8pm na kami nakauwi kagabi dahil after ng laban nila Max at Nine kami naman ni Janine tapos 'yung dama and damath player sa kabilang tables.Although 'yung Damath pasok siya sa math department sinasama na din sa amin since math major si Coach Evans. Siya nalang 'yung nag-train ng damath players while 'yung ibang mga math teachers focused sila sa mga sasali sa quiz bee.
"Thanks, Manong. Baka gabihin po ulit ako mamaya."
"Sige po, Miss. Text niyo lang po ako."
Bumaba na ako ng sasakyan at halatang puyat na puyat pa. Pagkauwi ko kasi nagbasa pa ako ng articles about sa mga grand master player sa chess and kung ano 'yung mga tactics nila kung paano nila narating 'yung ganong level sa chess.
I yawned habang hinihintay ang pagbaba ng elevator.
Maya-maya ay may naamoy akong pamilyar na amoy. Amoy ng demonyo.
"Antok ka pa, a?"
"No I'm not." I quickly denied.
Tumawa naman siya at ng bumukas ang elevator ay sabay kaming pumasok. Kaming dalawa lang ang laman ng elevator dahil maaga pa. 7 am ang klase namin at 'yung ibang senior high mga 8 am pa.
"Halatang masiyado ka'mg bothered na matalo kita."
"Asa ka pa."
He chuckled again like he's really happy teasing and annoying me. He clicked the 6th floor button and hindi ko na siya pinansin hanggang sa makarating kami sa classroom.
Ang bilis dumaan ng mga araw. We're all busy preparing for the midterms dahil kabilaan din ang pa-quiz at unit test ng mga Professors namin. May mga projects din kaming pinapasa at research.
Thursday, araw ng defense namin at fortunately nairaos naming lahat 'yon. After nga ng defense ay nag-groupfie pa kaming klase.
"Thank you, Yuan! You're a great leader!" bati sa kin ng isa sa ka-grupo ko.
"Kayo rin naman." ngumiti ako sa kanila. "Let's prepare for the final defense sa finals."
Tumango silang lahat at nag-picture kaming grupo bago nag-hiwalay.
Sa lunes na ang araw ng tournament at sa Vallen High 'yung venue 'non. 'Yung university sa bandang west. Yung sa amin kasi which is 'yung Greenvale Elite University, sa bandang east kami.
"Congrats, Yuan!" bati ni Alexa ng makita ko siya.
Nasa loob kami ng locker area para magbihis na ng damit namin na uniform. Nakapang-defense attire kasi kami.
"Sa inyo din."
"Parang hindi ka kabado kanina, ah." mapanuyang sabi ni Nathalie habang binobotones 'yung blouse niys.
Umiling ako, "Kinakabahan ako hindi lang halata."
Naunang natapos magbihis si Nathalie at sunod si Alexa na ngayon ay nagsusuklay ng buhok niya.
"Sa Monday na 'yung tournament mo diba?" she asked.
Ipinasok ko muna ang damit ko sa loob ng locker at kinuha ang I.D. ko bago ito sinara at bago siya sinagot.
"Yep."
"Saan 'yon?"
Nilingon ko si Nathalie na nag-reretouch ng make up niya.
"Sa Vallen."
"OMG! Maraming gwapo do'n!" Alexa said with her high pitched voice.
"Malay mo makahanap ka ng boyfriend mo doon."
YOU ARE READING
Checkmate, Alas
Teen FictionYuan Gabriella Fortunalez is a chess player. While Nicholas Nevida Angeles is her greatest competitor. In a game called chess it's about thinking carefully what you're next move will be. But what if they'll develop something that is beyond compare...