"Don't mind that note, Yuan. Baka naman naligaw lang 'yon sa locker mo." pampalubag loob ni Hana.
Nasa cafeteria kami ngayon at last day na namin sa school tapos semestral break na. Pero mula pa kagabi halos hindi na ako makatulog dahil sa note na nasa locker ko.
Ni hindi ko binisita 'yung locker ko ngayong araw dahil hinagis ko doon 'yon. I shiver everytime I remember those words.
"If you want, we can accompany you later. Let's sleepover in your house."
I looked at Alexa. I like her idea because I don't want to be alone also. Hindi pa naman uuwi sila Ate at Mommy. Si Daddy naman for sure mag-oovertime 'yon.
"Are you guys sure? Wala kayong plano mamaya?" tanong ko sa kanila.
Nathalie looked at me and smile softly. But I can't smile back.
"Ikaw pa ba? We're best friends after all."
Dahil sa sinabi ni Nathalie naginhawaan ako. She's right, I still have them. I also have Nine but I don't want him to be involve here. No, hindi ko siya pinag-hihinalaan. I know him for too long at hindi man halata, I put more of my trust in him. Kahit na nasaktan niya ako noon.
The bell rang kaya naman ng matapos naming ligpitin ang pinagkainan namin ay tumayo na kami para bumalik sa classroom.
"Susunod na lang ako kayla Yuan mamaya. 'Wag niyo na ko hintayin kasi overtime kami mamaya." Hana said.
"Sige lang." sagot ko naman.
"See you later, girls."
We smiled at her at naglakad na ulit para makapunta sa classroom namin.
"Are you okay?"
Napabaling ako kay Nine ng tanungin niya ako. Seatmate kami ngayon sa subject na 'to hanggang mamaya.
"Of course." I answered.
Ipinatong ko ang kanang kamay ko sa armrest ng upuan ko at sumalumbaba. That note is still bothering me.
"Are you sure?"
"Oo nga."
I sighed heavily. I don't want to be mean to Nine but I can't also tell him what's bothering me.
"If ever you need someone always remember that I'm here."
I looked at him because of his words. He gave me a sincere smile. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko.
"T-Thanks." 'yon lang ang nasabi ko.
I wasn't paying attention in class but good thing hindi ako napansin ng mga teacher namin. Ma'am Pauline stopped bothering me na so I concluded that Kuya already talked to her.
"Hey, Yuan. You're spacing out."
"Huh? Bakit?"
Napakamot si Nine sa ulo niya. "May short quiz tayo."
My eyes widened. I don't know kung anong diniscuss! Fuck! What's happening to me!
Napansin ni Nine ang pagkataranta ko kaya naman inabutan niya na ako ng 1/4 yellow paper. Umusog din siya papalapit sa akin.
"Just copy my answer."
"Okay number 1."
Natataranta kong sinulat ang pangalan ko sa papel. When the quiz started I feel so guilty kasi nangongopya ako. Kaya naman may isang number ako na hindi sinagutan.
"Nahiya ka pa di mo pa kinopya lahat." iiling-iling na sabi ni Nine habang inaabot ng mga ka-row namin 'yung papel sa kaniya. Siya kasi 'yung nasa aisle.
YOU ARE READING
Checkmate, Alas
Teen FictionYuan Gabriella Fortunalez is a chess player. While Nicholas Nevida Angeles is her greatest competitor. In a game called chess it's about thinking carefully what you're next move will be. But what if they'll develop something that is beyond compare...