"Bullshit. Mukhang babagsak ako sa calculus kung kailan mag-mimidterm!"Nathalie and I laughed at Alexa's rant. Pano ba naman kasi nakilagdaldalan siya kay Nathalie ng hindi pa pala siya nakakapag-review.
"It's okay. Bawi ka sa ibang quizzes." pampalubag loob ko.
She pouted, "Sana mabawi."
Pumasok na ang prof namin for General Chemistry. Umayos na 'yung mga kaklase ko kasi kilala 'to si Ma'am as masungit ng teacher, matandang dalaga kasi.
"We will discuss about balancing and after tht we will have a short quiz." panimula niya kaagad.
I heard ny classmates groaned at kasama na ako do'n. Pero kaagad rin naman kaming natigil ng pabagsak na nilagay ni Ma'am Pauline ang mga gamit niya sa lamesa.
"Do you have any problem with that?"
Natahimik ang buong klase at pairap naman siyang humarap sa blackboard at nagsimulang magsulat ng lecture. Napairap din ako sakaniya. I know her because ka-batch siya ni Kuya Yelix, medyo mainit din dugo niya sa akin dahil nalaman ko mismo sa kuya ko na naging ex niya pala 'to si Ma'am.
"Kaka-quiz lang, quiz ulit." bulong ni Alexa sa akin. Napatawa nalang ako at umiling.
The morning class feels like forever kaya naman ng tumunog ang bell hudyat na lunch na namin ay agad-agad na nagsitayuan ang mga kaklase ko. Nanatili naman akong nakaupo at nag-unat.
Dahil sa pag-uunat ay may natamaan ako sa likuran ko kaya naman lumingon ako para humingi ng sorry at naudlot nga lang mg makitang si Nine 'yon. Salubong ang kilay niya at mukhang badtrip. Problema nito?
"Sorry." mabilis kong sabi at ipinasok na ang mga gamit ko sa bag ko.
"Tara na sa cafeteria. I'm really hungry na." Alexa said.
"Same." Nathalie agreed.
Isinukbit ko ang backpack ko at tumayo na, "Tara na." aya ko at naunang lumakad palabas kasunod sila.
Masaya kaming nagk-kwentuhan habang naglalakad papunga sa elevator. Nang biglang may sumanggi sa akin. Magkasalubong ang kilay kong tinignan kung sino 'yon at nakitang si Michelle.
She smiled shyly, "Sorry, Yuan."
I rolled my eyes on her at pumasok na sa loob ng elevator. I'm not really nice. Sa mga kaibigan ko lang at minsan sa mga kaklase ko na rin. Wala lang, para sa akin hindi naman required na maging mabait sa lahat. It's hard to tell nowadays if those people around you are true and sincere. I don't trust people that much na rin.
"Dapat binangga mo pabalik, Yuan." bulong ni Nathalie sa akin.
"It's so childish."
Alexa groaned, "Anong childish do'n? As if hindi ka niya binangga on purpose?"
"What do you mean?"
She rolled her eyes at lumapit sa akin para bumulong dahil kasama namin sa loob ng elevator si Michelle. She's with her friends.
"Ang lawak ng daan kanina and I saw her na sinadya niyang banggain ka."
"For what?"
Nagkibit balikat lang si Alexa.
Tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na kami. Naiwan naman ang tingin ko kay Michelle habang naglalakad papalabas. Nagtama ang tingin namin and she smiled at me while I stay poker face.
Bakit niya naman ako binangga? I barely know her so what's her reason?
Pagkarating namin sa cafeteria ay punuuan na. Sakto kasi na maaga rin 'yung lunch ng ibang college kaya sa cafeteria tumatambay ang iba. I looked at the tables that are occupied and karamihan sa kanila tapos na. Mga nagsisigawa nalang ng plates. Like duh? Hindi ba pwedeng sa library nila gawin or other part ng univ?
YOU ARE READING
Checkmate, Alas
Teen FictionYuan Gabriella Fortunalez is a chess player. While Nicholas Nevida Angeles is her greatest competitor. In a game called chess it's about thinking carefully what you're next move will be. But what if they'll develop something that is beyond compare...