Unti-unti na akong nawawalan ng gana
Bawat bigo, pinupunit ang mga pahina
Palagi na lang bumabalik sa simula
Ba't nagwawakas na lamang 'pag sa gitna?
Pilit ko pa ring pinipiga ang bawat kataga
Kahit paubos na ang laman ng utak
Ipagpapatuloy ko pa ba ang kabanata?
O hihintayin na lang ang pagwawakas?