unahan

15 0 0
                                    

Matagal nang nagsimula ang giyera

Hindi ito tumigil at 'di rin hihinto

Mananatili na lamang ang kanyon

At ito'y tahimik na puputok


Isang batalyon ng mga puting damit

Guwantes ang kanilang kalasag

Kalakip ang taimtim na karunungan

Hindi bibiguin ng sining at agham


Lingid sa kaalaman ng balang

May salikmata ang kabaka

Hindi madalas makakalap

Kahit saan na lamang mapadpad


Hindi rin ito nakikita ng mga kwelyo

Kahit bubuhatin man ito sa tuktok

Walang saysay ang largabista

Tiyak na lulubog kapag isusuot


Ang tunay na bayani ng batalya

Ang siyang mga binabalutan

Mga kawaning hindi natutulog

Tanging nakakaramdam


Bagaman nasa hukay ang isang paa

Walang duda pa ring sumabak sa laban

Pagliligtas ang nakatakda sa isip

Isang saludo, labis na pagpupuri



thanking all our diligent frontliners for their never ending efforts and hardwork to fight this war, mabuhay kayo!









haráyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon