Chapter 14: It's too late

22 2 0
                                    

Tuesday. Late akong nagising dahil nag-puyat kami ng family ko. Dinamay kami ni Kuya ng tatlo porket hindi maaga mga pasok nila ngayon.

I yawned and looked at the digital clock beside my bed.

7:30. I have class and hindi naman major kaya okay lang 'yan. Pumikit pa ako at huli na ang lahat dahil nakatulog na naman ako!

I think hapon na ako makakapasok. Nagising ako alas-otso na. And they didn't wake me up! Iniisip siguro nila na pagod ako.

Bumangon na ako at nagmadaling pumasok sa bathroom ko para maligo. As in binilisan ko ng kumilos kaya ng makababa ako ay alas-nuebe na. Natanaw ko na nasa pool side sila.

"I thought hindi ka na papasok, anak." sabi ni Dad ng makalapit ako sa kanila.

Sumimangot ako.

"Papasok po ako kaya dapat ginising nyo 'ko."

My mom dramatically sighed.

"Wala ka namang sinabi kagabi, dear."

Yumakap ako at bumeso sa kanila ni Daddy. Kay Ate rin sana kaso umarte siyang nandidiri kaya irap nalang iginawad ko.

"Si Kuya?"

"Pumasok na." sagot ni Ate habang abala sa iPad niya. "Hindi na nga nakaligo kadiri talaga 'yon."

Tumawa si Daddy. "May quiz daw kasi sila kaya bawal siya ma-late."

Sa pool side na pinahatid ni Mom ang breakfast ko kaya naman habang sila ay abala sa mga ginagawa nila, kumain na ako. After 'non ay nagpaalam na ako sa kanila para makapasok na sa school.

Nakarating ako ng school ng 11:30 and dahil may klase pa kami 'non, sa cafeteria na ako dumiretso. Doon ako naupo sa usual spot naming apat.

I played with my phone and opened my social media accounts. Kapag nabored kakabasa ng tweet sa twitter, lilipat ako sa ig para ubusin 'yung mga ig story ng following ko.

"Hoy girl nag-review kami sa Medinfo kanina." 'yon agad ang sabi ni Nathalie sa akin pagkaupo niya sa tabi ko.

Sinara ko na ang phone ko. Nilagay ko ang kaliwang kamay ko sa lamesa at pinatong ang ulo ko do'n para makinig sa kanila.

"Some of our prof said na i-eexcuse ka na lang daw nila since you won yesterday." Alexa said habang nakasalumbabang nakatingin sakin.

"Hmm, buti naman."

"Congrats again!" sabay nilang bati kaya napangiti ako.

"Thanks."

"Saan tayo mamaya?"

Inangat ko na ang ulo ko mula sa pagkakahiga nito sa lamesa.

"No drink tayo ngayon, Nath." sabi ko kaagad dahil alam ko na ito ang nasa isip niya.

She pouted. "Oo na."

"Midterm kasi. Sad."

Napailing nalang ako kay Alexa dahil isa pa siya na habang may atay iinom.

"Let's just eat." suggestion ko.

"Mukhang 'yon na nga."

Tumayo sila at iniwan ako sa table para bumili ng lunch. Nagpasabay nalang ako ng burger dahil kakakain ko lang ng rice kanina.

"I saw your ig story. Friend na pala kayo ni Janine?" Alexa raised her brow, she sipped on her juice.

"Yes. She's nice." kumuha ako ng slice ng watermelon sa baunan ni Hana. Kasama na namin siya ngayon.

Checkmate, AlasWhere stories live. Discover now