"Good luck guys! I know all of you can do it!""Yes, Coach!"
Isinara na ni Coach ang pintuan ng van na sinasakyan namin at pumunta na siya sa may shotgun seat dahil doon siya uupo.
Today is the day of our tournament. Six palang ng umaga at ang oras ng match ay alas-otso. Hindi naman kalayuan 'yung Vallen High pero traffic kasi kaya hindi kami dapat pakampante.
Nakaupo ako sa tabi ng bintana at katabi ko si Nine. Sa tabi naman niya ay si Janine. Sa likuran namin ay si Max at ang ibang players. May bus para sa mga basketball, soccer and volleyball players at sa aming mga boardgame, sa Van kami dahil hindi naman kami gano'n karami.
"Nine, pa-share naman sa earphone mo."
'Yun ang huli kong rinig na sabi ni Janine kay Nine bago ko nilagay ang airpods ko sa tenga ko.
After Nine's phone call last Thursday, kinabukasan naman 'non hindi niya na ako pinansin. Kapag kailangan lang do'n niya lang ako kinakausap.
He's acting weird ever since nag-break sila ni Michelle, the girl who also slapped her. And ang mas shocking pa nalaman ko na one week lang ang tinagal nila. So he's not that heartbroken.
Umandar na ang sasakyan at nanatili akong nakahilig sa bintana while listening to the music. Feeling ko tuloy nasa isang music video ako!
My parents and siblings already wish me luck nung breakfast namin. Nag-insist pa si Kuya na susunod siya but I also heard na may importante siyang gagawin sa school niya kaya naman I told him na hindi na talaga need.
"Are you sure? Pwede naman akong lumiban doon at hindi naman big deal." pagpupumilit niya pa.
Sunod sunod ang naging pag-iling ko.
"Hindi na talaga, Kuya. I appreciate that you badly want to go but I don't want to disturb your study."
He frowned.
"You're not a nuisance to me. You're my lil'sis."
I smiled at him. "I know right."
I slightly pushed him away kasi nakaharang siya sa pintuan ng sasakyan ko.
"Sige na pumasok kana kuya. Kapag nanalo ako ikaw ang unang babalitaan ko."
He sighed defeatedly.
"Fine. I know you'll win."
He hugged me and marami pa siyang sinabi na magpapalakas ng loob ko.
Kung papipiliin ako kung sinong paborito ko sa mga kapatid ko, I'll probably say that it is Kuya Yelix. Si Ate Yandra kasi laging may sariling mundo and we're not that close like how Kuya and I are.
Hindi ko naman siya masisis dahil bukod sa seven years na agwat naming dalawa, hindi rin kami parehas ng interest.
She's more girly than me because I'm a boyish type kaya si Kuya talaga ang nakakasundo ko sa mga bagay-bagay. Strict din ito sa mga nagbabalak na manligaw sa akin. He always telling me na hindi pa ako pwedeng magpakigaw hangga't hindi pa ako college.
Nag-unat ako ng makababa ng van. Medyo sumakit ang likod at batok ko sa matagal na pagkakaupo.
"Sorry." agad na sabi ko ng nasagi ko si Nine.
"It's alright."
Lahat kami ay napabaling kay Coach Evans when he clapped his hands twice to get our attention.
"Sa court muna lahat ng players para sa opening cermony and after 'non magp-proceed na kayo sa assigned areas niyo."
Gano'n nga ang nangyari kagaya ng sinabi ni Coach.
Nung makarating kami sa court ng Vallen High agad kaming bumuo ng linya. Nagkaroon ng opening ceremony na sinimulan ng pagkanta ng National Anthem.
Limang schools ang maglalaban-laban ngayon. It's the big 5 elite school of Manila.
"I hope you will all enjoy and bring victory to your school!" sabi ng nagsasalita.
I don't usually paying attention sa mga ganito kasi mabilis akong antukin that may affect may game.
"You can now proceed to your designated areas. Good luck, players!"
Nagsimula ng maglakad papalabas ang iilang player. Maiiwan lang dito ang basketball dahil dito na sila maglalaro.
"Sumunod kayo sa mga facilitators ninyo at sila ang magdadala sa inyo sa mga area niyo." bilin ni Coach.
Kaming mga chess players ay sumunod sa babae na may hawak na karatulan ng 'CHESS'. Nakita ko na agad 'yung mga makakalaban namin.
Nagsimula kaming maglakad at hindi naman kalayuan 'yung area namin. Isa siyang room na talagang nilaan para sa mga chess players.
I felt Janine's hold on my right arm kaya napabaling ako sa kaniya.
"I'm not hoping na ako ang mananalo sa ating dalawa kaya naman galingan mo ha!"
Sa Stage 1 kasi ay kaming magkaparehong school muna ang magkalaban. Kapag nanalo ako, sa akin mapupunta ang 1 point at kapag siya ang nanalo sa kaniya. Kapag draw, tig-.5 kami at maglalaban ulit.
After 'nun ay magp-proceed sa Stage 2 kung saan kakalabanin ng mananalong isa sa amin 'yung nanalo sa kabilang school.
Same process until the Stage 5 or the final stage. Magkakaroon naman ng wildcard sa mga natalo kaya may chance pa rin 'yung mga kakampi 'nung galing sa ibang school.
"May wildcard naman kaya galingan mo din. And malay mo matalo mo naman ako."
"Hmp. Humble ka pa! Alam kong ikaw mananalo sa ating dalawa kaya sa wildcard ako babagsak."
Napailing nalang ako sa kaniya.
"Good morning, everyone. I'm Professor Astrol and I'll be the one to explain the rules and regulations of our game."
Tahimik lang kaming nakinig habang nakaupo at sa pagitan namin ay ang chessboard at naka-arrange na na pieces nito.
Ang mga babaeng chess player ang magkakasama sa room na 'to at sa kabila naman ay ang mga lalaki, nandoon si Nine at Max. 'Yung mga Dama player sa ibang rooms din. Same with the other boardgames.
"First rule is obviously the touch move and tap down rule. Once na mahuli kayo ng mga facilitators na lumabag sa rule na 'yon Automatic disqualified."
Yeah. The most basic rule in chess.
"Second, you're not allowed to talk to your opponent because you might distract them."
Of course. Wala naman sigurong makikipag-usap sa kalaban nila. Duh.
"And last, the third rule. Respect each other." he smiled at us, "That's all and have a great game. Let's start!"
Pagkasabi niya 'non ay hudyat na 'yon na start na ng laban.
Nag-pick kami ni Janine at siya ang nanalo kaya ang pinili niya ay white. I'm fine with the black since it's my favorite talaga.
We looked at each other and both nod, that's our own signal telling that we will start playing.
She start our game with moving her pawn two tiles opening the king.
Pinatunog ko ang daliri ko bago hinawakan ang knight at ito ang unang ginalaw. This is where the first game started.
---
Author's Note:
short update hehe, 'yung detailed chess game baka sa third stage onwards pa. kailangan pa namin ng kapatid kong maglaro para masulat ko haha.
enjoy reading!
YOU ARE READING
Checkmate, Alas
Teen FictionYuan Gabriella Fortunalez is a chess player. While Nicholas Nevida Angeles is her greatest competitor. In a game called chess it's about thinking carefully what you're next move will be. But what if they'll develop something that is beyond compare...