Unti-unti nang nasasakop
Ang masa'y nalulunod
Hindi pa rin natutuldok
Saan nga ba tayo patungo?
Nakikita ko sa kanilang mga mata
Ang kaluluwang 'di maipaliwanag
Tuwing sila'y aking nahaharap
Tila gumuguho na ang lahat
Hindi ko alam kung ito ba'y kakalasan
O panimula pa lamang ng kwento
Isa lamang ang aking hinahangad
Nawa'y humihinga pa rin lahat sa dulo