong matupad ang pangarap ko." Anito.

"Pangarap mo na binuo mo kasama ako ngunit natupad nang wala ako dahil binura mo ako. Binura mo ako diyan, diyan! Pero dito dito! Dito sa puso at isip ko nandito ka." Di na niya mapigilan ang mapahagulgol.

"Tyrone minahal kita, inalala kita, inintindi kita pero iniwan mo ako. Naging makasarili ka." Sabi niya dito.

"Di mo alam kung gaano kasakit yun. Na habang ikaw ay masaya dahil sa mga natatamasa mo ako malungkot at nagdudusa dahil iniwan mo ako. Tinapon mo ako." Dagdag pa niya dito.

Akmang hahawakan nito ang kamay niya nang iiwas niya yun.

"Mr. Tyrone Cha, lumalalim na po ang gabi. May trabaho pa po tayo bukas." Saad niya sabay talikod dito at pumasok sa loob.

Pagkasara niya ng pinto ay di niya napigilang umiyak at humagulhol. Bakit ganon? Ang sakit pa din?. Noon niya napagtanto nandoon si Macy dahil lumapit ito sa kanya at niyakap siya para aluin.

"Sige iiyak mo lang." Anito.

Inakay siya nito sa higaan niya upang makapagpahinga na. Sinabi nito na wag na muna niyang pakaisipin ang naging engkwentro nila ni Tyrone kanina. Ngunit para sa kanya ay di niya maiiwasan yun lalo pa at bumalik sa kanya ang mga alaala kung gaano siya sinaktan nito.

I Don't Wanna Miss A Thing (Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon