Nagising ako kaninang madaling araw
Uling pa rin ang nakikita ko sa taas
Tila pagong ang ginagalawan ko
Hindi na ako dinalawan ng lahat
Dumilat ang aking mga mata
Nakasalubong ko ang kanyang sinag
Lumitaw na rin ang higanteng ulap
Hinahangad ng mga paa kong tumakas
Katulad nga ng sinabi ng isang musikero
Tayo'y mga sanga ng magkaibang puno
Matagal nang ikinintal sa lupang matayog
Patuloy na sisibol, hinding hindi lulubog