I yawned and Nine saw it so he offered his right shoulder to me. Tinuro niya 'yon para ipahiwatig na pwede akong sumandal doon. Ginawa ko naman dahil hindi pa natatawag 'yung flight namin at kulang ako sa tulog.
I don't know. After kong makita si Tytle bigla nalang akong kinabahan tapos ewan! It's not like I'm judging him huh. Pero ang weird kasi na basta!
"Oh? Anyari diyan?" I heard Janine asked Nine.
"Inaantok pa." Nine answered.
They started talking at ako naman ay unti-unti ng nilamon ng antok.
"Yuan." naramdaman ko ang mahinang tapik sa pisngi ko.
I slowly opened my eyes at napapikit ulit dahil nasisilaw ako sa mga ilaw. I groaned and open my eyes again. Unang bumungad sa akin ang mukha ni Nine.
"Tinawag na 'yung flight natin." he said.
Wala sa sarili akong tumango at tumayo. Mabilis naman niya akong inalalayan. Hinahanap ko pa 'yung wisyo ko pero sumunod na ako sa paglalakad.
'Yung maleta ko hindi ko alam kung sinong may dala basta nalang ako sumunod sa kanila. Nang makaakyat na kami sa eroplano ay doon pa lang yata ako nagising ng tuluyan.
"Where's my luggage?" I asked Nine who's sitting beside me.
"Don't worry nailagay ko na do'n." then he pointed something above us. Ah, 'yung lalagyanan ng luggage.
"Sinong nagbitbit?"
"Si Janine."
I should thank Janine later then.
Sa tatlong oras na byahe ay hindi na ako nakatulog. Si Nine naman ay gano'n din. We just talk about random things at hindi namin namalayan na nakalapag na 'yung eroplano.
"Nine! Yuan!"
Natanaw ko mula sa malayo si Kuya Yelix. He's waving at us kaya naman naglakad na kami papalapit doon.
"Mauna na ako sainyo." paalam ni Coach kaya natigil kami saglit.
"Ako rin. Nandyan na sundo ko." lumapit sa akin si Janine at bumeso.
"Ingat kayo." I said.
"Ingat, Coach."
Kumaway kami ni Nine sa kanila at ng makalayo sila ay naglakad na ulit kami papunta kay Kuya. Napairap kaagad ako ng makita na may pa-banner pa siya! Akala mo naman talaga ang tagal naming nawala!
"Namiss kita, sis." sabi niya sabay yakap sa akin.
"Hindi kita namiss, kuya." pangbabara ko.
Nakanguso kaagad siya pagkahiwalay sa yakap. I rolled my eyes at him.
"Uy, bro." tinapik niya ang braso ni Nine. Ngumisi naman ito sa kaniya.
"Kain muna tayong breakfast. Saan niyo gusto?" tanong ni Kuya.
I was about to answer when I suddenly felt someone's staring at me. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Bahagyang nanlaki ang mata ko ng magtama ang tingin namin ni Tytle. Siya na naman?!
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang 'yon pero nakita ko ang pag-ngisi at masamang tingin niya sa akin. Mabilis lang 'yon dahil may babaeng sumukbit sa braso niya. 'Yon din 'yung kasama niya kahapon.
"Yuan, ano? Ayos lang sa 'yo na sa Pancake House nalang tayo mag-breakfast?" it was Kuya who asked me. "Bangag ka ba? Kanina ka pa namin tinatanong."
Umiling ako. "Okay lang ako."
Naglakad na kami palabas ng airport at sa labas ay nandoon na 'yung sasakyan ni Kuya. Nang makalapit kami doon ay tinulungan niya muna si Nine na ilagay 'yung bagahe namin sa compartment ng car niya.
YOU ARE READING
Checkmate, Alas
Teen FictionYuan Gabriella Fortunalez is a chess player. While Nicholas Nevida Angeles is her greatest competitor. In a game called chess it's about thinking carefully what you're next move will be. But what if they'll develop something that is beyond compare...