babalik

31 0 0
                                    

Sa paggising ko tuwing umaga

Ikaw ang hinahanap ng mga mata

Hinahangad na makasama

Ang tanging nagpapalaya


Nang una kitang hinawakan

Ikinintal ko na sa aking isipan

Na hindi kita bibitawan

Hindi rin papakawalan


Ilang araw na ang nakalipas

Hindi pa rin ako makapaniwala

Na ika'y naglaho, walang paalam

Tila isang lobo, nawawala sa kalangitan


Halos kalahati ng sarili ko

Sayo na nabubuhay

Kaya nang hindi ka nagising

Pagkatao ko'y naging matamlay


Ibinahagi ko sayo lahat

Mga hinanakit at mga hinahangad

Higit ka pa sa isang simpleng kaibigan

Dinadamay ako sa buhay kong 'di maunawaan


At sa kasalukuyan, ika'y natutulog

Sa dahilang ikaw din ay napapagod

Nasasawa na rin sa aking mga palad

Pati na rin ang pakikitungo ng lahat


Manatili ka sanang matatag

Sa gitna ng iyong pagpapahinga

Sapagkat inaasam ko nang makasama ka muli

At ipagpatuloy ang nasimulan nating mithi






(ps. para po 'to sa phone kong di ata nakaya ung quarantine dkjgajdhaslkdjl, at sana nga babalik na sya)





haráyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon