"Checkmate!""Ugh! Ayaw ko na, Yuan! Magaling ka dito lugi ako!" reklamo ni Nathalie at napakamot pa ng ulo niya.
Ngumisi ako sakaniya, "Maglaro ka lang ng maglaro ng chess, huhusay ka din."
Lunch break namin at inaya ko siya dito sa training room ng mga board game players mg school. She's my bestfriend and classmate. Hindi niya gusto ang chess dahil mahirap daw, mas gusto niya ang dama dahil madali. Pero wala siyang nagawa ng ayain ko siyang maglaro.
"Tsk. Whatever!"
I chuckled.
"Tara na! Gutom na ako! For sure nasa cafeteria na sila Alexa."
"Saglit liligpitin ko muna 'to."
Tinulungan niya akong ligpitin ang chessboard na ginamit namin. Pero nauna na siyang lumabas at ako na ang nagbalik sa shelf.
Sakto naman pagkatapos ko ilagay sa shelf ay may nakita akong demonyong nakangisi. Panira ng araw. Puta talaga.
"Nginingisi-ngisi mo dyan? Demonyo ka ba?"
"Ang init naman ng ulo mo, Yuan. Masama bang maging masaya?"
Kumuha siya ng chessboard at ngayon ko lang napansin na kasama niya si Geffrey, yung isa sa kasamahan naming player. Mukhang maglalaro silang dalawa.
"Para sayo, masama maging masaya." inirapan ko na siya pagkatapos kong sabihin 'yon at lumabas na ng silid. Pero narinig ko pa yung halakhak niyang pang-demonyo.
"O? Nagkita na naman kayo ni Nwebe? Kaya busangot ka?" puna ni Nathalie pagkalabas ko.
"As always."
Grade six pa lang kami lagi na kaming nagiging magkalaban ni Nine sa chess competition school level. May mga times na pinagpipilian kaming dalawa kung sino ang magiging representative ng school. Magaling siya pero nakakairita kasi napakayabang niya.
Ngayong grade 12 na kami hindi na ako papayag na matalo niya. Duh! Nag-transfer siya sa ibang school nung grade 9 para lang maging magkalaban kami sa mismong tournament but he lost! Tapos ngayong grade 12 bumalik siya sa school namin? Balimbing!
"Inorderan na namin kayo. Mahaba pila, eh." 'yon ang bungad ni Alexa sa amin.
Kasama niya si Hana na kaibigan din namin pero hindi namin kaklase. ABM kasi ang strand niya at kaming tatlo naman ay STEM. Pero halos sabay lang din ang lunch time namin.
"Kamusta naman buhay mo sa strand mo?" tanong ni Nathalie.
"Nakaka-stress mag-balance, teh!" napairap pa siya. "Nakakaubos ng brain cells like fuck!"
"Calculus din nakakabaliw hayop."
Napatingin ako kay Alexa, calculus is not that hard! I swear! Nag-eenjoy akong pag-arala ang derivatives at integrals!
"Ang dali lang ng calculus."
Napatingin silang lahat sa akin.
"Sana all matalino sa math."
Napatawa nalang kami at nagpatuloy sa pagkain. May dalawang subject pa kami ngayong hapon at after 'non uwian na. Pero syempre hindi ako kaagad uuwi, I need to go to our training room dahil may practice ako. May tournament kasi next month at kasama ako sa representative.
"Bye, girls! Kita nalang ulit tayo bukas!"
"Bye, Hana!"
"Ingat ka, girl!"
Naglakad na rin kaming tatlo pabalik sa classroom namin. May fifteen minutes pa kami bago mag-time.
Pagkapasok ng room agad kong nakita si Nine na naglalaro sa phone niya. For this subject, seatmate kami at nakakairita. Bakit ba kasi hindi nalang by surname yung seating arrangement? Gano'n naman sa karamihan na subjects namin pero dito sa english iba!
YOU ARE READING
Checkmate, Alas
Teen FictionYuan Gabriella Fortunalez is a chess player. While Nicholas Nevida Angeles is her greatest competitor. In a game called chess it's about thinking carefully what you're next move will be. But what if they'll develop something that is beyond compare...