Chapter 19: Missing

18 2 0
                                    

Nakangiti akong kumaway sa kotse nila Alexa. Siya kasi ang huling sinundo sa bahay namin.

Pagkapasok ko sa loob sinalubong ako kaagad ni Saint. Napairap naman ako ng mag-vibrate ang phone ko. Lakas talaga ng pang-amoy ng kapitbahay namin.

From: Nine the asshole

Ano na? Tara na.

I rolled my eyes.

"Saint, come here!"

Excited na lumapit ito sa akin, inayos ko ang leash niya.

"Tara na gusto ka daw ilakad ng unggoy na kapitbahay natin."

Pagkalabas namin ng bahay nakasabay pa namin si Kuya. Naka-uniform siya dahil next week pa ang sembreak nila, at kahit sabado ngayon may schedule sila ng klase, pambawi daw.

"Oh? Saan kayo?" he asked while putting his bag and yung bilog na bagay na lalagyanan ng blueprint sa loob ng car niya.

"Diyan lang. Sige na ingat ka."

I didn't wait for Kuya's response dahil for sure iinterviewhin ako no'n kung bakit sino kasama ko! Though, kahit malaman niya okay lang kasi he knows naman na close kami ni Nine but, iba pa rin. Maissue pa naman si Kuya.

Nang makalabas kami ng gate nandoon kaagad si Nine, both of hands in his pocket while looking somewhere.

I raised my brow at lumapit na sa kaniya.

"Anong drama mo?"

"Uy, diyan na pala kayo."

Kinuha niya sa akin 'yung tali ni Saint at inabot ko naman. I heard Kuya's car kaya bahagya kong tinulak si Nine.

"Bilis bilis hindi tayo pwede makita ni Kuya!"

"Anong hindi pwede? Bakit naman?"

Pinalo ko siya ng mahina sa likod niya, "Dami mong tanong bilisan mo nalang!"

Dahil sa kabila liliko si Kuya ay hindi niya kami nakita at ng makalayo na ang sasakyan niya, doon pa lang ako nakahinga ng maluwag.

Binalingan ko si Nine na nagtatanong ang mga mata pero iniwas ko lang ang tingin ko. Then about Saint, he is currently peeing.

"How's your sleepover with your friends?"

Naglalakad na kami ngayon at hinahayaan naming mauna si Saint dahil inaamoy amoy nito 'yung mga madadaanan niya.

"Fine."

"Ready ka na ba sa lunes?"

Kumunot ang noo ko. Ano nga ulit meron sa lunes?

"Seems you have forgotten, it's our match for the tournament." pagpaalala niya ng makita ang pagtataka ko.

"Oh." I smirked and looked at him, "Ako pa ba? Ako 'to si Yuan." bahagya ko pang tinapik ang dibdib ko.

He make a disgusting face kaya naman inabot ko ang buhok niya at sinabunutan siya.

"Aray!"

"Asshole!"

After walking Saint outside nagpasiya na rin kami na umuwi na. We're not  really talking while walking. Siya lang nag-iinsist ng pag-uusapan namin at taga-sagot lang ako.

"What if matalo kita?"

Nagkibit-balikat ako, "Edi natalo mo ako. Basta sasama pa rin ako sa Thailand."

But I know I'll not lose. Mananalo ako, I'm Yuan, I'm a great chess player. Mas magaling ako kay Nine. Kaya bakit ako matatalo?

"Mukhang tanggap mo na ah?"

Checkmate, AlasDonde viven las historias. Descúbrelo ahora