Yanna's POV
Kagigising ko palang pero gusto ko agad makita ang fiance ko kaya bumaba ako agad at hinanap siya but I can't find him anywhere. Hm asan kaya yun? I just shrugged my shoulders atsaka lumapit kay kuya John.
"Kuya John asan po si Wins?" napakunot noo naman siya sa tanong ko. Anong mali dun? Mali ba na tanungin ko kung asan ang FIANCE KO?
"Ah si sir Sean po. Nagulat naman ako kase may tumawag nadin sa kanya sa second name niya. Nasa manggahan po sinama ng lolo niyo para naman daw po mas makilala niya ang soon to be business niyang isa dito." sagot niya saken. Ha? What does lolo mean by that? Ipapamana niya yun kay Wins? Tatanungin ko nalang mamaya sa kanya.
Maybe you're wondering why I'm calling him Wins right? Gusto ko kase may tawag ako sa kanya na ako lang para pag tinawaga ko siya ako agad maiisip niya. O dba? Ganun mainlab ang lola niya.
Pumunta na ako malapit kay Kuya John na nagdidilig ng halaman at tinulungan ko na. Para naman daw maiambag ako dba?
Seryoso akong nagdidilig nang biglang lumakas yung tubig na hawak ko at nabasa si Kuya John. Pffttt. Natawa na lamang ako sa itsura dahil priceless. Tawa ako ng tawa nang mahalata kong nakatingin siya sakin ng mariin. Uh-oh.
Tatakbo na sana ako kaso mabilis niya akong binasa gamit ang hawak niyang hose at tumawa naman siya. Ah ganun pala ha gusto ng basahan ah.
Nagbabasahan kami ni Kuya ng biglang may nagsalita sa paligid namin.
"Eheemm baka naman pwede niyo nang itigil diba? " tanong ni Wins na parang nagagalit. Bat naman yan magagalit? Asa ka. Lumapit ako kay lolo matapos kid ng bitawan ang hawak kong hose saka ko siya niyakap.
"Namiss kita Lolo. Ang aga niyong pumunta dun ah. " sabi ko habang yakap siya pero siya nadin ang kumalas sa yakap.
"Wen apo(Oo apo) . Para naman maipakita ko kay Sean yung isa sa business natin dito bukod sa pagsasaka. Teka nga apo-niyakap mo ako pero yung fiance mo walang yakap? " tanong ni lolo na nakapag blush sakin. Shit lolo naman eh kung okey lang kami neto kanina ko pa siya niyakap. Pero pagtingin mo palang sa mukha niya parang gusto niya akong patayin ihhh.
"Si lolo kung ano ano sinasabi. Pasok nalang yayo sa loob." aya ko sa kanya at pumayag naman siya. Yes, naligtas ako dun ah. Napangiti na lamang ako sa naisip kong yun. Papunta na sana kami sa kusina nang makita ko si Wins na dinaanan lang ako at hindi pinansin.
Nyare doon? Tinoyo na naman ba? Mood swings amp.
Bahala siya jan-
"Apo tawagin mo si Sean at mag agahan na tayo. Hindi pa yan kumakain baka magkasakit. " utos sakin ni lolo at tumango naman ako. Pero saka ko lang naisip.
Pano ko iyon tatawagin eh mukhang galjt nga ata sa walang dahilan diba?
Hays pano na to? Urghh bahala na nga jan.
Lumapit ako sa kwarto niya na katabi ng kwarto ko saka ako kumatok.
Woohhh inhaleee
Exhalee
Eto na kakatok na.
"Wins-" bigla naman daw akong nagulat nang buksan niya ang pintuan. Halla ambilis. Tinignan lang niya ako ng nagtataka kaya nagsalita ulit ako.
"Kain na daw kayo sabi ni Lolo. " sabi ko pero wala parin siyang reaksyon. Pumasok lang siya ulit sa kwarto niya at buti naman hindi niya sinara kaya pumasok na din ako.
"Kumain ka na nga daw. " sabi ko ulit sa kanya.
"Okey lang ako. Hindi ako gutom. Umalis ka nga dito. " sabi niya ng naiinis. Halla problema neto? Tinoyo na naman jusq.
"Ayoko. Hindi ako aalis dito hanggang hindi ka bumababa at kumain. " pagmamatigas ko at napatingin siya sakin. Hindi pa naman ako naglinis ng mukha sht. Baka mapangitan siya saken-
"Bumaba ka na ngalang kase. Baka hinihintay ka na ni John mo sa baba. " sabi niya. Ano sabi ulit? John ko?
"Hoy ano bang pinagsasabi mo ha. Anong John ko? Hindi ko pag aari si Kuya John ah. " diin ko sa kanya pero mas lalo siyang lumapit sa akin na galit ang mukha.
"Wag mo nang ika ila pa. Eh kitang kita naman ang landian niyo kanina eh. Tawang tawa ka pa psh. " sabi niya saken. Halla
looaddingggg
Looaaddinggg
"Wins nagseselos kaba? " bigla kong sagot sa kanya kaya bigla siyang sumagot.
"Hindi ah. Bat naman ako magseselos. Pake ko ba sa inyo?" giit niya. Sabi ko nga hindi nagseselos. Asa pa ako diba? Bat naman kase siya magseselos eh hindi nga niya ako mahal.
"Oo na hindi na. Basta bumaba ka nalang at kumain. " paalala ko sa kanya at tatalikod na sana nang sumagot siya.
"Ayoko" abat parang bata to ah.
"Wins bumaba kana. Baka magkasakit ka pa. Kailangan mo pang kumain" nang sinabi ko yon ah napangiti siya bigla. Abnormal.
"I like it when you call me Wins. Oo na baba na ako at kakain kase ayokong magkasakit kase papakasalan pa kita diba?" sabi niya saka pinisil ang ilong ko. Ngumiti siya ng totoo saka bumaba na din. Iniwan ako sa loob ng kwarto.
What was that?
Anong nangyare?
Bigla akong tumakbo papunta sa salamin at nagulat ako.
Sht! Nagmumukha na akong kamatis dahil sa pula ng pisngi ko.
Waaa ano kayang sabi niya nang makitang nagbablush ako.
Nakakahiya. Geez
---------
Yipieeee hope you love it guys like I feel about you reading my work. Ewzss kadiri HAHAHAHADon't forget to vote, comment and share.
Ciao💜
BINABASA MO ANG
Still The One(COMPLETED)
Romance"WHY ARE YOU FUCKING FLIRTING WITH XAV YAN? REMEMBER THAT YOU-ARE F*CKING-MINE. AND I DON'T SHARE"he shouted at her. Meet Sean Winsley Cooper your ideal type of guy. A half- filipino half-german who is filthy rich and the CEO of Cooper Company. A...