biglaan

52 2 0
                                    

Akala'y pagbabago ang matatanaw

Isa na muling panibagong araw

Subalit sa hindi inaasahan

Lahat ng iyon ay akala lamang


Sa halip na bulaklak ang matatamo

Tinik ng rosas ang tinusok

Hindi man lantad sa paningin

Tayo'y nasugatan pa rin, nagdurugo


Sinong mag-aakalang ito'y darating?

Isang lasong ngayon lang naririnig

Ngunit, ito lang nga ba ang mikrobiyo?

O baka nama'y mayroong nasa pwesto?


Binalewala lang noong una

Sa pag-aakalang ito'y lalaho

Datapwa't tayo'y nalinlang

Ng mga nasa paligid natin mismo


Tanging magagawa na lamang

Ang manalangin at magtiwala

Magsilbing boses sa mga hindi nakikita

Panatilihing bukas ang mga mata.








haráyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon