Chapter 20: Yuan vs. Nine

17 2 0
                                    

Huminto ang sasakyan sa tapat ng aming school. Ngayon na 'yung laban namin ni Nine. The winner will compete for the tournament in Thailand.

Wala sa sariling bumaba ako ng sasakyan. Hindi na ko nakapag-pasalamat sa driver. Nagsimula akong maglakad habang nakatingin ng diretso sa dinadaanan ko.

"Uy!"

"Puta ka!"

Humalakhak si Nine at masama ko naman siyang tinignan. This man is so annoying.

"Kung nakita mo lang itsura mo."

"Do I look like I care?"

Nilagpasan ko na siya pero mabilis siyang humabol. Perks of being a long legged.

"Meron ka?"

"Wala."

"Bakit ganiyan aura mo? Madilim?"

"Ewan."

Sa kabilang building pa yung training room namin kaya kailangan ko pang pagtiisan itong pangungulit ng lalaki na ito.

"Gusto mo i-resched natin yung match?"

I stopped walking to face him and gave him a smile, a sincere one.

"I'm fine, okay? Ituloy na natin 'to dahil next week na 'yung laban sa Thailand."

Kahit na wala ako sa wisyo maglaro dahil sa nangyari kanina I still need to win. Kakausapin ko nalang mamaya si Alexa. Oo, 'yun nga.

"Nine and Yuan!"

"Coach." sabay naming bati.

Napabaling ako sa table at nakita ang chessboard na nakaayos na.

"Siguro naman ready na kayo?" at lumapit siya sa table kung nasaan ang chessboard.

Nilapag ko naman ang shoulder bag ko sa isa sa mga table doon.

"Yeah, I am." sagot ko.

Napatingin ako kay Nine na parang tinatantya 'yung reaksyon ko. Kumunot ang noo ko pero nanatili siyang nakatingin sa akin.

"Ako rin." he answered, still looking at me.

Pumalakpak si coach. "Alright pwesto na kayo."

Umupo ako sa tapat ng black na mga pieces at si Nine doon sa puti.

"Ayos na 'yan? Hindi na kayo magr-rock, paper, scissors?"

Sumalumbaba lang ako at hinayaan na si Nine 'yung sumagot.

"This is fine, Coach."

"Okay then." nakatayo si Coach sa gilid sa tapat ng chessboard. "Ang rules natin ngayon ay 30 minutes lang kayong maglalaban."

30 minutes. What the hell. Sanay naman ako sa gano'n kaikling time para makipaglaban but, in my mind's state right now? I guess, I'm troubled.

"Ten seconds each moves."

"Hindi mo naman kami papahirapan nito, Coach?" pagbibiro ni Nine.

Nabaling ang tingin ko sa kaniya. He's wearing a black shirt and may gray hoodie siya! What the? Bakit same kami ng color ng damit? I glared at him kahit hindi siya sa akin nakatigin.

Tumawa si Coach.

"Of course not." wow huh? "Slight lang, tsaka as if naman bago na 'to sa inyo."

I sighed.

"Let's start na."

I have a lot of things to do pa. Gusto ko sanang idugtong.

"Okay." bakas pa ang tuwa sa boses ni Coach.

Checkmate, AlasWhere stories live. Discover now