Karima-rimarim na hatinggabi
Dalawang oras, malayo na ang narating
Kasabay nito ang pag-ihip ng hangin
Sa karagatan, mga tala'y sumasalamin
Siya'y puno ng kahiwagaan
Iisa lamang ang aming tinatanaw
Bilog na buwan, ang mitsa ng kalawakan
Datapwa't, mga damdami'y nangingibabaw
Nagsimula lahat sa pagmumuni-muni
Nagwakas nang hindi masabi-sabi
Binasag niya ang katahimikan
Para lamang sa isang katanungan
"Iniibig mo ba ang kandila ng kalangitan?
Kahit ito'y 'di man malapitang nasisilayan?"
Pakiwari ko'y patuloy itong liliwanag
Mamahalin ko nang lubos, hindi kukupas