Hindi pa natutulog ang buwan
Gising na ang anak ng kabundukan
Tinitiis ang kadiliman
Sa paghahanap ng tahanan
Sa isang maliit na hapag
May mga nagsisimula pa lamang
Sa kanan, mayroong pumapatak
Hinihintay ang naglayag
Hindi sila magsasawa
Hangga't walang makakalap
Kahit mapadpad man sa kabila
Tingalain na lamang ang mga ulap
Kapag walang mapapala
Titiis sa mga tinik na natitira
Babalik sa pinanggalingan
Bubuksan ang durungawan
Nangingibabaw pa rin ang ligaya
Nananatili ang mga sanga
Walang niisang puwang na silya
At sa muli, hihintayin ang umaga