Muntik nang mabura sa aking bokabularyo
Ang mga itinanim nang nakaraang linggo
Subalit nang may lumitaw sa aking harapan
Nakalimutan ko ang salitang paalam
Muling sumibol ang kaluluwa ng aking pandinig
Nang lasahin ko ang liriko na kanyang ibinahagi
Nakakabighani lamang isapuso at dinggin
Tunay na kadalisayan ang namuong damdamin
Pambihira lamang ang ganitong diskurso
Lalo na't kayrami na ang mga nalalanta
Hindi rin mabilang ang mga nagbabalatkayo
Kawangis na rin ng mga nagpapanggap
Hinilom siya ng musika ng kanyang ilaw
Ang noo'y nagpapagising sa mga naliligaw
Ang katuwang ng kape sa madaling araw
Ang iniirog ng mga pumanaw
Samu't sari raw ang kanyang mga nilikha
Maihahalintulad sa isang walis, nakasisigla
Isang beses sa isang milyong araw na lamang
Lumilitaw ang ganitong kapanatagan