Kahapon, naniniwala siya sa langit
Sa pagitan ng kanilang huni at himig
Ang paglakbay ng hangin mula sa malayo
Matayog na rin ang paglipad ng mga dahon
Wala siyang hiniling sa mga kumikislap
Tinatanaw niya lamang ang paglayag
Hinihintay ang pagpapahinga ng iniirog
Ang panaginip na hindi niya malimot
Tumahan sa isang malawak na parang
Hanggang sa narinig ng isang estranghero
Sila'y marahang nagpalitan ng mga bulong
Sinasalubong ang marilag na dapit-hapon