magkatugma

14 1 0
                                    

At sa kagubatan

Akala'y kadiliman

Subalit ang inaasahan

Hindi natagpuan


Dalawang anino

Ibang ninuno

Magkasalungat na estado

Hindi magkalayo


Ang kanilang salita

Hindi nauunawaan

Sa halip na bunganga

Mga mata'y naramdaman


Sa kanilang ekspedisyon

Iisa lamang ang layon

Huminga nang malalim

At hihintayin ang alon


haráyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon