entablado

13 1 0
                                    

Naalala ko pa kung paano nagsimula

Kung paano ka dinala sa kanan

Kung paano kita unang nahanap

At sa isang iglap, tumigil ang lahat


Siguro sa perspektibo ng ilan

Ito'y isang karaniwang panimula

Ng mga kwentong pag-ibig

Na kadalasan sa huli'y nabibigkis


Sa sandaling pagkakataong iyon

Ako'y tila napadpad sa kalawakan

Nabubuhay sa pag-agos ng mga alon

Sa kailaliman ng karagatan






haráyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon