saranggola

16 1 0
                                    


Umuupo lang siya sa kasalukuyan

Binabalutan ng huni ng mga kinulong

Hinahanap ang mga salitang 'di tapos

Binabalikan ang noo'y hindi hinubog


Tumayo siya at sinimulan ang ekspedisyon

Nakikilala niya pa ang nakakasalubong

Ang mga naging parte at naging leksiyon

Ang mga tuluyan nang binaon sa limot


Napagod siya sa kanyang paglakbay

Huminto at nagmuni-muni

Napaluha siya nang umiyak ang langit

Hinihintay pa ring marinig


Malayo na ang nararating

Humarap sa lumang salamin

Hindi siya makaimik

Nakilala na niya ang sarili


Matayog na ang kanyang paglayag

Naramdaman niya ang kalapati sa hilaga

Naputol man ang pisi ng kanyang alamat

Kaluluwa niya'y patuloy pa ring lilipad









haráyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon