Chapter 6: Practice

21 2 0
                                    


Habang tumatagal palapit kami ng palapit sa araw ng tournament kaya. Ang bilis lumipas ng panahon parang kahapon lang kaka-start palang ng pasukan tapos ngayon mag-mimidterm na kami.

"Gosh. Hindi ka ba nai-istress, Yuan? You're a chess player at the same time preparing for the midterm?" maarteng sabi ni Alexa habang nakaupo kami sa field.

I'm with my friends less Hanna dahil may klase pa 'siya. Habang kami maagang dinismissed ng Prof dahil may pupuntahan pa 'to.

"Hindi naman. I have time management naman."

She rolled her eyes. Mas nagmukha pa siyang bitchy kasi may kinakain siyang lollipop.

"Kapag ikaw talaga bumagsak I don't know nalang."

Ibinaba ni Nathalie ang binabasa niyang novel at inismiran si Alexa, "Inggit ka ba kay Yuan kasi kaya niyang pagsabayin acad at extra-curicullar?"

Umahon si Alexa mula sa pagkakahiga sa lap ko at masamang tinignan si Nathalie.

Lately, medyo madalas mag-away 'yung dalawnag 'to. Nagsimula nung last party pa kasi no'ng kinaumagahan 'non nagalit si Nathalie kay Alexa dahil nga dun sa kay Frank.

"Of course not! I'm just concern okay?"

"Concern? Eh bakit iniisip mo na babagsak siya? Tsk."

Akmang susugurin na ni Alexa si Nathalie pero hinawakan ko siya.

"Okay awat na girls." saway ko habang hawak ang magkabilang braso ni Alexa.

Inis niyang hinawi ang mga kamay ko at padabog  na kinuha ang bag niya at tumayo tyaka naglakad papalayo.

"Alexa!" tawag ko but she only raised her middle finger on me. Napailing nalang ako.

I looked at Nathalie with a disbelief on my eyes. Alam naman naming dalawa na gano'n talaga ugali ni Alexa kaya sanay na ako pero itong si Nathalie talaga ang lumalaban.

"What?" maang niyang tanong.

"Dapat hinayaan mo nalang siya."

She raised her eyebrow on me, "I can't okay? You're my bestfriend, Yuan and naiirita ako everytime na sinasabi niya 'yung mga gano'ng negative na bagay!"

Huminga ako ng malalim at ngumiti kay Nathalie. I know it's not her only reason. Hindi pa rin yata siya maka-move on do'n sa nangyari sa party.

"Alright. I'm sorry and I appreciate your concern."

She then smiled at me too.

"But you should say sorry to Alexa. We all know how sensitive she is."

She rolled her eyes and inangat muli 'yung librong binabasa niya.

"Fine."

Ilang minuto ang lumipad ang nag-ring ang bell. Nagligpit ma kami ng gamit at tumayo para makaakyat na sa classroom namin.

Nang makapasok kami ay nandoon na si Alexa sa designated seat niya para sa subject na 'to at kausap niya si Helen, 'yung treasurer namin. Nagtama ang tingin namin pero inirapan niya lang ako at nagpatuloy sa pagkwekwento.

"Say sorry to her okay?" bilin ko kay Nathalie bago siya umupo sa upuan niya.

"Alright."

Naupo na ako sa tabi ni Nine. Himala at hindi siya kasama sa naglalaro ng ML ngayon. Maingay naman 'yung mga kaibigan niya pero  siya nagp-phone lang.

"Himala di ka nag-e-ML?"

Tinapunan niya ako ng tingin pero agad din namang binalik ang tingin sa phone niya.

Checkmate, AlasWhere stories live. Discover now