Chapter 2: Childhood Crush

21 3 0
                                    


"Hoy, Nine! Sumbong kita kay Tita Nishel!"

Humalakhak lang siya at nagpatuloy sa pagtakbo. Ang bilis-bilis niyang tumakbo kaya naman naiwan ako! Epal talaga!

Nakarating na kami sa bahay nila after naming maglaro sa playground ng subdivision kasama 'yung ibang bata. Si Nine lang naman 'yung kalaro ko kasi attitude ako at ayaw ko sa ibang mga bata.

"Hello po, Tita Nishel!" bati ko sa mama ni Nine na nasa kusina. Doon kasi kami dumiretso para uminom ng tubig.

"Hello din, Yuan." she greeted back and continue cooking.

"O, inom ka muna. Bagal mo tumakbo."

Padabog kong tinanggap ang baso ma may lamang tubig mula sa kamay ni Nine. I said my thanks at nauna ng umakyat sa kwarto niya. We will going to play teken.

"My, sa taas lang po kami!" paalam niya kay Tita.

"Sige, anak. Hahatiran ko kayo ni Yuan ng pagkain mamaya."

Since kindergarten magkaklase at magkaibigan na kami ni Nine. Magka-business partner kasi ang mga daddy namin kaya naman kalaunan ay naging family friend na rin.

Magkatabi lang ang mga bahay namin at nagpaalam ako kay Mommy na kayla Nine ako tatambay ngayon. My ate and kuya are busy studying, si Ate Yandra busy sa pag-aaral ng med at si Kuya Yuan naman first year na niya as civil engineering student. Ako ang bunso at kasalukuyan nasa grade five.

Malayo talaga ang agwat ko sa mga kapatid ko kaya minsan ay inaasar ako nila Ate at Kuya na ampon. Napatunayan ko naman na hindi ako ampon dahil nakuha ko yung talino ni Dad sa math at 'yong kagandahan ni Mommy.

"Ano? Teken ulit?" tanong ni Nine pagkapasok niya ng kwarto niya.

Tumango ako habang tumatalon-talon sa malambot niyang kama. Malambot din yung kama ko pero mas malambot 'yong kaniya! Maybe I should tell mommy to buy me a new foam!

"Tigilan mo nga 'yung pagtalon baka mahulog ka ako pa papagalitan ni Mommy!"

Umismid ako sakaniya at tumigil na nga sa pagtalon. Dumapa ako sa kama niya habang siya ay inaayos ang PlayStation niya. Nang okay na inabot niya sa akin ang isang game controller.

We played until Tita Nishel knocked on the door and opened it. May dala siyang dalawang chocolate cake at mango shake! Laging masarap meryenda dito kayla Nine kaya isa 'yon sa reason kung bakit dito kami madalas tumambay. Ang sarap kasing magluto ni Tita na hindi nagagawa ni Mommy dahil maging siya busy sa ospital namin.

My mom is a surgeon while my dad is a civil engineer. Sinusundan nila kuya at ate ang profession nila Mommy at ako naman balak ko ng mag-engineer kaagad. May hospital kaming pag-aari sa side ni Mommy and kay Daddy namin may company siya na siya mismo 'yung nagtayo.

"Uwi kana ba after nating kumain?"

Tumango ako kay Nine at nagpatuloy sa pagkain ng cake.

"Baka nakauwi na sila Ate at Kuya." I sipped on my mango shake and I feel my brain freeze for a second. Ang lamig!

"Sainyo naman tayo bukas tumambay! Ayaw ko na dito sa bahay." reklamo niya.

Kumunot ang noo ko, "Anong malalaro natin sa bahay? Barbie doll?"

Umirap siya, "Wala kang barbie doll dahil takot ka sa doll. 'Wag ako "

I pouted. Tama siya I have a phobia when it comes to doll. One time kasi 'yung naglalaro kami sa playground may bata at dala niya yung baby doll niya! Ang creepy kasi nung pinabuhat niya sa akin 'yung anak niya kuno pumipikit! Mula 'non hindi na ako humawak ng doll.

Checkmate, AlasTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang