Chapter 15: Midterm

20 3 2
                                    

"Dahan-dahan ka nga sa pagkain, Yuan para kang hindi pinapakain."

Hindi ko sinagot si Kuya at nagpatuloy lang sa mabilis na pagkain. I need to be early at school dahil exam namin ngayon!

I heard kuya 'tsked' pero hindi ko nalang siya pinansin.

Kami nalang kasing dalawa ang naiwan dito sa bahay. Maagang umalis si Dad at si ate and si mommy naman hindi pa umuuwi dahil dagsa na naman daw ang pasyente sa hospital.

Uminom ako ng kape ko at maya-maya ay dumighay na.

"Hindi ka naman gutom na gutom?"

Umirap ako, "Nagmamadali ako, okay?"

"Midterm niyo?"

I nodded at nag-abot ng mangga para kainin 'yon. Nagpuslit na ako kanina ng grapes and watermelon para kakainin ko mamaya sa school.

"Good luck."

"Thanks, brother."

After brushing my teeth ay nagpaalam na ako kay kuya na papasok na ako.

Nakarating ako sa school at hindi pa gano'n kadami ang tao. I'm one hour early sa oras mismo ng exam namin. Naisip ko kasi na dito sa classroom mag-review.

Pagkabukas ng elevator ay lumabas na ako at naglakad papunta sa classroom ko. Pagdating ko doon ay madilim at wala pa'ng tao.

I turn on the light and aircon tyaka namili ng upuan dahil naka-one seat apart na 'yung ayos. Pinili ko 'yung sa corner sa bandang likuran malapit sa bintana.

Nilapag ko ang bag ko at nilabas na rin ang ginawa kong reviewer kagabi. Nag-review naman ako kahit papano pero hindi pa rin maalis sa isip ko na baka si Nine nga 'yung daddy nung baby ni Michelle.

I didn't text him because I don't know what to say. It might be awkward din.

My phone vibrated, nakapatong 'to sa armrest. Kinuha ko 'yon. There's a text message from Nine.

I sighed before opening his text.

Nine the asshole:

Nasa school kana daw sabi ni Kuya Yelix. Bakit ang aga mo naman yata.

Napakunot ako ng noo bago nag-tipa ng i-rereply ko sa kaniya.

Ako:

Pinuntahan mo ako sa bahay?

I sent it and maya-maya nag-reply na siya. Ang bilis lang.

Nine the asshole:

Yes.

Hindi na ako nag-reply at nagpatuloy nalang sa pagbabasa.

May iilan na rin akong kaklaseng dumating pero hindi ko na sila pinansin dahil busy nga ako mag-review.

"Aga mo ha."

It was Alexa. Naupo siya sa upuan sa tapat ko. Ngiti lang ang isinagot ko sa kaniya at binalik na ang mata sa reviewer.

"I texted Nathalie and sabi niya on the way pa lang siya."

"Sige."

Lumipas pa ang ilang sandali at ng makumpleto na kami ay pumasok na ang adviser namin dala-dala ang mga test paper.

"Ang una niyong i-eexam is Medinfo. Next 'non ay basic calculus followed by lunch break. Then biology at last ang PE." he explained.

Dinistribute na niya 'yung mga test paper sa unahan.

"Get one and pass."

Nang matanggap ko na ang akin ay kaagad na akong nagsulat ng pangalan ko.

"You may start answering now."

Checkmate, AlasWhere stories live. Discover now