Chapter 12: The Reason Why

8 2 0
                                    

This chapter is a flashback, the one that Yuan and Nine supposed to talk about. A short preview only.

---

"Nine!" tawag ko sa kaniya.

Kasama niya kasi ngayon 'yung mga lalaki niyang kaibigan. I have friends na rin pero hindi ko sila kaklase. Nasa ibang section sila.

"Wait lang." rinig kong sabi niya sa mga kasama niya bago naglakad papalapit sa akin.

Grade 5 pa lang kami pero ang laki na ng pinagbago ni Nine. Kitang kita na tumangkad nga siya. Isa siya sa matatangkad sa klase. Hindi naman kami nagkakalayo ng height, basta hanggang leeg niya ako.

"Bakit, Yuan?"

"Akala ko tayo 'yung sabay na mag-la-lunch?" then I pouted.

Nagpadagdag pa naman ako ng lunch ko! Kasi sabi niya kami 'yung magsasabay ngayon.

"Sorry nakalimutan ko." napakamot siya sa batok niya.

"Inaya kasi nila ako kaagad." turo niya sa gawi ng mga kasama niya.

"Sige bukas nalang, ha?"

He gave me a smile.

"Oo, Yuan. Bukas."

But it didn't happen. Nakita ko na naman kasi siya kasama ang mga kaibigan niyang lalaki. I was about to call him ng harangin ako ng grupo nila Beatrix, kaklase namin na may gusto kay Nine.

"Tatawagin mo na naman si Nine? Wala ka bang ibang friend?" mataray niyang sabi.

"Meron pero hindi tayo sabay ng lunch sa kanila."

Umirap siya sa akin. May kasama siyang tatlo pang babae na kaibigan niya. I'm taller than them but hindi ako palaaway.

"Alam mo ba na naiirita na si Nine sa 'yo?"

Nagulat ako sa sinabi ni Beatrix. Si Nine naiirita sa akin? Hindi naman siguro. Naglalaro pa kami tuwing uwian sa bahay nila o bahay namin.

"Huh?"

"Narinig namin na kwentuhan nila ng mga friends niya kahapon. Naiirita na daw siya sa 'yo kasi sunod ka ng sunod!"

Nanlamig ako. Totoo ba 'to?

"B-Baka mali kayo. N-Naglalaro pa kami tuwing uwian."

Tumawa sila. Nanatili akong seryoso.

"Ayaw mo pa'ng maniwala? Totoo 'yun!" sabi ng isa niyang kaibigan.

"Nabasa kasi ni Nine 'yung sagot mo sa slambook ni Thea. Crush mo siya diba?"

Lalo akong nanlamig sa sinabi ni Beatrix. Ang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Totoo ba? Nabasa niya? Pero sabi ni Thea walang makakabasa 'non! Did she lied?

"Tapos kaya lang daw nakikipaglaro si Nine sayo kasi sabi ng Mama at Papa niya. Pero sawa na daw talaga siya na kalaro ka!"

Hindi ako iiyak. Hindi.

"Totoo ba?" walang emosyon kong tanong.

Humigpit ang hawak ko sa lunch box ko.

"Oo naman! Gusto mo tanungin pa natin si Nine?" sabi ng kasama niya. Mabilis akong umiling.

"Hindi ka crush ni Nine. Ako 'yung crush niya so shut up ka nalang." 'Yon ang huling sabi ni Beatrix bago tumalikod at pumunta sa gawi ni Nine.

Nang makalapit sila ay napuno ng asaran. Nakita kong namumula si Nine lalo na ng pagtabihin sila ni Beatrix.

He never smile and laugh like that kapag kami ang magkasama. Sawa na ba talaga siyang kaibiganin ako?

Na-confirm ko na totoo 'yung sinasabi ni Beatrix ng marinig ko ang usapan ni Nine at Edwil sa classroom.

"Hoy, Nine! Kayo ba ni Yuan? Pansin ko lagi kayong magkasama at close na close kayo!" Edwil said.

Papasok sana ako ng room para kuhanin 'yung tumbler ko. PE namin ngayon at sa field kaming mga grade five.

"Huh? Hindi, a! Ang bata pa namin." I heard him answered. "At tyaka magkaibigan lang kami 'non and hindi ko siya type!"

My heart hurt a little because of what he said. Hindi niya ako type? I have a crush on him okay but hindi naman required na i-crushback niya ako. Ang sakit lang.

"Ang ganda ganda kaya ni Yuan."

"Psh. Ang boyish niya mas tipo ko 'yung mga mahihinhin."

Tahimik lang akong pumasok sa room at umasta na walang narinig. Pumunta ako sa upuan ko at kinuha ang tumbler sa backpack ko.

Natahimik silang dalawa pero hindi ko na sila pinansin. Lumabas na din ako kaagad.

I finished my grade 5 and ako ang Top 1 sa klase kahit na madalas akong i-bully ng mga kaklase kong babae.

Hindi na rin ako madalas sumasama kay Nine at kung kausapin niya ay doon ko lang din siya kakausapin.

Lalong lumayo ang loob ko sa kaniya nung grade six kami. I heard na siya ang napili na ilalaban sa akin para sa amin mamimili ng isang representative sa division level chess competition.

Nanalo ako kaya ako ang nilaban. But after the competition hindi na ako pinansin ni Nine. I did the same and treat him as may greatest competitor.

Hindi na ako binubully ng girl classmates ko dahil naging kaklase ko na sila Nathalie, Alexa at Hanna. I have them na so I think I don't need someone na napipilitan lang pakisamahan ako

After class, nagpasiya ako na pumunta sa room ng mga chess player.

May tao sa loob pero hindi nila ako napansin dahil sa backdoor ako dumaan at may harang na mga boxes.

"Talo ka pala ni Yuan, eh."

Nine laughed. "Baka talo? Pinagbigyan ko lang siya lul."

What?

Tumawa din 'yung kasama niyang babae. I think it's Rosemary, chess player din siya ng ibang section.

"Seryoso ka ba?"

"Oo naman. Kayang-kaya kong talunin si Yuan pero ayaw na ayaw kasi 'nun na natatalo so I give way para siya ilaban sa division."

Fuck.

Is he serious?

Parang 'yung nilaban ko tuloy 'non sa division nawalan ng silbi dahil sa mga narinig kong sinabi niya.

He gave way?

To me?

Kasi ayaw kong natatalo?

How dare he?

Padabog kong isinara ang locker ko para malaman nilang may tao.

"Who's there?" Rosemary shouted.

I didn't answer.

"What if si Yuan 'yon?" rinig kong bulong niya kay Nine.

"Nah. Umuwi na 'yon." sagot naman ni Nine.

Fucking asshole. Porket famous na siya sa school gano'n na rin siya kahangin? He was my bestfriend but how dare he talked about me behind my back!

Tumakbo ako sa likod ng building namin at doon na umiyak ng umiyak. I can't cry on the car dahil tatanungin lang ako ni Kuya.

He's an asshole and he doesn't deserve my tears but it hurts because I treat him as a real friend but he was talking lame things about me!

Fuck him. Fuck you, Nicholas Nevida Angeles. Isa ka'ng plastic!

Checkmate, AlasWhere stories live. Discover now